CHAPTER NINE - WE ARE THE ADJUDICATORS

120 8 2
                                    

CHAPTER NINE - WE ARE THE ADJUDICATORS

|Xander|

"Sir you'll have a meeting with the Korean investors next week blah blah blah." halos araw araw na lang na laging pinapaalala sa akin ng aking sekretarya ang mga dapat kong gawin. Nakakasawa na. Please give me some break. Gusto ko man lang magpahinga sa mga nakakastress na gawaing ito. Gusto ko sanang maranasan ang maging isang normal teenager.

"Sir are you listening to me?" Medyo bored niyang sabi. Umiling lang ako. "You may go." Mas bored kong tugon.

"Wala na po ba kayong ipapagawa?" Tinignan ko siya at napangiti sa aking isip. Mukhang iniisip niya na sana wala na akong ipagawa sa kanya, pwes nagkakamali siya. "Please burn the love letters there." Tinuro ko 'yung isang room, sa tapat ng office ko, na puno ng love letters na bigay sa akin. "Ayaw ko nang makakita ni isa noon dun. Gawin mo 'yun ngayon din. Dapat wala na 'yun dun bago matapos ang araw na 'to."

"Pero sir may hika po ako. Bawal po akong makalanghap ng usok." Pag-eexplain niya sa akin.

"I don't care. Basta gusto kong sunugin mo lahat ng love letters dun. Makakaalis ka na." Tinaasan ko na siya ng boses. Akala mo kung sinong makaasta. Tsk.

*An idiot is trying to reach you in your cellular device*

Tumunog ang galaxy note ko. Yap that's my ringing tone. Kinuha ko ito at sinagot ang idiot na natawag.

"Hello Mr. Ford, this is the guidance councilor of the Quick Silver High. Please come to my office now.---" inend ko na 'yung call. Tss. May ginawa na naman sigurong masama 'yung dalwa kong pinsan.

Lumabas na ako ng aking office at nagpunta sa isa pang branch ng Quick Silver University which is the Quick Silver High. Doon, mas sinasanay ang mga highschool students kesa sa Quick Silver University na mas prinapriority ang mga college students.

Ipinark ko na ang aking lamborguini sa VIP parking lot at bumaba ng sasakyan.

"Nandito na ulit ang president ng QSU(Quick Silver University)!" sabi nung mga babaeng may dala-dala pang tarpaulin na may picture ko at nakalagay ay 'Prince Xander Ford'. Nagtatakbo sila papunta sa akin at pinagkaguluhan ako.

"Date me please!"

"Kiss me!"

"Prince Xander ang hot mo! Pahawak naman sa ---"

Tss. Kaya ayaw kong pumupunta dito eh. Lagi na lang akong pinagkakaguluhan ng mga highschoolers. Mukhang pabata na ng pabata ang mga malalandi ngayon ah.

"Girls behave." Napatahimik naman silang lahat. Kelangan ko na namang gamitin ang aking karisma para mapaamo sila na parang tupa.

Medyo ginulo ko ang aking buhok. Okay lang naman magulo ang buhok ko kasi bagay naman sa aking kagwapuhan. Tinanggal ko 'yung necktie ko at ibinato sa kung saan. Nagkagulo pa nga 'yung nabagsakan noon at nag-agawan. Inunbutton ko 'yung isa kong butones, 'yung malapit sa may collar. Kita kong tumutulo na ang laway nilang lahat. And for my final wave.

The Antagonists' LegacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon