CHAPTER THIRTEEN - WE DIED?

87 10 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN - WE DIED?

|Chiyonne|

"Kumpirmado na ng mga pulis na ang Antagonists ang natagpuang patay sa may bangin sa blah blah blah. Kinumpirma ito ng mga kamag-anak nila ayon na rin sa mga suot nitong gamit tulad ng paboritong bag ni Alexandra Angie Ruth Jandusay Montenegro na suot ng isang sunog na bangkay na kinumpirma  ng kanyang stepmother na si Constancia Dimayakyak. Blah blah blah." Sabi nung reporter sa TV ng isang karinderyang aming kinakainan ngayon. Mali sila, hindi kami ang namatay. Ito kami ngayon oh, buhay na buhay.

Walang nakakakilala sa amin ngayon dahil nakataklob ang mga mukha namin ngayon. Mukha kaming Muslim, kahit na sina Xander ay nagmukha ring arabo.

Flashback

Naghawak hawak kamay na kami nina A-r dahil alam na naming dito na matatapos ang aming buhay.

"It's not the end guys." Biglang bumangon si Seth. Binuksan niya ang pinto ng van at hinila kami palabas. Noong medyo nakalayo na kami ay bigla na lang sumabog 'yung van.

Nagtatakbo kami kahit pagod na pagod na kami sa isang police station pero bago pa kami makapasok ay pinigilan kami ni Xander. Itinuro niya sa amin 'yung lalaki sa loob ng police station at nagulat kami dahil ito 'yung lalaking nagbigay sa amin ng nakakadiring pagkain.

Napalingon ito sa gawi namin kaya agad kaming nagtatakbo ng iba pang antagonist. Hanggang sa napadpad kami sa isang simbahan. Pumasok kami dito at nagtago hanggang sa naramdaman naming wala na 'yung lalaki.

"Sigurado ako na malakas ang kapit nung nagpakidnap sa atin sa mga pulis kaya hindi tayo pwedeng magsumbong." Pagpapaliwanag sa amin ni Xander sa amin.

"What should we do?" Tanong ni A-r.

"Bawal tayong umuwi sa ating mga bahay. Dahil malamang, sinusurveilance nila tayo kung makakauwi tayo."

"So where should we go?"

"I don't know. I'm not ready for this kind of problem."

End of flashback

So 'yun na nga ang nangyari. Ngayon ay pupuntahan namin ang aming 'funeral' kahit hindi kami 'yun.

"Alexandra! Anak ko! Huhu! Hindi kita malilimutan." OA na pagdradrama ni Constancia doon sa kabaong.

"Kahit sobrang kulit mo ay naituring kita bilang isang tunay kong anak kahit hindi ka sa akin nanggaling." Nagiging center of attraction na rin siya dahil sa napakaOA niyang pag-iyak. Nagbubulung-bulungan na rin 'yung iba pang mga bisita at 'yung iba ay pinagtatawanan na siya.

"Tsk. Ang OA niya talaga. Tara na nga." Bulong samin ni A-r. Umalis na nga kami at nagpunta naman sa 'funeral kuno' ni Xander.

Sobrang dami niyang bisita at halos puro babae at binabae. Naiyak sila habang may mga dala pang banners at tarpaulin na may nakalagay na "We will miss you Prince Xander". May ilan-ilan rin na naglalagay pa rin ng love letters sa kabaong. Grabe ah. 'Yung ibang babae naman ay nagsisismulang nang mag-away dahil prinoproclaim nila na sila ang girlfriend ni Xander.

"Tsk. Kahit patay na pinag-aagawan pa rin." Sabi ni Seth.

"Ang gwapo ko kasi." Ngumiti pang sabi ni Xander.

"Tara na nga at lumalakas na ang hangin dito." Sabi ni A-r.

Umalis na nga kami at sunod na pinuntahan 'yung kay Seth. Nagulat kami dahil....

.

.

.

Walang dumalaw sa kanyang burol. Maliban sa isang lalaki. Nakaupo ito sa upuan at nakatungo. "Ku-kuya." Kahit hindi namin masyadong kita ang itsura nito, alam naming naiyak ito dahil sa garagal na boses.

"Tsk. I hate drama." Sabi ni Seth. "May kapatid ka pala?" Tanong ko sa kanya. "Kapatid sa labas." So may kapatid sa loob?

"Tara na, tingnan naman natin 'yung iyo Chiyonne." Nagpunta nga kami. Normal lang 'yung set nung sa aking 'funeral kuno'. May mga dumalo, sumsilip sa sunog na bangkay sa loob ng kabaong.

"Chiyonne sino 'yun?" Tanong ni Xander sa babaeng nakatalikod sa amin at may mga inaasikasong bisista.

"That's my OLDER sister, Dionne. Bakit?"

"Wala lang. Tara tayo na. May plano na ako." Sabi niya.

Nagpunta kami sa isang abandonadong bahay na nakita lang namin. "Ano na 'yung plano mo Xander?" Tanong ni A-r.

"We should change our identity."

The Antagonists' LegacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon