Hlifax Red
"Twin princess, tumayo na kayo. Mauna na muna ako sa aking silid, sumunod na lang kayo doon kung may kaylangan kayo saakin. Maiwan ko na kayo." Naka ngiting saad ni Reyna Freya.
Tumango nalang ang kambal habang nakatingin pa rin sa akin. At doon ko napansin ang kaanyuan nila..
Si Prinsesa Allmanda ay isang demonyo, pero kumpara sa normal na gaya nya hindi kulay pula ang kanyang balat. Nasabi ko lang na demonyo sya dahil sa sungay at buntot nito.
Habang ang kambal nya naman na hindi ko pa alam ang pangalan ay isang anghel. Tipikal na anghel ginto ang buhok at may halo sa ulo.
Parehas nakalabas ang mga pakpak nila kaya masasabi ko kung gaanon kaganda ang mga ito. Ang armas naman nila ay parehas espada na nakalagay sa kanang bahagi ng bewang nila.
Ng madako ang tingin ko sa mga mata ni Prinsesa Allmanda ay bigla nalang akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Ganun din sa mata ng kambal nito.
"Hi! Ako nga pala si Allmanda Camara, sya naman ang kambal ko si Allamanda." Sa palagay ko ay masayahin si Prinsesa Allmanda base nalang sa tunog ng boses nito habang nagpapakilala.
Nung tiningnan ko naman si Prinsesa Allamanda ay walang kaemo-emosyon ang mga mata nito bukod sa-rekognisyon?
Nakakapagtaka ang ip--
NIYAKAP AKO NI ALLMANDA!
"I miss you.."
Bigla akong kinilabutan sa sinabi nya.
Nang tingnan ko naman si Prinsesa Allamanda ay lumambot na ang tingin nito. Ramdam ko ang lalong paghigpit ng yakap ni Prinsesa Allmanda.
Hindi ko alam pero may nagtulak saakin na yakapin sya pabalik. At doon ko nahagip si Prinsesa Allmanda na may tumulong luha sa kaliwang pisngi nya.
Bakit ganito sila sa una naming paghaharap?
...
Jaena Marita
Pagkagising ko wala na si Hali.. naisip ko na baka nagmumuni-muni lang yon. Pero ng may narinig akong mga ibon na sabay sabay kung humuni ay nabigla ako.
Ginising ko si Colfer sa mahimbing nyang pagkakatulog.
"Colfer.. si Halifax nawawala." Sabi ko para mabilis syang magising.
Pero mali ang akala ko...
"Hayaan mo na yun.." inaantok pa nyang sabi..
"Iiwan kita jan bahala ka." Sabi ko at naglakad palayo.
"Oo na.." bumangon sya habang kinukusot at ang mga mata.
pinuntahan namin ang ilog na malapit kung saan kami nangisda kahapon. Aalis na sana kami pero nakita ko ang imahe ni Hali na naglalakad kasama ang isang...Fairy?!
Nasa puno na sya..
Kaya naman hindi na kami nagabala pang hanapin sya.
Sinundan nalang namin ni Colfer ang huni ng mga ibon na hanggang ngayon ay hindi pa rin natigil."Hindi ba namamaos ang mga ibon na ito?" Tanong ni Colfer ng marating na namin ang kinatatayuan ng ibon...sa paanan ng pinakamatayog na puno.
BINABASA MO ANG
Trepullac(0N-HOLD)
Fantasy"Alam nyo ba ang buong katauhan nyo? Ako kase hindi, hindi ko alam kung saan ako nararapat." Si Halifax Red ay isang half angel at half demon, meron din syang kapangyarihan gaya ng mga Rewop, pero mukhang tao naman. Hanggang ngayon ay isang malaking...