CHAPTER ONE - THE SPOILED BRAT

479 21 11
                                    

CHAPTER ONE – THE SPOILED BRAT

 

 

|A-r (pronounced as Ey Ar)|

 

 

*BZZT! BZZT! BZZT!*

 

"Hmmm..." kinapa kapa ko ang digital alarm clock sa coffee table na katabi lang ng aking kama. Hinampas ko ito para tumigil sa pagtunog. Nakakairita kasi, ang ingay ingay.

Nag-unat ako pagkatapos ay tinanggal ko ang sky blue na blindfold na nakatakip sa aking mata. Kaya ako nakablindfold ay dahil ginagamit ko ito sa aking 'pagmamagandang tulog.'

Tiningnan ko ang digital alarm clock para alamin kung ano ang oras at araw ngayon.

 

7:00 am. SUNDAY.

Bahagya akong napangiti ng malamang Sunday ngayon. Sunday is shopping day!

Excited kong kinuha ang iPhone (newest model) sa ilalim ng unan ko at nagdial.

"Hello!" magandang pagbati ko.

"Yes girl? Any problem that I can make tulong to you?" tanong ng babaeng kausap ko sa kabilang linya.

"Girl let's go shopping today. Tell the others okay? I will just text you na lang the details kung saan tayo magmimeet."

"Okay girl" sabi niya. Inend ko na ang call at tinext sa kanya ang mga details.

Pagkatapos kong magtext ay pinindot ko 'yung buzzer na nasa taas ng headboard ng aking kama.

Maya maya ay pumasok na ang anim na magagandang RUSSIAN maids. Yap! They are all Russians. This means that hindi lang basta basta ang mga maids ko. Dahil mayaman naman ang pamilya ko, nakakayanan namin ang maghire ng mga foreign maids.

"Good Morning Ms. M" panimula nung head maid nila. Bata ang maid na 'to na sa tantya ko ay 21-23 years old palang; Blonde ang buhok niya na hanggang balakang ang haba; Maganda siya pero mas maganda ako; Maputi siya pero mas maputi ako; at higit sa lahat, sexy siya pero mas sexy ako.

Hindi ko rin pinarerequire sa mga maid ko ang magsuot ng maid's uniform dahil ang gusto ko ay fashionista sila kagaya ko. And one more important thing, Ms. M (Short for Ms. Montenegro) ang tawag ng mga taong hindi ko kalevel at hindi ko kaclose.

"Tell my fashion designer to ready my dress for today!" utos ko sa head maid. Lumabas na siya ng pintuan para puntahan ang fashion designer ko na malamang ay nasa isa sa mga walk-in closets ko.

'Yung ibang maids naman ay ginawa na ang kani-kanilang assigned duty.

Katulad na lang nung dalawang maid na hirap na hirap buksan ang napakakapal at napakatingkad na royal blue na kurtina.  Nang mabuksan nila 'yun ay lumitaw ang pagsikat ng araw. Dito ko talaga pinalagay ang kwarto ko para kitang kita ko ang napakagandang pagsikat ng araw na kasing ganda ko lang naman. FYI lang ha, hindi ako GGSS o Gandang Ganda Sa Sarili katulad ng iba dyan. Talaga lang na maganda ako at dapat ipinagyayabang ko 'yun sa iba.

 

Samantala, yung dalawa pang maid ay inaayos ang sapin ng aking nagmamaldita sa pagka-asul na master-sized na kama. Nakagwantes pa sila para hindi malagyan ng mga mikrobyo nila ito.

The Antagonists' LegacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon