Kabanata 2

11 0 0
                                    

Halifax Red

Agad akong nag teleport papunta sa demensyon ng kapangyarihan.

Pero hindi ako makapasok dahil protektado ng mga mahika nila ang ang demensyong ito, siguro hindi na ako maalala ng mga gwardia dito, matagal na din kase akong hindi nakakapunta dito.

"Ano na nasaan kana? Bilisan mo! Bilis!"

Nag uusap kami ngayon sa isip. Suguro may bago nanaman yun natutunan.

"Hindi ako makapasok. Ayaw akong papasukin ng mga gwardia nyo."

"Sige d'yan ka lang pupuntahan kita."

"Anong kailangan mo dito, nilalang." Ahh! May naisip na ako!

"Ehem, papasukin mo ako. Isa akong royal." Seryoso ko silang tiningnan sa mata.

Nagkatinginan naman ang dalawang gwardia bago nila sabihin na,

"Pasensya na mahal na royal, kami'y nagkasala, maaari na kayong pumasok." Palihim naman akong napangiti dahil nauto ko sila, wag kayong mag alala makakarating ang inyong kalapastahangan sa inyong pinuno, HAHAHA!

pagkapasok ko, nakasalubong ko sa Jaena.

"Pano ka nakapasok?" Nagtatakang tanong nya sakin.

"Isa akong royal...sa pagkakaalm nila, HAHAHA!" sabay naman kaming napatawa ni Jaena dahil sa kalokohan ko. "Ano nga palang ipapakita mo sakin?"

Hindi na sya nag salita pa at hinigit nalang ako papunta sa field nila.

"Tingnan mo to..." sabi nya sakin tapos gumawa sya ng electric sosser at pinakawalan iyon, ilang minuto bumalik iyon sa kanya. Wow, yun ung matagal na nyang pinagaaralan ahh.

*clap*clap*clap*

"galing! Ako din merong ipapakita. Tirahin mo ako ng electric sosser mo habang nagpapalit ako ng anyo." Sabi ko sa kanya at lumayo ng konti.

Tumango naman sya at inihanda ang electric sosser nya.

Unti unti akong nagpalit ng anyo, nakita ko naman sya na napanganga at nawala na din ang electric sosser nya sa mga kamay.

Hanggang sa inilabas kona ang aking pakpak at lumipad bahagya.

"Wowww! Hindi ko alam na ganyan ka pala kaganda!" Namamahang puna nya sakin. Ngayon ko lang kase pinakita sa kanya ang totoo kong anyo, kapag nakikipaglaban ako hindi ako nagpapalit ng anyo. Minsan lang...

"Sabi ko sayo atakihin mo ako."

"Ang ganda mo... bakit ganyan ang pakpak mo? Kalahating puti kalahating itim, tapos ung itim wala pang feathers?"

"Hindi ko din alam..."

"Ang haba din ng sungay at buntot mo." Sabi nya tapos dinangkal ang sungay ko. "Grabe isang dangkal oh." Wika nya habang pinapakita ang isang dangkal nya skain. "Anong kapangyarihan ng sungay at buntot mo, kase sure ako na yung pakpak ay para sa paglipad lang."

"Ewan ko." Hindi ko talaga alam.

"Huh? Hindi mo alam? Ehh kakayanan mo yan diba? Kase ako, alam ko lahat ng kakayanan ko, hindi ko lang makontrol."

"Ewan." Sabi ko habang unti unting tinatago ulit iyon. "gala mo naman ako dito, tagal ko nang hindi nakakapunta dito."

"Ikaw kasi ayaw pumunta dito."

Trepullac(0N-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon