Halifax Red
Nang makalabas ako sa silid ng reyna, nakita ko agad na nakaabang na sa akin si Lawani.
Agad akong napangiti. Tinakbo ko na ang distansya namin at niyakap sya.
Kahit minuto lamang ang lumipas ay na-miss ko agad sya.
"Saan mo ako ililibot?" Tanong ko sa kanya na akala mo naman ay sasagot.
"Sa buong Fridal." Nanlaki ang aking mata dahil sa pagsagot nya.
"Nakakapagsalita ka?" Gulat kong tanong.
"Nakiusap ako sa reyna kanina na kung pwede ay bigyan nya ako ng kakayahang makausap ka habang nasa mundo ka namin." Paliwanag nya saakin.
Napatango na lang ako.
Nang makalabas kami ng palasyo ay bumungad sa akin ang iba't-ibang uri ng nilalang na nakakalipad. Mga maliliit na fairy, lawin, agila, kahit fairy-mermaid ay may nakita ako.
Nakakamangha.
"Ito ang Binolka, ang sentro ng Fridal."
Nakakamangha ang mga bahay nila dito. Parang mga malalaking bola na nakasabit sa malalaking puno, iba't-ibang kulay at desenyo ang nakikita ko. Meron silang nilagay na mga tulay na dinadaanan ng nga maliliit na fairies.
"Pwede ba tayong lumapit dun sa mga bahay na nakasabit sa puno?" Tanong ko kay Lawani.
Naka sakay ako ngayon sa likuran nya kaya naramdaman ko ang pag iling nya.
"Hindi tayo maaaring lumapit doon dahil baka masira ko ang kanilang mga bahay. Labag pati iyon sa batas namin." Hindi nalang ako sumagot pa at inilibot kong muli ang aking paningin.
Nahagip ng tingin ko ang mga diwatang naliligo sa batis.
Ang mga diwata ang walang pakpak ngunit nakakalipad sila dahil sa fairy dust pero hindi sila fairy. Sa oras na maubos ang dust nila ay hindi na sila makakalipad.
Yayayain ko na sanang pumunta sa ibang lugar si Lawani ngunit naalala ko ang ibinigay saakin ng reyna bagi ako umalis sa kanyang silid.
Ang sulat para sa tagabantay...
"Lawani pwede bang dalhin mo ako sa main gate?"
"Bakit tayo tutungo sa main gate? Hindi naman tayo makakalabas doon dahil sa sumpa." Tatanungin ko sana sya tungkol sa sumpa pero kaylangan ko ng maibigay ito sa tagabantay para makapasok na dito sina Jaena at Colfer.
"May ipinagutos lang saakin ang reyna." Sagit ko na lang.
Agad naman syang sumunod at dinala ako doon.
Hindi ko na makita ang dinadaanan namin dahil sa bilis ng kanya lipad. Ilang minuto lang ay natanaw ko na ang malaki at mataas na bakod. Ang main gate.
Sa tuktok nito ay may nakadapo na agila na tila may binabantayan.
"Ako na ang magaabot sa taga bantay." Sabi ni Lawani at kinuha mula sa kamay ko gamit ang kanyang paa.

BINABASA MO ANG
Trepullac(0N-HOLD)
Fantasy"Alam nyo ba ang buong katauhan nyo? Ako kase hindi, hindi ko alam kung saan ako nararapat." Si Halifax Red ay isang half angel at half demon, meron din syang kapangyarihan gaya ng mga Rewop, pero mukhang tao naman. Hanggang ngayon ay isang malaking...