CHAPTER FOUR – THE SOSSY BITCH
|Chiyonne|
Chanel, Hermes, Gucci, Prada, o Louis Vuitton.
Kanina pa ako dito sa Dressing Room pero hindi pa ako makapili ng gagamiting bag. Pinindot ko yung buzzer at maya-maya lang ay may pumasok na isang katulong.
“Choose!” utos ko sa kanya. Mukhang nagulat yung katulong.
“I said choose! You make pili na!” kaya dali-dali siyang nagtingin. Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong cabinet na puno ng mga mamahaling bag.
Lumapit siya sa isang red na Louis Vuitton na shoulder bag. Hmm. Nice choice. Bagay sa damit ko.
Akmang hahawakan na niya ito kaya hinampas ko ang kanyang mga kamay. Hampas na may class.
“Now. Get out!”
“Pero ma’am” Ano ba inaakala niya? Ibibigay ko sa kanya ang bag na ‘to? Hell no! Kunin na niya lahat wag lang ang mga bag ko.
“Oh? You make layas na in front of me!” umalis na siya sa harapan ko at lumabas na ng bahay.
Hmm. Magaling din pumili ang katulong na ‘yun ha!
Lumabas na rin ako ng dressing room at bumaba ng hagdanan kaso nakasalubong ko ang aking OLDER sister. Empahasize the word “OLDER” para mapamukha sa kanya na mas matanda siya sa akin.
“At saan ka naman pupunta?” taas kilay niyang tanong.
“Sa lugar kung saan wala ka!” simpleng sagot ko. Binangga ko siya habang pababa ako. Hinawakan niya ang aking braso. Mahigpit na hawak na halos bumabaon na ang mga mga mautulis niyang kuko sa aking flawless na braso.
“What’s your problem ba?” hinampas ko ‘yung kanyang kamay.
“Wala lang!” casual niyang sabi. “Anyway, gusto ko lang sabihin sayo na baka mamaya magpropose na saken si Mikael.” Nagpanting ang mga sinabi niya. Mikael. That STUPID bastard who broke my STUPID heart.
“Hmmm… Natahimik ka ata. Wag mong sabihing may feelings ka pa rin sa kanya. Hahaha. Poor little girl.” Sabi niya na halatang inaasar niya talaga ako.
Hindi ako nagpaepekto. Tumayo ako ng ayos at ngumiti. “Ahh. That’s good to hear. Kaso wag kang mag-expect ng mataas.” Umikot ako sa kanya. hinagod ko ang kanyang mahaba pero dry na buhok.
Nilapit ko rin ang aking bibig sa kanyang tenga at bumulong. “Kasi ‘pag bumagsak ka, siguradong masakit.”
BINABASA MO ANG
The Antagonists' Legacy
HumorSagad-sagaran ba ang kasamaan ng ugali mo? Sa sobrang kahalangan ba ng bituka mo ay nag360 degrees turn na ito? Ang gusto mo bang role ay ang maging kontrabida? Black sheep ka ba sa pamilya mo? Sawa ka na bang maging mabait? Sawa ka na bang laging i...