CHAPTER ELEVEN - NO RANSOM, JUST SUFFER OR DIE
|Seth|
"Tama na ang palabas!" May biglang pumasok na babae na nakamaskara, at buhat-buhat ng dalwang lalaki. Whats with the mask? Masyadong cliche.
Bitiwan na ako nung lalaki sa pagsakal sa pisngi ko, lumabas ng selda, nilock ito at nagpunta sa babaeng nakamaskara.
"Who are you?!" Sabi ni Chiyonne ng nakakunot ang noo.
"Haha! I'm your END Ms. Fortalejo." Sabi ni babaeng nakamaskara. "We are not joking miss. Pakawalan mo na lang kami pwede." Pokerface kong sabi.
"No! No! No! I'm not joking too."
"Magkano ba miss ang kelangan mong ransom?" Kinuha ni A-r ang kanyang wallet at naglabas ng pera. Ng maraming pera. Bumaba 'yung babae sa pagkakabuhat sa kanya at lumapit sa selda ni A-r. Hinablot niya 'yung pera tapos sinampal pa niya si A-r. First time ko lang makita na nasampal si A-r ng walang kalaban laban.
"Hahaha! Salamat sa pera Miss. M, para din to sa panghire ng mga papatay sa inyo. At isa lang ang masasabi ko sa inyo."
"Hindi ko kayo pakakawalan. NO RANSOM, JUST SUFFER OR DIE. Hahaha." Sabi niya sabay nagflip ng buhok.
"Men! Torture them." Lumabas na ulit ng kwarto 'yung babae habang naiwan 'yung mga lalaki at bumalik sa mga pwesto nila para bantayan ulit kami.
"A-r, okay ka lang?" Tanong ni Chiyonne kay A-r na nakaubob at mukhang naiyak.
"Okay lang ako." Tumunghay siya at pinunasan ang mga luha. "Humanda siya. She shouldn't slap Alexandra Angie Ruth Jandusay Montenegro."
"Basta tayo ay sama-sama, malalagpasan natin 'to." Sabi ni Xander. Teka lang, bakit parang kanina ay wala siyang sinasabi? Lagi siyang may comment sa lahat ng bagay ah.
"Ano Seth? Makikipagtulungan ka ba?" Nakapout na tanong sa akin ni Chiyonne.
"Tsk. May choice ba ako." I said in PokerFace mode.
Makakatakas kami dito. I know it. Alam kong sa loob din nila ay natatakot sila pero hindi lang nila 'yun pinapahalata gaya ko. We shouldn't show our weakness this time, lalo lang nila kaming pahihirapan 'pag nangyari 'yun.
"We can escape here!" Sabi ko sa kanila. Tumango naman sila.
I believe in them as they believe in me.
BINABASA MO ANG
The Antagonists' Legacy
HumorSagad-sagaran ba ang kasamaan ng ugali mo? Sa sobrang kahalangan ba ng bituka mo ay nag360 degrees turn na ito? Ang gusto mo bang role ay ang maging kontrabida? Black sheep ka ba sa pamilya mo? Sawa ka na bang maging mabait? Sawa ka na bang laging i...