CHAPTER SIX - GO CBA DIE!

202 16 5
                                    

CHAPTER SIX - GO CBA DIE!

 

 

|A-r|

 

*BZZT! BZZT! BZZT!*

Kinapa-kapa ko ‘yung alarm clock sa coffee table pagkatapos ay ibinato ko sa kung saan. Ang ingay-ingay! Grrr! Sa susunod nga bibili ako ng alarm clock na hindi maingay. Nice idea, right?

Dahil sa nagising na rin ang aking diwa ay bumangon na ako. As usual, ginawa ko ulit ‘yung mga daily routines ko. Tinawag ko na ‘yung mga maids tapos inutusan tapos naligo na ako tapos pumunta na sa dressing room.

“Ms. M, naihanda ko na po ‘yung inyong isusuot na uniform.” Paunang bati nung baklang stylist ko.

Wala ako sa mood kaya nagroll na lang ako ng mata. Wala ako sa mood dahil MONDAY ngayon. MONDAY ngayon, ibig sabihin may pasok. Aaargh.

Pagkatapos akong bihisan ng aking stylist ay bumaba na ako at dumiretcho sa dining room. Naabutan kong kumakain si dad ng almusal habang todo asikaso sa kanya si Constancia. SANA MAGKADIABETES NA ‘YANG SI CONSTANCIA SA SOBRANG KASWEETAN.

“Good morning dad!” bati ko sa kanya. Tiningnan ako ni Constancia na mukhang inaabangan ang pagbati ko sa kanya. PERO, of course dahil hindi ako PLASTIC BALLOON (Plastic na nga, puno pa ng hangin ang katawan) kagaya ni Constancia, inirapan ko lang siya.

“What’s good with the morning!?” madiin at galit na tanong ni dad. Wala ata siya sa mood.

“Why dad? Is there any problem?” medyo naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Yes ALEXANDRA, there is a problem. Ano ‘tong nabalitaan ko sa tita Cony mo na sinasaktan mo daw siya at pinahihirapan.” Hindi na ako nagulat sa sinabi ni dad. That was normal in this house. Lahat ng ginagawa kong masama ay nakakarating lagi kay dad credits to CONSTANCIA.

“But dad—“

“NO buts Alexandra. Hanggang ngayon ba? Isip-bata ka pa rin? College ka na and sooner or later gragraduate ka na at magmamana ng business natin. Stop acting like a child.” Tumayo si dad sa kanyang pagkakaupo. “Nawalan na ako ng gana. Bye ConyMyLabs.” Pagkatapos ay kiniss na niya si Constancia. Hindi lang kiss, kundi Mexican kiss. Sa harapan ko pa talaga ha! Nice! I love the scenery. SO ROMANTIC YET, SO HORRIFIC.

Umalis na si dad ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. WHO CARES?

“Well! Well! Well! Mukhang napaniwala ko ang iyong ama sa aking mga sinabi. Uto-uto talaga ‘yun. Hihi. Kaya nga nagustuhan ko siya eh. Sana nagmana ka sa iyong ama para mauto rin kita.” Sabi ni Constancia na mukhang inaasar ako. Sorry na lang siya dahil hindi ako pikon kagaya niya.

“Well! Well! Well! Buti na lang at sa aking ina ako nagmana kaya hindi ako uto-utong kagaya niya. AT ATLEAST, hindi ikaw ang aking ina, ayaw kong magmana sayo eh. Baka galawin pa akong piglet dahil ang nanay ko ay baboy.” Ngumisi ako nung makitang nagbago ang mukha ni Constancia.

The Antagonists' LegacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon