Naniniwala kaba sa hindi kapanipanininiwalang elemento?
Sa mundong ginagalawan ko, ako lang ang nabubukod tangi. Mukha akong tao pero Isa akong demonyo at isa din akong anghel. Ang gulo diba?
Sa mundong ito merong limang demensyon, ang demensyon ng langit at impyerno, demensyon ng mga kapangyarihan, demensyon ng mga tao at demensyon ng mga royal. Hindi ko alam kung ano ang isa pero sigurado akong lima ang demensyon sa mundo dahil yun ang pagkakaalm ko.
Naguguluhan nga ako ehh, mukha akong tao pero meron akong natatagong sungay at buntot ng demonyo pati nadin pakpak ng anghel, may kapangyarihan din ako ng mga mahika, at may katawang tao ako. Hindi ko alam kung saan ako nabibilang.
Ang demensyon ng mga tao ang pinakamababa. Hindi nila alam na alipin sila, dahil may paninilbihan sila. Ang ika limang demensyon.
Ang demensyon naman ng mga kapangyarihan ay nagsisilbing panangga sa mga matataas, sila ang nag sisilbing shield at doctor ng mga ito. Ang ika apat na demensyon.
Ang demensyon naman ng langit at impyerno, sila ang nagsisilbing hukbo ng matataas, hindi sila magkalaban bagkus ay magkaibigan pa. Ang ikatlong demensyon.
At ang demensyon ng mga royal, ang kanilang lahi at populasyon ang pinakakaunti pero pinakamalakas at pinakamataas, meron silang natatanging kapangyarihan na sila lamang ang mayroon. Ang ikalawang demensyon.
At ang panguna ay hindi ko alam, sabi ng mga matatanda, ang ika unang demensyon daw ay para daw sa mga nilalang na.........HINDI DIN DAW NILA ALAM.
Hindi ko alam kung saan ako maninirahan, palipat lipat ako ng demensyon. Pero ang itinuturing kong pamilya ay nasa mundo ng mga tao. Oo, dun ako namamalagi, alam nila ang pagkatao ko, sinabi ko sa kanila lahat ng nalalaman ko sa mundong ito. Sila lang sa mundo ng mga tao ang nakakaalam na lahat sila ay paninilbihan. Pero syempre hindi ko sinabi sa kanila kung ano ang tungkulin nila kase labag iyon sa batas namin. Ang sinusunod kong batas ay ang batas ng mga mahika.
Sa ngayon hindi ko pa alam kung tao ba ako, Rewop ba ako, Punowd ba ako o isang royal? Pero aalamin ko ito.
○○○
BINABASA MO ANG
Trepullac(0N-HOLD)
Fantasía"Alam nyo ba ang buong katauhan nyo? Ako kase hindi, hindi ko alam kung saan ako nararapat." Si Halifax Red ay isang half angel at half demon, meron din syang kapangyarihan gaya ng mga Rewop, pero mukhang tao naman. Hanggang ngayon ay isang malaking...