CHAPTER TWO - THE COLD-HEARTED CASANOVA

266 19 5
                                    

CHAPTER TWO – THE COLD-HEARTED CASANOVA

 

|Xander|

 

*BEEP BEEP BEEP*

 

(-_-) ---> (-_o) ---> (o_-) ---> (o_o). Ganyan ang mukha ko. Sino ba ‘yung bwisit na nag-iintercom?

Pinindot ko ang intercom na nasa taas ng headboard ng kama ko.

 

"Sir! May tawag po kayo galing kay Ms. Fortalejo." kinusot kusot ko ang aking mga mata at bumangon ng ayos.

"Pakilipat na lang sa aking linya." Sinunod naman ng katulong ang aking utos.

*KRINNG KRINGG KRINGG*

 

Kinuha ko ang telepono sa coffee table. Walang gana kong itinapat ito sa aking tenga. Bakit na naman kaya ito tumatawag ngayon?

"Bebeqo!!" nailayo ko bigla ang telepono sa aking tenga. Anlakas ng boses niya ah! Pati parang nawala ang antok ko sa sobrang gulat.

Inayos ko ang sarili ko at sumagot. "Baket bebeqo?" si Chiyonne nga pala ang kausap ko. Bakit bebeqo ang tawagan namin? Wala lang. Trip lang namin. Marami kasing nanliligaw sa kanya. And to protect her from those, nagpanggap kami na magsyota.

"Let’s make punta in the mall daw."Conyo niyang sabi. Ahh! Siguradong si A-r na naman ang nagplano nun. Mahilig kasi talaga magmall ang babaeng ‘yun. Brat masyado. Lahat kasi nakukuha niya.

"Okay. Tutal wala din naman akong masyadong gagawin." napakabusy ko kasing tao. Bata pa lang, ako na ang nagpapatakbo ng ISA sa MGA business ng aking pamilya. Ito ay ang pagiging President ng Quick Silver University.

"Thanks bebeqo. Bye"at inend na niya ang call. Tumayo na ako at humarap sa salamin. Ginulo ko pa ang magulo ko ng buhok. Ang gwapo ko talaga. Mapababae at pusong babae naiinlove sa kagwapuhan ko.

*TOK TOK*

 

"Pasok!" sigaw ko sa kumakatok.

Pumasok naman ang limang katulong. Isa isa silang may dalang mga box. Mga box na puno ng sulat. LOVE letters.

"Sir, anu pong gagawin namin dito?" tanong nung isang katulong.

"SUNUGIN MO!" utos ko sa kanila.

"Pero sir sayang na-" alma pa nung isa.

"Edi iyo na lang." Kita kong magsasalita pa siya kaya inunahan ko na.

The Antagonists' LegacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon