CHAPTER EIGHT - SISTER'S WEDDING PLAN
|Chiyonne|
"Mahal na mahal kita Chiyonne. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala ka." sabi niya habang sinusuklay niya ang aking buhok gamit ang kanyang kamay.
Lumingon ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Ang mukha niyang napakakisig; mapupungay na mata, matangos na ilong, mapupulang labi, ang biloy na sobrang lubog sa pisngi. Kahit sino sigurong babae ay papangarapin ang gantong lalaki.
"May dumi ba ang mukha ko?" tanong niya. Umiling lang ako at pumikit.
Hindi ko na naramdaman ang kanyang kamay sa aking buhok kaya minulat ko ang aking mata. Nag-iba na ang lugar. Parang nasa isa na akong mamahaling restaurant.
Naglakad ako papasok dito at nakita ko siya at si ate. Biglang hinila siya ni ate at hinalikan. Nanlaki ang mata ko dahil kitang kita ko kung paano siya tumugon sa halik. Parang antagal na nilang magsyota.
Nagsimula ng pumatak ang luha ko. Kahit anong pigil ko ay ayaw tumigil. Parang gusto rin nilang makita ang pagtataksil nina ate sa akin. Ang sakit. Sobrang sakit.
"Ma'am Chiyonne, gising na po. Late na po kayo sa inyong klase." bigla ako nagising dahil sa aking maid. Pinaalis ko muna siya na sinunod naman agad niya. Umupo ako.
Bangungot na naman.
Napabuntong-hininga na lang ako. Halos araw-araw ko na lang napapanaginipan ang pangyayaring 'yun. Ang sakit eh. Sobra.
Kinuha ko ang aking Samsung S5 at tinawagan si Xander. Sinabi ko sa kanya na hindi muna ako makakapasok kaya siya na ang magdahilan sa aking mga professor.
Nagpunta na ako sa CR para magmumog then bumaba na ako sa may hagdan kung saan naabutan ko si OLD sister na nakabraces sa leeg, at nakasemento ang kaliwang kamay at kanang paa. Siguro dahil 'to nung tinulak ko siya dito. May katawagan siya sa kanyang Nokia 3309.
"Yes dad! Okay lang naman ako. Konting galos lang naman ito." buti pa si ate, tinatanong niya kung ayos lang. Samantalang ako hindi.
"And one more thing dad. Nagpropose na nga pala saken si Mikael. Kaya ngayon kami ay nagpreprepare na para sa aming wedding." sobrang sayang sabi niya. Napatikom na lang ako ng aking kamay habang nakapatong sa rail ng hagdan.
"Sige dad. Bye na. Love yah!" ibinaba niya ang cellphone at dahan-dahang bumaba ng hagdan.
"Tunay ba?" walang emosyon na sabi ko. Tumigil naman siya sa pagbaba at tumingin sa akin ng nakakunot ang noo.
"Tunay ba na magpapakasal na kayo ni Mikael?" bumaba ako at tumapat sa kanya
"Anong magagawa mo kung tunay?" mapang-asar na sabi niya.
Hinawakan ko siya sa kanang braso niya saka pinisil ito. "MARAMI. MARAMI akong kayang gawin kaya 'wag mo akong susubukan."
Pumalag naman siya sa pagkakapisil ko dahil siguro nasasaktan na siya. "Wait! Wait! Are you still affected kay Mikael?" nagulat-gulatan siya pero halata mong nang-aasar pa rin.
I need to compose myself. Wala na dapat akong nararamdaman sa BASTARDONG iyon.
Tumayo ako ng ayos. "Wala. I'm just practicing my acting skills. Alam mo na. Isa kasi akong ARTISTA. Hindi katulad mo na isa lang EXTRA."
Sinagi ko siya tapos ay iniwang nakanganga sa may hagdanan. Dumiretso naman ako sa dining room para kumain ng almusal.
------
*Ding dong*
"Yaya may tao sa labas!" kanina pa akong sumisigaw sa mga katulong pero wala pa ring kumikilos.
*Ding dong*
Bumangon na ako sa pagkakadapa sa kama at itinigil ang pagbabasa ng wattpad sa aking iPad mega.
Asan ba 'yung mga mutchachang iyon?
Bumaba na ako sa hagdan at binuksan ang main door kung saan kanina pa may nagdodoorbell.
"Ano bang kailangan mo?!" gigil na gigil kong bungad sa taong nasa harapan ko. Medyo natakot naman siya at napalayo ng bahagya.
"A-a-ako po-po 'yu-yung wedding pla-planner ni Ms. Zionne Fortalejo." mula sa pagkaka-asar look ko ay biglang napaltan ng malapad na ngiti.
"Wala akong pakialam kung sino o ano pang trabaho mo. Ang tinatanong ko ay kung anong kailangan mo?" medyo mataray kong pagkakasabi.
"Gusto ko lang po itong ibigay kay Ms. Fortalejo. Nakalimutan po niya ito kahapon." pagkatapos ay ibinigay niya sa akin ang isang libro. Binasa ko ito, "Ms. Fortalejo's Wedding Plan". Bigla tuloy akong nakaisip ng isang magandang ideya.
"Okay. Ako na lang ang magbibigay kay ATE." magsasalita pa sana siya kaya isinara ko na ang main door.
Dali-dali akong nagpunta ng kwarto pagkatapos ay nilock ito.
Binuksan ko ang libro at bumungad sa akin ang picture ni Zionne kasama si Mikael. Great! Bagay sila. Bagay silang paghiwalayin.
Inilipat ko pa ang pahina.
Date: February 14, X015
It will be 6 months from now. At sa anniversary pa talaga namin balak nilang magpakasal. Fvck them!
Nakalagay din dun sa libro 'yung iba pang details ng kasal tulad ng paggaganapan ng reception, kung saan sila maghohoneymoon. 'Yung iba ngang nakalista dun ay binura ko at pinagpapaltan ko. Tulad na lang nung kulay ng gown niya. White ang nakalagay pero pinaltan ko ng black. As well as 'yung mga flowers, red rose dapat pero pinaltan ko ng calachuchi. Pati 'yung mga pagkain, lahat ng mga pagkaing hindi niya kinakain ang nilagay ko.
"Hello. Nakita na ni ate ang wedding plan. Madami siyang pinapaltan. Kunin niyo na dito sa Fortalejo's Residence."
This is going to be fun. I'm so excited, gusto ko nang makitang mapahiya si Zionne sa harap ng maraming tao.
BINABASA MO ANG
The Antagonists' Legacy
HumorSagad-sagaran ba ang kasamaan ng ugali mo? Sa sobrang kahalangan ba ng bituka mo ay nag360 degrees turn na ito? Ang gusto mo bang role ay ang maging kontrabida? Black sheep ka ba sa pamilya mo? Sawa ka na bang maging mabait? Sawa ka na bang laging i...