Kabanata 4

9 0 0
                                    

Halifax Red

Nagising nalang ako sa isang kwarto, babangon na sana ako pero nakakadena ang aking kamay at paa.

Ano bang nangyari?

Sinubukan kong sirain ang kadena pero hindi ito gumana.

"Gising kana pala." Napatingin naman ako sa nagsalita sa may pinto.

sino 'to?

"Ako si Aventis."

Aventis?

"Natatandaan mo ba ang mga pangyayari." Tanong nya sakin.

Ano nga bang nang yari?

Pinilit kong alahanin ang mga pangyayari pero hindi ko maalala, ulyanin na yata ako...

Umiling nalang ako bilang sagot kay 'Aventis'. Hindi na ito sumagot pa, bago ito lumabas tiningnan muna nito ang kamay at paa kong naka kadena at tuluyan ng nilisan ang silid na kinaroroonan ko.

Mag iisip palang sana ako ng paraan para matanggal ang kadena sa kamay at paa ko ng mapansing wala na ito.

B-bakit meron din sya? Siguro isa syang royal.

Mabilis akong lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko naman si Madam na may dalang tray papunta sa silid ko.

"Ohh! Gising kana pala. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nya sakin. Hindi ko pianansin ang tanong nya sakin.

"Sino si Aventis?" Balik tanong ko. Kumunot naman ang noo nya sa tanong ko.

"Aventis?" Kung hindi kilala ni Madam si Aventis, ibig sabihin hindi yon royal?

"Kagagaling nya lang sa silid ko kanina. Akala ko nga ikaw ang nagpapasok sa kanya." Sagor ko.

"Hindi, may proteksyon ang kwartong yon, pinalagyan ko sa kaibigan mong si Jaena. Ako lang ang maaaring pumasok doon." Wika nya.

Paano nakapasok doon si Aventis? At saka bakit may proteksyon yun, hindi naman ako harmful.

"Hindi mo na gugustuhin pang malaman ang mga pinag gagawa mo." Sabi nya sakin kasabay ng pagiling.

Hinawi ko naman sya sa daan at pumunta sa labas. Napaawang nalang ang aking bibig dahil sa nakita.

A-ako ba ang may kagagawan n-nito?

Ang field ay sirang sira na... maraming namatay na duke...maraming namatay na anghel... maraming namatay na demonyo... at higit sa lahat halos masira na ang kalahati ng ikatlong demension...

"Paano mo nagawa yon?" Napatingin naman ako kay Madam ng magsalita sya sa likod ko.

"A-ang alin?" Kinakabahang tanong ko.

"Yan..." sabi nya habang nakatingin sa paligid.

Mag sasalita na sana ako ng biglang...

Ate... nasan ka? Nagugutom na kami dito...

Oo ng pala! Sina Exilee!

"Mamaya nalang, Madam. Kaylangan ko munang puntahan sina Exilee." Tumango nalang ito sakin.

Bago ako mag teleport papunta sa demensyon ng mga tao, napansin ko na hindi kaayaaya ang itsura ko, butas butas ang damit ko at magulo naman ang buhok ko.

Kaya naisipan ko munang mag ayos ng sarili.

Nagpaalam na ako kay Madam at Jaena na pupunta muna ako ng demensyon ng mga tao, nagpumilit pang sumama si Jaena pero hindi pa pwede sa ngayon, alam kong hindi nya pa kayang baguhin ang kanyang anyo dahil hindi nya pa gamay iyon, at lalo syang matatagalan sa paghubog ng mga kakayahan nya ngayon wala na si ima...

Trepullac(0N-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon