CHAPTER FIFTEEN - THE H.E.L.L.
|A-r|
"Aarrggh! Ang kati-kati naman ng telang ito para sa aking balat." Pagrereklamo ko kay Xander habang kinakamot 'yung katawan ko. Sobrang kati kasi nung damit na binili naming sa ukay-ukay. "No choice tayo A-r eh, kailangan nating tipidin 'yung pera galing sa mga isinangla natin."
"Look naman sa itsura natin. Ibang-iba na tayo sa antagonists." Sabi ni Chiyonne habang umiikot sa human-sized mirror at tinitingnan ang itsura niya. Oo, ibang-iba na talaga ang itsura namin.
Mukha na kaming yagit. Hindi ko na nga halos makilala ang sarili ko sa salamin. Well, baka naguguluhan kayo, sinadya naming ang looks na 'to, para hindi maghinala sa amin ang mga kidnappers kapag nakapasok na kami dun sa school.
Wig na buhaghag. CHECK
Nerd eye glasses. CHECK
Oldschool fashion. CHECK
"Xander, naayos ko na rin 'yung pag-eenroll natin dun sa school. At bukas na bukas ay pwede na tayong pumasok dun." Sabi ni Seth na kararating lang. I can't imagine na ganto ang itsura na ni Seth, hindi na siya mukhang badboy, mukha na siyang nerd na nerd, dahil siguro sa nagjumper pa talaga siya. Meron din siyang dalang mga plastic na siguro ay mga uniform.
"Okay guys, kelangan na nating magpaalam sa dating tayo at iwelcome ang bagong tayo." Sabi ni Xander.
"A-r, you will now be Gie Ashton." Binigay niya sa akin ang fake na birth certificate.
"Chiyonne, you'll be Rica Choi."
"Seth, okay lang ba sayo 'yung Mark Serrano?"
"Tsk. Wala na naman akong magagawa." Hinablot ni Seth ang fake birth certificate kay Xander.
"At ako ngayon ay si Eiron Xavier." Sabi niya. Bakit parang excited si Xander-now is Eiron, sa mga nangyayari sa amin ngayon? Nevermind.
------
"Xande---Eiron!" tawag ko kay Xander.
"Oh?" biglang pasok niya sa CR. Yap, nasa CR ako ngayon para sana maligo, ang kaso walang bathtub, ni shower.
"Paano ako maliligo?" kumunot ang noo niya. "Srsly? Hindi mo ba alam 'yung bagay na tabo at timba?" What? Ano 'yung tabo at timba?
Umiling ako dahil hindi ko naman talaga alam 'yung tabo at timba. Tinuro niya sa akin 'yung isang bagay sa may gripo, 'yung parang barrel na maliit. Wait, hindi ata 'yun barrel. "Iyon 'yung timba. At 'yung nasa loob noon ay 'yung tabo." Sinilip ko 'yung laman 'nung timba at may nakita akong dipper. Oh! Ang tagalog pala ng dipper ay tabo.
"Okay na ba? Bilisan mo sa pagliligo ha? Madami pa kaming susunod eh. Baka malate tayo." Sarcastic niyang sabi tapos ay lalabas na sana siya ng CR. "Teka lang! Wala bang hot and cold 'tong gripo?"
"Wala!" tapos lumabas na siya nang tuluyan. Naghubad na ako ng damit at ng mga pangdisguise. Binuksan ko 'yung gripo at sumalok ng tubig gamit 'yung dipper at ibinuhos sa aking katawan."Oh My Gosh!" napasigaw ako ng malakas dahil sa sobrang lamig ng tubig.
Siguro after 1 hour ay natapos na rin ako sa pagliligo. Lumabas ako ng CR at bumungad agad sa akin ang mga iyamot na mukha nina Xander. "Srsly A-r, ibig kong sabihin ay Gie, ganyan kaba talaga katagal maligo?" sabi ni Chiyonne. Tumango naman ako sa kanila. Well, minsan nga inaabot ako ng 3 hours sa panliligo.
Kita kong ayos na sila at naka-uniform na. "Wait guys. Did you take a bath?" tanong ko. "Tsk. Oo. Sa kapitbahay na kami nakiligo dahil sa katagalan mo. Biruin mo, ang katumbas ng pagliligo mo ay kaming tatlo." Wow. Ang haba na ng nasabi ni Seth. First time ba?
"Eto na nga oh. Bibilisan ko na sa pagbibihis at pagdidisguise." Nagtatakbo na ako sa kwarto at nagsimula ng magbihis. Kung andito lang sana ang mga maids ko, hindi na ako mamomoblema sa pagbibihis.
