Chapter 11

91 2 0
                                    

Adri's POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko na nasa clinic ako. Teka...bakit nandito ako?

Huli kong naalala na papunta ako sa principal's office tapos parang may tumusok tas bigla bigla na lang akong nahilo.

Babangon na sana ako nung naramdaman kong may parang nakadagan sa kamay ko. Nilingon ko ito at...SI IAN?! Hawak niya ang kamay ko habang natutulog siya. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Anong ginagawa niya dito? Siya ba ang nagbantay sa akin dito?

Ang sarap niyang panooring matulog. Ang innosente at bait ng itsura niya pag natutulog pero pag gising puro kalokohan din yan. Pero si Ian, alam niya kung kailan dapat magseryoso. Marunong siyang makinig sa problema ng iba pati na rin sa pagcocomfort at pagbibigay ng advice sa kanila. That's what I like from him.

Alam kong dapat kong kinukwestyon ang sarili ko kung bakit ako nagpapaka-martir. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam. Kasi sa bawat sandaling sinusubukan kong pigilan itong nararamdaman ko para sa kanya, bumabalik at bumabalik pa rin ako dito. Sige na, sabihin niyo ng marupok ako pero what can I do? I tried a million times already.

Maybe the only option is to tell him? But that's like trading our years of friendship for the unknown. Pag nagawa ko na ito, wala nang urungan. Wala ng reverse button.

Naistorbo naman ang mga iniisip ko ng biglang nagising si Ian. Kinusot-kusot niya ang mata niya at tumitig sa akin. Halata na nagulat siya. Pero mas nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako. Isang mahigpit na yakap.

"You made me worried." Bigkas niya habang nakayap pa rin siya. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto rin.

Bigla namang may tumawag sa phone ko.

"Hello."

["Adri! Okay ka na? Sinabi sa akin kung anong nangyari sayo. Sino gumawa nito sayo? Nasan ka? Nasa clinic ka ba? Pupunta na ko diyan. Wag kang aalis diyan. Hintayin mo ko."]

"Pero kuy-" Ay, grabe siya oh. Binabaan ako.

"Si Kuya Ace ba yun?" Tumango naman ako bilang sagot ko kay Ian. Sigurado akong nag-aalala yun sa akin.

"Ian, may sasabihin sana ako sayo." Pwede ko na siguro sabihin ngayon. Kaming dalawa lang dito ang makakarinig nito. Sa totoo lang kinakabahan talaga ako.

"Ano yun?"

"Ano kase may g-" Naputol ang aking sasabihin ng pumasok si Kuya Ace.

"Adri, anong nangyari sayo? Sinong gumawa nito?" I gave him the i-also-don't-know look and tumingin kay Ian.

"May naiinject kay Adri na small amount and mild chemical causing her to faint. We bet na yung nagtetext sa kanya at ang gumawa nito ay iisa. Ang tanong ay kung sino siya." Sagot ni Ian.

"Pero pano toh nangyari? Di ba lagi kayong magkakasama." Sabi ni Kuya with matching cross arms at taas kilay. Oh no! Dinadali ni Kuya si Ian.

"Inutusan kasi ako ng teacher namin kasi ako unang natapos sa quiz. Sila naman nagququiz pa rin so hindi nila ako nasamahan." Pagpapaliwanag ko. "Hindi niya kasalanan."

Mukhang kumbinsado na naman si Kuya kaya umalis na rin kami sa clinic. Pero may inaalala pa rin ako eh.

"Ian, anong sinabi mo kay nurse? Di ba siya maghihinala?" I mean, not everyday makaka-encounter ka ng ganun. Plus, baka sabihin niya sa iba yun.

"Wag ka mag-alala. I took care of it." He reassured me.

************

"ANO?!!" Sabay sabay an bigkas ng mga ito. Nandito kasi ang tropa ngayon. Syempre, wala si Ian at Belle. Kailan ba sumipot yung mga yun?

Naikuwento ko sa kanila yung MUNTIK ko na masabi.

"Nagawa mo talaga yun?" Pagtatanong ni Kaleb sa akin. "Bakit naman hindi mo naituloy?"

"Itanong niyo kaya sa magaling kong Kuya." Sabay irap ko.

"Luh. Wala kaya akong ginawa. Kasalanan ko ba yun?" Nagulat kami lahat nung nakikinig pala si Kuya Ace. "Alam ko na yang pagkagusto ni Adri kay Ian. Matagal na nga eh."

"A-alam mo yun?" Pero paano? Wala naman akong sinasabi sa kanya.

"Sa susunod kasi, matuto kang magtago ng diary mo." Bigkas niya at tapos ay tumawa ng tumawa. "At...Hindi lang yun ang alam ko." Nakaita ko namang may naform na smirk sa mukha niya.

Literal na napanganga na lang ako. Ang galing galing talaga ng kapatid ko.

"Pero, Kuya, that does not change the fact na panira ka talaga ng moment." Bigkas ni Brian. Napatawa naman kaming lahat pero wala si Liam. Asan kaya yun?

Pinuntahan ko siya sa may garden.

Naabutan ko siyang nakatingin sa sahig at mukhang tulala.

"Liam, okay ka lang?" Hindi ako sanay ng ganto siya.

"Huh? O-oo naman." Alam kong nagsisinungaling siya.

"Talaga lang? Baka nakakalimutan mong kilalang kilala na kita. Alam kong hindi iyon totoo." Bigkas ko. Napabuntong hininga naman siya.

"May iniisip lang ako." Tungkol naman kaya saan?

"Gusto mong mag-share?" Halata naman na mukhang nag-aalinlangan siya. "Look, hindi mo kailangan magkuwento kung ayaw mo. Pero tandaan mo nandito lang ako. Handa akong makinig sayo kagaya ng ginawa mo para sa akin." Niyakap ko siya. Alam kong malungkot talaga siya at malalim ang iniisip ngayon. Niyakap niya rin ako pabalik.

Sabay kaming bumalik sa loob.

"Uy, Ian, Belle! Nandito na pala kayo." Nagulat ako. Minsan lang talaga kasi sumama yang dalawang yan dito.

"May dinaanan lamg kami." Sagot ni Belle.

"So, saan tayo pupunta ngayong sembreak?" Excited na tanong ni Alyssa. Mahilig talaga itong gumala eh.

"Batangas! Mag beach na lang tayo." Suggetion ko "May alam akong magandang lugar dun."

"Pwede nga!" Bigkas ni Kaleb. "Tagal ko na rin di nakakapag beach."

"So, aalis tayo ng Fri ng gabi. 1 week tayo dun." Sabi ko.

May nag ring naman na phone. Kay Belle pala.

"Guys, excuse muna." Wika niya at lumabas.

Lumapit sa akin si Alyssa at mukhang may ibubulong.

"Sasama ba yun?" Tukoy niya kay Belle. Tinanguan ko naman. "Ewan ko ba kamo. May kutob ako dun eh." Ano naman pinagsasasabi nito? "Baka ako lang pero iba talaga pakiramdam ko sa kanya."

Bumalik na si Belle kaya tumigil na rin si Alyssa. Totoo naman kaya kutob ni Alyssa? Ay, bahala na nga.





























Secretly Crushing On My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon