CHAPTER TWELVE - ESCAPED
|Xander|
Habang nakikipag-usap sina A-r dun sa babaeng nakamaskara ay nag-iisip na ako ng plano kung paano kami makakatakas. Pinagmasdan ko din 'yung babaeng nakamaskara habang nakatalikod ito. Kasing tangkad siya ni Chiyonne na 5'8 tapos pacurl din ang buhok. Parang nakita ko na siya eh. Di ko lang matandaan.
Anyway, ang isa ko pang napansin ay nakasuot sila ng isang school uniform . Pero never ko pang nakikita ang ganoong klase ng school uniform. Hindi ko rin naman mabasa ang pangalan ng school nila dahil sa liit ng logo sa upper right corner ng uniform nila.
"Hoy Xander bakit ang tahimik mo?" Tanong ni A-r sa akin. "Gutom ka na rin ba?" Isa pang tanong galing kay Chiyonne.
Siguro pangalawang araw na namin dito sa kwartong ito na mukhang seldahan din. Kahapon pa kami hindi pinapakain ng mga kidnappers kaya gutom na gutom na kami.
Bukod sa hindi na kami pinapakain, tinotorture pa kami. Kagabi nga pinaddle si Seth habang nakatali ang dalwang kamay sa magkabilang dulo ng pader. Tapos kaninang umaga sinjbsob ang mukha ni Chiyonne sa tubig then sa harina. Kaya ang nangyari ay nagmukha siyang espasol.
"Dahil may awa si Boss END. Eto ang binigay niyang pagkain sa inyo. Ubusin niyo 'yan ha!" Binigyan niya kami nung lalaki ng tig-iisang styrofoam, yung lalagyanan ng pagkain. Binuksan ko ito at nakita ang laman.
Bulate, patay na daga, ipis at pork en bins. "Nakakain ba 'to?" Galit na galit na sabi ni A-r. Nilapitan siya nung lalaki, pumasok sa selda niya at sinabunutan. "Oo nakakakain 'yan. Gusto mo isubo ko pa sayo?" Sabi nito. Umilingang si A-r habang pinapanatili ang mukhang matapang.
"Pwes! Kainin mo 'yan." Isinubsob siya nung lalaki sa styrofoam niya. "Tama na 'yan! Maawa ka kay A-r!" Medyo naiyak na sabi ni Chiyonne.
Pumikit na lang ako. Hindi ko kayang makita ang mga kaibigan ko na naiyak at nahihirapan. Kelangan mag-isip ako ng plano.
Minulat ko ang aking mata. Kinuha ko 'yung patay na daga sa styrofoam ko at ibinato dun sa lalaking isinusubsob si A-r sa styrofoam niya. Tumama naman ito. "P&t@! Sino 'yun?"
Tumingin siya sa akin. Binitiwan na niya si A-r at nagtatakbo sa akin. Lumayo ako sa pinto ng selda at dumikit sa pader. Sinusi niya 'yung lock ng aking selda at dali-dali akong sinakal at iniaangat. "P&t@ k@! Papatayin kitang g@go ka!" Masyado ng sumisikip ang pagkakasakal pero kahit na ganon ay napangisi pa ako. "H@yop ka! Anong nginingisi ngisi mo dyan?"
"Tanga ka kasi!" Hinila ko 'yung maskara niya kaya natanggal 'to sabay may humampas sa likod niya.
Tumumba siya at nawalan ng malay. "Ang galing mo talaga Xander." Nakangiting sabi ni A-r. Nag-apir pa kami. Kung nagtataka kayo, dahil sa pagmamadali nung lalaki na puntahan ako at sakalin ay nakalimutan na niyang ilock ang selda ni A-r kaya nung medyo makarecover na siya ay humanap na ito ng maiihampas sa lalaki.
Kinuha na ni A-r ang mga susi sa bulsa nung lalaki, samantalang pinagmasdan ko naman ang itsura nito.
Mukhang barumbado at hindi katulad nung ibang lalaki, hindi siya nakaschool uniform.
Sinusian na namin ang mga selda nina Seth at lumabas kami ng dahan-dahang lumabas ng kwarto.
Dahan-dahan din kaming naglakad sa may parang hallway para hindi kami mahalata ng iba pang kidnappers.