Bumaba na ako sa hagdan. "Plinantsa mo ba 'yung damit mo? Bakit parang gusot?" tanong ni Xander. Kumunot naman ang noo ko. "What plantsa? As in iron?"
Napafacepalm sila iron ng lahat. "Aargh. Bukas mo na nga lang plantsahin 'yan. Tara na nga." Sabi ni Xander. Lumabas na kami ng apartment at nagpunta sa school. Sinadya naming malapit lang ang apartment namin sa school para na rin makatipid kami sa pera.
'Welcome to Helvetica Enstituto La Liberisima.' 'yan yung nakalagay pala dun sa Arc ng gate ng school. Bigla akong kinabahan dahil naalala ko na naman ang mga masasamang nangyari sa amin dito. "Xander kelangan ba nating gawin 'to." Bulong ko sa kanya. "Kelangan natin eh. Wala na tayong choice kung hindi ang gawin 'to"
Pumasok na kami sa loob ng school. Madaming estudyante ngayon. Mukha silang mga maldita, warfreak at bullies. Lahat sila ay nakatingin sa amin ngayon dahil mukha naman talaga kaming center of attraction sa aming get-up look. Kami lang ba dito 'yung nerd?
Tumungo na lang ako at nagsimulang maglakad. Grabe, dati gustong gusto kong maging center of attraction pero ngayon, sana kainin na ako ng lupa. Nakakahiya eh, may ilan-ilan na nagbubulung-bulungan at tinatawanan 'yung itsura namin. Bigla ko tuloy naalala nung panahon na hindi pa kami antagonist, nung mahina pa ako at tanga.
*Boooghss*
Natumba ako dahil sa lakas ng impact. Pagtingin ko sa harap ay may nabangga din akong isang babae, isang pamilyar na mukha. Isang mukhang hipon.
"OH-MAY-GHAD!" sabi niya, pinagpagan niya 'yung uniform niya; tapos inalalayan siya nung mga kaibigan niya na sea creatures. Inalalayan din naman ako nina Chiyonne na makatayo.
"Girl do you need our help?" bulong na tanong ni Chiyonne. Umiling lang ako tapos bumulong din. "No need girl. Kaya ko na 'to."
Sa pagkakatanda ko, sila 'yung minsan na naming nakasagutan sa mall last time.
"Sey sori tu mi mis."
Tinaasan ko siya ng aking fake na sobrang kapal na kilay. "Bakit ko 'yun gagawin? Kasalanan mo din naman."
"Ohh!" sabay sabay na sabi nung mga audience na mukhang nagulat sa ginawa ko. "Ekskyusmi. Hindi mo ba ako kilala?" namumula niyang sabi; dahil siguro sa galit at hiya. "Ako lang naman si Nicca Magpakalaglag, anak ni Dudong Magpakalaglag na isang senador sa bansang ito. End ang sun tu bi owner ng H.E.L.L."
Natawa ako sa sinabi niya. "Way ar yu laping? May nakakatawa ba?"
"Wala lang. Natawa lang ako dahil ikaw pala ang soon to be owner ng HELL." Inemphasize ko 'yung salitang HELL. Lalo siyang namula sa galit. Kinuyom na niya 'yung kanyang kamay at balak na akong sampalin ng biglang tumunog 'yung bell.
"Girl, late na tayo sa ating klase." Bulong nung babaeng GG (galungong) kay Nicca(who is the babaeng hipon).
"Maswerte ka nerd. Pero tandaan mo, hindi pa tayo tapos." Sabi niya sabay walk-out kasama 'yung iba pang sea creatures.
"Okay ka lang ba girl?" tanong ni Chiyonne sa akin. Tumango na lang ako. "Tara na nga. Late na din tayo. Hindi pa naman natin alam ang section natin." Sabi ni Seth tapos naglakad na. Nagsimula na rin kaming maglakad ng iba pang antagonists.
Tumabi ako kay Xander tapos may binulong. "Xander, hindi kaya may kinalaman si Nicca aka babaeng hipon sa pagkidnap sa atin."
BINABASA MO ANG
The Antagonists' Legacy
UmorismoSagad-sagaran ba ang kasamaan ng ugali mo? Sa sobrang kahalangan ba ng bituka mo ay nag360 degrees turn na ito? Ang gusto mo bang role ay ang maging kontrabida? Black sheep ka ba sa pamilya mo? Sawa ka na bang maging mabait? Sawa ka na bang laging i...