CHAPTER FOURTEEN - NEW NAME, NEW IDENTITY, NEW LIFE
|Xander|
"Anong bagong identity?" Gulat na gulat na tayong ni Chiyonne.
"Bakit natin kelangan magbago ng identity? We can just show ourselves and let them know that we are aliv---" sunod-sunod na tanong ni A-r.
"Kasi we are still in danger. Ano na lang ang gagawin ng mga kidnappers 'pag nalaman nilang buhay tayo. Malamang, kikidnapin ulit nila tayo tapos papatayin." Pag-eexplain ko.
"Tsk. Eh ano na ang plano mo?" Umupo si Seth tapos tinanggal niya 'yung nakabalot na tela sa mukha niya.
"Bago tayo magpakita at ipaalam na buhay pa tayo, kelangan nating alamin muna kung sino ang nagpakidnap sa atin at humanap ng ebidensya na sila ang kumidnap."
"Paano natin 'yun gagawin? Eh hindi nga natin nakita ang mga mukha nila. Pati saan tayo magsisimula?" Mukhang depressed na depressed na tanong ni Chiyonne.
"Magsisimula tayo sa lugar kung saan tayo nakidnap." Ngumisi ako.
"Do you mean dun sa parang school?" Tumango ako.
"Bakit dun tayo magsisimula?" Andami naman nilang tanong.
"Kasi dun napasok ang mga kidnappers." Lahat sila ay nagulat at napanganga sa aking sinabi. "Noong una kong pinagmasdan 'yung suot ng mga kidnappers ay para itong uniform ng isang school. Then nakita ko 'yung logo nung suot nila sa logo na nasa Arko ng gate ng school na 'yun. Kaya nakabuo ako ng konklusyon na doon napasok ang mga kidnappers."
"Teka lang. Pag bumalik tayo dun, baka mahalata tayo at makilala ng mga kidnappers."
"NO if we have a new name and new identity." Lalo silang nagulat.
Inexplain ko sa kanila lahat ng plano ko. Sinabi ko sa kanila na bawal silang magwithdraw ng pera dahil baka malaman pa ng mga kidnappers kaya ang ginawa naman kahit labag sa kalooban ay nagsangla ng mga gamit na meron kami ngayon.
Nagpunta rin kami ng ukay-ukay para bumili ng mga damit, wig, nerd eyeglasses na gagamitin namin sa pagpapanggap. Nagpunta rin kami ng Recto para magpagawa ng mga pekeng birth certificate. Nahirapan pa kami sa paghahanap ng murang apartment na papayag na sama sama kami.
This is it. NEW NAME, NEW IDENTITY, NEW LIFE.
BINABASA MO ANG
The Antagonists' Legacy
HumorSagad-sagaran ba ang kasamaan ng ugali mo? Sa sobrang kahalangan ba ng bituka mo ay nag360 degrees turn na ito? Ang gusto mo bang role ay ang maging kontrabida? Black sheep ka ba sa pamilya mo? Sawa ka na bang maging mabait? Sawa ka na bang laging i...