Halifax Red
*bbooommmm!*
Isang malakas na pagsabog ang nagawa ng pinakawalan na fire ball ng aking kalaban sapagkat ito'y aking iniwasan.
Lintik na mga traydor! Go to nowhere!
Agad kong inilabas mula sa kaliwang bahagi ng leeg ko ang aking pana at pinakawalan ito sa kanya.nung matamaan sya agad syang bumagsak sa lupa at hindi nakagalaw dahil sa epekto ng palaso ko sa kanya.
"Sumuko kana kung ayaw mong mawala." Sabi ko sa kanya habang binubuksan ang aking imbakan.
"H-hindi ako s-susuko!" Sigaw nya sakin, kaya naman itinapat ko nalang sa kanya ang aking imbakan at napunta na sya sa loob nito.
Tinanggal kona ang vision na pumapalibot saamin at bumalik na din sa normal ang haba ng kuko ko, kanina kasi kinaylangan kong pahabain para masugatan ko ang kalaban. Nag palit na din ang aking damit at naging school uniform ulit eto.
"Kiraaaaaa! Saan kaba nagpunta? Kanina kapa namin hinahanap!" Hayy nako kung alam nyo lang...
"Tara na." Aya ko sa kanila, hanggat maaari hindi ako nag sasabi ng hindi totoo sa kanila dahil hindi ako sinungalin.
"Saan ka nga kase nagpunta? Siguro kasama mo nanaman si Jason no,.. nayy nakikipag date ka sa unggoy na yun? Kadiri! Hindi kayo bagay!" Sya si Joyce ang kaibigan ko dito sa school, oo nasa mundo ako ng mga tao. Nandidito kase ang mga taong mahahalaga sakin.
"Wala akong oras makipagdate. At kung magkakaoras man ako, bago ko pa maisipan hindi kona itutuloy." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang canteen. Nakakauhaw makipaglaban.
"Ehh bakit kasama mo si Jason?" Tanong nya pa.
"Nakita mo bang magkasama kami?" Balik tanong ko sa kanya.
"Hindi."
"Ohh, pano mo nasabi na kasama ko si Jason at nakikipagdate ako sa kanya?"
"Kase nakita ko syang galing kung saan kita nakita kanina at ang ganda ng ngiti nya, kaya inakala kong mag kasama kayo at sinagot mona sya..." malungkot nyang sabi habang nakatungo, crush nya kasi yung Jason.
"hindi naman ako nag papaligaw sa kanya, sinuggest ko nga na ikaw nalang ang ligawan ehh, sa tingin ko sayo may gusto yun..." totoo yung sinabi ko, nakita ko sa mga mata nya na hindi naman talaga ako gusto ni Jason.
"Pero nung nag tapat ako ng feelings ko sa kanya, sabi nya sakin na may iba daw syang gusto, tapos kinabukasan nakita ko nalang kayo na magkasama sa library. Ikaw ang gusto nya Kira..." malungkot nyang sagot sakin.
"Hindi, wag ka muna kaseng mag judge sinabi nya lang yon dahil nahihiya sya sayo, lumapit sya sakin dahil gusto nyang magpatulong para mapalapit sayo, nakakahiya naman na wala ka pang isang buwan sa school nato tapos magtatapat ka na may gusto ka sa babaeng ngayon mo lang nakilala diba... wag ka kaseng masyadong judgemental, baka yan pa ang ikapahamak mo..." nakita ko kase na mag dudulot sakanya ng kapamahakan dahil sa maling akala...
Bago pa sya makasagot hinila kona sya papasok sa loob dahil kapag hinayaan ko pa syang magsalita, hindi na matapos ang usapan...
"Anong gagawin natin dito? Kakakain lang natin ahh?" Nagtatakang tanong nya, kakapagrecess nga lang pala namin...
"nauuhaw ako ehh." Sabi ko, nakakauhaw makipaglaban...
"Kira, alam mo na ba na may pupunta daw ditong mga exorcist?" Tss...mga kalokohan...

BINABASA MO ANG
Trepullac(0N-HOLD)
Fantasy"Alam nyo ba ang buong katauhan nyo? Ako kase hindi, hindi ko alam kung saan ako nararapat." Si Halifax Red ay isang half angel at half demon, meron din syang kapangyarihan gaya ng mga Rewop, pero mukhang tao naman. Hanggang ngayon ay isang malaking...