Kabanata 11

8 0 0
                                    

Halifax

"Higit na mas masarap ang mga pagkain dito kase sa atin, pwede bang magdala ako pauwi?" Tanong ni Jaena na hindi na naming maintindihan dahil puno ang bibig nito habang nagsasalita.

Nakangiwi namang nakatingin si Colfer rito.

"Oo nga Lawani? Pwede ba?" Tanong ko.

"Hindi."

"Hindi daw..." nababagot kong sabi.

Kanina pa tanong ng tanong si Jaena kay Lawani tapos tuwing tapos na 'magsalita' ang agila ay titingin ito sa akin at sinasabing ipaliwanag ko sa dalwa ang mga pinagsasabi nya. Pinapaikli ko na lamang iyon para hindi ako mahirapan.

"Oww.. bakit naman hindi?" Nakangusong saad ni Jaena, pinipilit si Lawani.

Pero ngayon? Namumuro na talaga sa akin itong babaeng ito. Hindi na ako makakain ng maayos dahil sa kanila. Gutom na gutom na ako pero imbis na pagkain ang nilulunok ko ay laway, pakiramdam ko tuloy ay mapapaos ako sa dalwang ito na ginagawa akong translator!

"Hindi maaari dahil bukod tangi---

"Magsitigil kayo!" Sinadya kong hampasin ang lamesa kasabay ng pagsigaw ko.

"Hindi na ako makakain ng maayos dahil sa inyong dalwa! Tanungan ng tanungan, salita ng salita!" Hindi ko naiwasang mapatayo sa aking kinauupuan habang galit na tumingin sa katabi kong si Lawani at kaharap kong si Jaena.

Si Colfer naman sa tabi nito ay patuloy lang sa pagkain na tila walang naririnig na sigaw ko sa harap nya.

Unti unti naman akong napaupo ng napagtanto kong nakuha ko pala ang atensyon ng lahat na kumakain sa kainan na ito.

"Nagmukha kang patay gutom sa pagsigaw mo.." labis pala akong nagkamili ng sinabi kong walang naririnig si Colfer.

Kung gumagana lang ang kapangyarihan ko dito, kanina ko pang nakontrol ang mangkok na kinalalagyan ng mainit nyang sabaw at isinaboy iyon sa pagmumukha ng bampira.

"Tumahimik ka." Hindi na muling nagtanong o nagsalita pa ang sinuman sa amin hanggang sa matapos kami sa aming pagkain.

"Hali, patawad sa kanina...nasabik lang ako mag kwento sa kaibigan mo---

"Hindi mo kailangan magpaliwanag, Lawani. Naiintindihan ko, kung ako man ang nasa sitwasyon mo kanina ay marahil ganoon din ang iniasta ko. Pasensya din." Nakokonsesya ako tuwing naiisip ko ang pagsigaw ko sa kanila kanina.

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng bayan, nasa gitna na kami ng kakahuyan na tinatawag ni Lawani na bukana ng gubat.

Pinakaunang naglalakad si Colfer sa gita ng daan habang pinagmamasdan ang paligid. Tinitingnan nito ng maigi ang bawat kakaibang bagay sa kanyang paningin.

Sumunod naman si Jaena na nasa pinakagilid at nakayuko lamang ito, may sinisipa itong bato. Pinigilan ko pang matawa nang muntikan na syang madapa ng dahil sa sinisipa nyang bato.

Pero agad ko ding ibinalik ang seryosong mukha at sinabayan sa paglalakad si Jaena. Malakas kong dinali ang balikat nya kaya muntik na syang matumba sa gilid.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita..

"Pasensya na..." gulat naman akong napatingin sa kanya dahil sabay pa kami.

"Galit ka pa ba?" Para syang bata sa tanong nya..

"Hindi na.." at ako naman ang kanyang ate na..ewan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trepullac(0N-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon