Adri's POV
"Adri?!"
Si Ian. Hanggang dito ba naman makikita ko pa rin siya. Tinatry ko na ngang sumuko pero laging naman siyang sumusulpot. Ang hirap hirap kaya.
Kasama niya si Belle. Ang ganda niya ngayon. Siguro may date sila. Buti pa sila...
Please sana hindi siya umupo malapit or kasama namin.
"Uy, Ian, par. Lika dito na rin kayo umupo." Binigyan naman ako ng mapaglarong ngiti nitong si Liam. Inaasar ako ng isang toh. Nakakabasa ba toh ng isip. Alam niya kasing si Ian ang weakness ko. Makakabawi rin ako sayo. Sinuklian ko naman ang mga ngiti niya ng lagot-ka-sa-akin-mamaya look.
Umupo sina Ian at Belle sa table namin. So bale katabi ko si Liam, nasa tapat ko si Ian then katabi ni Ian si Belle.
Ang awkward talaga namin. Or should I say ako lang. Ba naman, kung nakaharap sayo ang isang napakagwapong nilalang na biniyayaan ng napakagandang mata sino ba namang hindi matatahimik dun. Ano ba tong mga pinagsasasabi ko? Nababaliw na talaga ako.
"Adri? Adri!" Nagising naman ako mula sa mga ilusyon ko. Si Liam pala.
"Bakit?" Ano ba kasing gusto nito?!
"Kanina ka pa kasi nakatulala diyan. Ano bang iniisip mo?" Pagtatanong ni Belle.
"Siguro nananaginip ka na tungkol kay Ian noh?" Natatawang bulong ni Liam sa kin. Namumuro na talaga itong isang ito.
"Wala lang yun. Nay naalala lang ako." Pagdadahilan ko.
"Bukas na yung FS night diba?" Pag-iiba ko ng topic.
"Oo nga! Excited na talaga ako. Sino kapartner niyo?" Masayang taning ni Belle.
"Si Adri"
"Si Liam"
Sabay naming sabi. Nagkatinginan kami at napatawa sa isa't-isa.
"Yieeee. Kayong dalawa ah. Alam niyo bagay kamo talaga kayo." Kilig na kilig na sabi ni Belle. Nang tumingin ako kay Ian parang may bahid ng lungkot sa mga mata niya. Nako, Adri. Yan ka nanaman eh. Umaasa ka naman. Baka namalikmata lang ako. "Buti napapayag mo itong si Adri."
"Syempre naman noh. Sa gwapo kong ito. Tatanggihan pa ba ako niyan?" Mayabang na sabi ni Liam.
"Grabe. May bagyo pa ngayon. Ang lakas kasi ng hangin eh." Natatawa kong sabi. Napatawa na rin si Belle at si Liam di maipinta ang mukha. "Wag na magtampo. Sige ka, baka mawala yang pogi mong mukha." Pagkasabi ko nun ay ngumiti naman itong si Liam na parang baliw. Pero si Ian...
"CR lang ako." Ano nangyari dun? Kanina pa nga yun di nagsasalita eh. Napakaseryoso niya.
Maya maya ay napagdesisyunan na rin naming umalis. May practice kasi kami diba? Kaya ayun dumiretso na rin kami sa bahay ko.
Habang naglalakad kami palabas...
"Adri, pwede bang sakin ka na muna sumabay? Maddie, okay lang ba sayo na kay Liam muna sumabay?" Pagtatanong ni Ian.
"Oo naman." Wika ni Belle
Tumango na lang ako. Bakit kaya? Ahhh...baka yung tungkol dun sa favor na hiningi niya sa akin.
Sumakay kami sa kotse nina Ian. Sinabi niya muna sa driver na pumunta sa bahay namin at tapos ay nagusap kami.
"Tagal na nating di nagagawa toh. Lagi na nga lang si Liam kasama mo eh. Tampo na ko sayo." Sabi niya habang nakapout.
"Wow ah. Eh ikaw nga tong sobrang busy kay Belle. Lagi na lang tungkol kay Belle naririnig ko sayo eh." Medyo naiinis pero kalamado parin sagot.
"Sorry na, Adri. Promise babawi ako sayo. Pero..." Alam ko namang may kailangan lang ito sa akin eh.
BINABASA MO ANG
Secretly Crushing On My Bestfriend
Novela JuvenilA girl who hides her feeling towards her bestfriend. Will she just accept the fact that they are not for each other? or Will she confess her feeling to her bestfriend? ~~~~~ Language: Taglish Started: June 13, 2018 Ended: ~~~ Cover by: xangientx