Teka lang, pinagmasdan ko 'yung paligid. Mukhang nasa isa kaming school ah. Ibig sabihin 'yung pinagkulungan sa amin ay either basement o stockroom. Tumingala din ako at may nakitang CCTV.
"Ayon sila!" Biglang may sumigaw galing sa likod namin. 'Yung lalaking kanina lang ay walang malay ay itinuturo kami dun sa kanyang mga kasamahang nakamaskara pa rin.
Dali-dali kaming nagtatakbo palabas ng gate ng school. Nasulyapan ko pa 'yung Helvetica pero hindi ko na nahagilap 'yung iba pang nakasulat sa Arc ng gate ng school.
"Para po!" Pumapara na sabi nina A-r at Chiyonne sa mga nadaang sasakyan. Ako naman ay akay-akay parin si Seth na wala pa ring malay simula kagabi pagkatapos ipaddle siya.
May tumigil na isang itim na van sa harap namin. Wag naman sana.
Bumukas ito at bumulagasa amin ang isang babae na mukhang emo at nanguya pa ng bubblegum. "Ano ang kelangan niyo?" Medyo maasik niyang sabi.
"Tulungan niyo kaming makatakas dito. Sige na. May mga nahabol lang sa amin." Nagmamakawa na sabi ni Chiyonne. Pinalobo ng babae ang bubblegum tapos pumutok then kinain ulit.
"Ano naman ang kapalit?"
"Kahit ano!" Sabi ni A-r. Pinagmasdan kami nung babae. "Gusto ko 'yang bag mo" turo sabag ni A-r. "'Yang shoes mo!" Turo sa wedge ni Chiyonne. "Sa mga singsing mo" turo sa aking mga singsing. "At sa silver necklace niya na may pusa ang shape." Turo niya sa leeg ni Seth.
"No! Not my bag! This is my favorite." Yinakap ni A-r ang kanyang bag. "Okay, madali lang naman akong kausapin eh." Sabi nung babae sabay sasarhan na ang pinto.
"Ayon sila! Bilisan niyo!" Sigaw na nung mga lalaki na nahabol sa amin. No choice na kami. "A-r, Chiyonne ibigay na natin. Mas mahalaga ang ating buhay kesa sa mga materyal na bagay."
Iniabot na namin sa babae 'yung mga hinihingi niya. "Dun kayo sa likod." Pumunta na agad kami dun sa likod ng van at sumakay. Pinaandar na nung lalaki 'yung van at pinatakbo ng mabilis.
Bali, walo kami sa van, yung lalaking driver tapos 'yung isa pang lalaki na katabi niya. Then 'yung babaeng ngumunguya ng bubblegum at 'yung isa pang babae na katabi niya tapos kaming antagonist pa. Ipinapasuot nung babaeng nagbabubblegum 'yung mga gamit namin dun sa mga kasamahan niya.
Sinilip ko ang bintana sa likod at nakita ang mga lalaking nahabol sa amin na pumapara din ng mga sasakyan at sapilitang sumasakay. May mga dala na silang baril at sinisimulang barilin ang aming sinasakyan.
"Yumuko kayo!" Sigaw ko kaya yumuko naman sila maliban dun sa lalaking nagdridrive.
Sinimulan na kaming paulanan ng mga bala. Pinagmasdan ko ang ibang antagonist. Ngayon ko lang sila nakitang natatakot at naiyak.
Nabaril 'yung lalaking nagdridrive kaya nagpagewang-gewang ang aming sinasakyan.
HANGGANG SA nahulog ang van sa isang pababang lupa na tingin ko ay bangin.
Nagsimula na ring mangamoy gas. Siguradong ano mang oras ay sasabog na itong sinasakyan namin.
"Mamimiss ko kayo Antagonists." Sabi ni A-r na umiiyak na. Naghawak hawak kami ng kamay.
BINABASA MO ANG
The Antagonists' Legacy
HumorSagad-sagaran ba ang kasamaan ng ugali mo? Sa sobrang kahalangan ba ng bituka mo ay nag360 degrees turn na ito? Ang gusto mo bang role ay ang maging kontrabida? Black sheep ka ba sa pamilya mo? Sawa ka na bang maging mabait? Sawa ka na bang laging i...