CHAPTER TEN - KIDNAP

93 9 1
                                    

CHAPTER TEN - KIDNAP

|Chiyonne|

Habang naglalakad kami ay may tumigil na isang van sa harap namin at may mga lumabas na lalaking nakamaskara.

"Kidnap 'to!" Sabi nung isa na mukhang body-builder dahil sa laki ng katawan.

Natatakot kami? Of course not.

Sinipa siya sa mukha ni Seth habang nasa bulsa pa ang mga kamay nito. Tumumba naman 'yung lalaki dahil sa lakas ng impact.

May lalaki namang nagtatakbo sa akin, tinakid siya ni A-r kaya nagdagasa ito. May ilan pang lumabas sa van at may mga dalang armas like tyako, hammer, chainsaw, etc.

Nagtalikudan kami ng iba pang Antagonist at humanda sa laban. Kung nagtataka kayo, nag-aral kami ng martial arts at self-defense dahil laging nasa peligro ang aming mga buhay.

*Sipa doon*

*Suntok dito*

*Sampal doon*

*Sabunot dito*

Tumumba lahat ng kidnappers. "Muntikan ng masira ang bangs ko dun ah." Pagbibiro ko habang inaayos ang bangs ko. Napatawa naman sila except kay Seth na laging nakapoker face.

"'Yun na ba 'yun? Ni hindi man lang ako pinagpawis---" biglang tumumba si Xander.

Lumapit sa kanya si A-r pero bigla rin 'tong natumba at nahimatay.

"Sh!t! Stun gun." Sabi ni Seth bago mawalan ng malay. Biglang may naramdaman akong tumusok sa akin. Kinuha ko iyun at nakita ang isang maliit na karayom bago ako mawalan ng ulirat.

------

Nagising ako ng may biglang may nagbuhos ng malamig na tubig sa akin.

Pinagmasdan ko ang lugar. Oh Gosh, where are we?

Para kaming nasa kulungan dahil may mga rails. Nakita ko 'yung ibang antagonist sa iba't ibang selda. Bali, magkakahiwalay kami at tig-iisa kaming 'parang selda'

Tapos tig-iisa din kami ng nagbabantay na kidnapper. Nakamaskara pa sila para hindi namin makilala. Natatakot ako, eto 'yung nararamdaman ko ngayon.

'Yung ibang antagonist ay parang tinotorture ng mga nagbabantay sa kanila. Katulad nung kay Seth.

"Magkasalita ka! Kanina pa kitang kinakausap ah!" Sabi nung lalaki habang sakal sakal 'yung pisngi ni Seth. Inirapan lang siya nito at hindi pinansin.

Tiningnan ko naman si Xander. Nagtanggal siya ng polo at isinampay ito sa selda. Ipinakita niya, sa nagbabantay sa kanya, ang kanyang abs. "Hoy! Anong ginagawa mo dyan? Hindi mo ako maakit sa mga ganyan ganyan mo." Sabi nung lalaki. Kinurot kurot ni Xander ang abs niya.

"Ang init masyado." Medyo seducing niyang sabi. Kahit nakamaskara 'yung lalaki, alam kong pinagpapawisan na siya. "Tama na papa Xander. Wag mo akech landiin." And boom. I know it. Bumigay na si kuya. Wala talagang makakaresist sa charm ni Xander except the Antagonists.

Si A-r naman. "Hoy! Ikuha mo nga ako ng juice. I mean, fruit shake pala. Ang init dito ha! Wala bang aircon?" Utos niya dun sa nagbabantay sa kanya. Agad namang lumabas 'yung lalaking nagbabantay sa kanya para ikuha ng shake.

Kakaiba talaga 'tong mga 'to. Imbes na matakot sila dahil kinidnap kami ay napapakita pa rin nila ang pagiging antagonist nila. Siguro dapat hindi rin ako matakot, kasi kasama ko naman ang mga taong nagpapalakas sa akin.

Tumayo ako at humarap sa lalaking nagbabantay sa akin. "Kuya halika! May ibubulong ako sayo." Inilapit niya 'yung tenga niya sa rail ng selda.
"Tanga ka!" Sigaw ko sabay sakal sa kanya. "Sinong nagsabi sayo na pwede mo akong basain ha! Hindi mo ba alam na nagulo ang aking 'bangs'." Patuloy pa rin ako sa pagsakal hanggang nawalan na siya ng malay. Nasuffocate ata.

"Tama na ang palabas!" Biglang bukas ng pinto at may grumand entrance na isang babae na nakamaskara rin habang buhat buhat siya ng dalwang lalaki. Nobody inform us that this is a masquerade party.

The Antagonists' LegacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon