Halifax Red
Agad na kumunot ang aking noo dahil sa nakikita.
Ako ba talaga ito?
At nang nilapit ko pa ang mukha ko dito nagulat nalang ako nang may lumabs na hologram.
"Ngayong hawak mo na ito panahon na para malaman ang buo mong pagkatao."
Nagulat ako ng magpakita ang babaeng nakita ko sa aking silid nung ako ay nagising sa ikatlong demensyon...
"...ito na ang oras na kay---
Agad kong nabitawan ang dyamante at nawala na ito sa aking paningin ng may tumamang palaso sa aking kamay. Tinanggal ko ito at pinag hilom ang sugat. Hinanap ko kung saan ng galing ang palaso at natagpuan ko ang isang mangangaso sa taas ng puno, hindi lang isa kundi mahigit sa lima!
Agad akong nagteleport kung saan natutulog sina Jaena at wala na sila doon. Agad kong nilabas ang aking pana at mabilis na umatake.
Hindi ko magagamit sa ngayon ang aking pakpak dahil injured pa ito. Agad akong tumalon pakaliwa ng muntik na akong matamaan ng palaso.
Bumunot kaagad ako ng tatlong palaso at saka ito pinakawalan sa kanila. Meron ding pumapana saakin pero nakokontrol ko ito at ibinabalik sa kanila.
Hindi ba sila nauubos? Nagugutom na ako..
Sinubukan kong gamitin ang aking pakpak ngunit hindi ako nito madala. May lason kase ang palasong tumama saakin kahapon kaya hindi ko ito mapaghilom kaagad.
Hinihingal ako ng mapatumba ko silang lahat at hindi ko parin nakikitia sina Jaena.
Saan na ba nagpunta ang mga iyon?
Itinaas ko ang aking kanang kamay at gamit iyon ay pinalutang ko lahat ng palaso at pana ng mga mangangaso at sinira iyon para hindi na nila magamit pa.
Matapos non ay nagsimula na akong hanapin ang dalwa..
"Jaena... sumagot ka pakiusap, nagaalala na ako..."
Pero wala paring sumasagot saakin. Sinubukan ko namang sumipol nagbabakasakaling dumating si Winla pero wala. Umupo ako sa isang malaking ugat ng puno at umobob. Kaylangan kong magisip...
Hindi ko magagagamit ang aking pakpak, hindi ko alam kung nasaan na ako, hindi ko din mahanap si Jaena... ano nang gagawin ko...
Sinubukan kong magteleport para makalabas sa demensyong ito ngunit ibinabalik lang ako dito.
Ano bang lason ang tumama saakin?! Bakit ganito nalang ang epekto!?
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman naisipan ko nalang na bumalik sa kuta namin at maghihintay nalang ako doon.
Habang naglalakad pabalik naagaw ng pansin ko ang mga ibong sabay sabay na nagliliparan!?
Sinundan ko ng tingin ang mga ito hanggang sa napagdesisyonan ko na sundan sila. Meron akong bilis gaya ng sa bampira kaya hindi na ako nahirapang mahabol sila.
At labis ang saya ko ng makita silang tumataas ang lipad senyales na malapit na ang pugad nila. Diniretso ko lang daan at binilisan pa ang pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Trepullac(0N-HOLD)
Fantasy"Alam nyo ba ang buong katauhan nyo? Ako kase hindi, hindi ko alam kung saan ako nararapat." Si Halifax Red ay isang half angel at half demon, meron din syang kapangyarihan gaya ng mga Rewop, pero mukhang tao naman. Hanggang ngayon ay isang malaking...