Kabanata 8

7 0 0
                                    

Halifax Red

Halo halong emosyon ang naramdaman ko dahil sa sinabi ng Reyna. Kung matutuwa ba, magtataka o malulungkot.

Una, matutuwa na may isang nilalang ako na pwede kong pagkuhanan ko ng impormasyon tungkol sa tunay kong magulang na matagala nanf panahong hindi ko mahanap.

Ni isang bakas nila wala akong nakalap maski sa mga panaginip ko'y hindi sila nadalaw. Minsan naiisip ki na patay na sila o maaaring... inabandona na nila ako.

Pangalawa, magtataka ba ako kung bakit at paano nya naging kaibigan ang magulang ko. Maraming tanong agad ang nabuo sa isipan ko.

At pangatlo, malulungkot dahil sa kaalamang hindi ko manlang naranasan ang pagaaruga ng tunay mong magulang. Napakaswerte ni Reyna Freya dahil naging kaibigan nya pa ang mga magulang ko.

Samantalang ako-na sariling anak pa nila-ay hindi manlang nasaksihan ang kanilang mga mukha. Hindi ko manlang hindi ko manlang naramdaman ang kanilang presensya sa aking tabi..

Nabalik lang ako sa realidad ng may tumulong luha sa kanan kong pisngi. Agad ko itong pinunsan at nag iwas ng tingin sa Reyna.

Ibinaling ko nalang ang atensyon sa kapaligiran. Napakaganda sa lugar na ito..

Higit na malalago ang puno rito at matitingkad ang kulay ng mga dahon. Merong mga paro-parong malayang lumilipad sa paligid at merong ding nagkikislapang mga nilalang. Napakagandang tingnan.

"Bakit ka tumatangis Beil?" Imbis na sa taning nya, nakuha ng atensyon ko ang pangalan na kanina nya pang itinatawag sa akin.

"Hindi Beil ang pangalan ko. Halifax mahal na Reyna."pagtatama ko ng may paggalang.

Bahagya itong natigilan dahik sa sinabi ko ng hindi malamang dahila. "Pasensya na." At ngumiti ito ng pagkakatamis.

Nakakahawa ang mga ngiti nito kaya hindi ko naiwasan.

Dumako ang tingin ko sa dragon na nasa balikat nya.

Hindi ko inaasahang meron din palang dragon sa demensyong ito..

"Mahal na Reyna, maaari ba akong magtanong?"

"Nagtatanong ka na iha.." nakangiti parin ito.

"Bukod kay Dreg, meron pa bang ibang dragon ang nabubuhay ngayon?" Lalong lumawak ang pagkakangiti nito dahil sa tanong ko.

Bahagya akong napaatras ng nagsumila itong lumapit sa akin habang ang dragon naman nya ay pumunta sa kamay nya.

Ngumiti muna ito bago magsalita. "Madami sila.." sabi nya habang hinahagid ang ulo ni Dreg. "Sumunod ka saakin."

Gaya ng sabi nya ay sumunod ako sa kanya at namangha ako ng tuluyan na akong makapasok sa pinakaloob.

Kung maganda kanina, mas maganda ngayon.

Kulang siguro ang 'maganda' para ilarawan ang lugar na ito. Wala akong masabi..

Napapatigil ako sa paglalakd para makita ko ng maayos ang isang bagay na madaanan ko kaya naman napapayigil din ang Reyna sa paglalakad at napapatawa.

Hindi ko maiwasang mahiya dahil syempre reyna yon. Nakakahiya naman na hinihintay pa nito ako kapag ako ay napapatigil.

"Pasensya na Reyna Freya, hindi ko maiwasang mamangha dito sa lugar nyo. Nasa loob pa ba tayo ng ika apat na demensyon?" Pagbibiro ko.

Pero nagulat ako ng umiling ito at ngumiti.

Trepullac(0N-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon