Kabanata 3

11 0 0
                                    

Halifax Red

Pagkatapak ko palang sa pinaka main gate, rinig na rinig ko na ang ang labanan na nagaganap.

Inihanda ko na ang sarili ko pagpasok at akmang sasalakay ng makita kong hawak ng isang dating Archangel si Madam at akmang sasaksakin gamit ang kanyang espada.

Inilabas ko agad ang aking pana at nag pakawala dito ng 3 magkakasunod na palaso, pero laking gulat ko dahil imbis na masugatan ang duke, tumagos lang ito sa kanya at dun mismo sa pinagtagusan ng palaso ay maglumabas na itim na usok.

Bahagya itong natigilan pero nung makabawi ay tinulungan nito si Madam na makatayo. Naguguluhan naman si madam na napatingin sakin pero kinausap ko sya sa isip na "saka nalang natin ito pagtuunan ng pansin."

Lumapit saakin ang duke at yumukod ito sa harap ko.

"Nangangako ako na lahat ng ipaguutos nyo ay susundin ko." Sabi nito habang nakayukod parin.

Sasagot na sana ako pero may nakita ako sa aking isipan na nagpatindig ng balahibo ko.

"Tulungan nyo kame! Tulongan nyo ang mommy ko! Kuya... tulunan nyo kami!"

Nana Red, Exilee, kuya Kent!

"Protektahan mo si madam." Nagmamadaling utos ko.

"Madam! Sinasalakay din ang demensyon ng mga tao, kailangan kong pumunta doon sa lalong madaling panahon!"

Sabi ko sa aking isip, alam ko naman na maririnig iyon ni madam at ng iba pang nakakabasa.

Agad akong nag teleport sa demensyon ng tao, nakita ko ang malaking pinsala dulot ng mga duke.

Ginamit nila ang mga kakayahan nila para magkaroon ng malakas na lindol at ulan.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon, kung magpapasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ibinunyag ang totoong mundong ginagalawan ng mga tao o magagalit dahil pati ang demensyong ito ay sinalakay nila kahit wala naman kalaban laban ang mga nilalang dito.

Demn you to nowhere! Dukes!

Agad kong pinuntahan kung saan ang kinaroroonan nina Exilee, nakita ko sila sa loob ng isang gusaling gumuho na.

Si kuya ay pilit na inaangat ang malaking bagay na nakadagan sa binti ni Nana Red, habang si Exilee naman ay iyak ng iyak.

Kasabay ng pagangat ng aking kanang kamay ang sya ring pagangat ng mga bato at bagay na nasa paligid, iniwaglis ko iyon sa isang tabihan at pinuntahan si Nana Red na pinipilit na tumayo, agad naman syang inalalayan ni kuya at Exilee.

Bahagya silang nagulat dahil sa itsura ko pero agad din namang nakabawi ng dahil na din sa sitwasyon namin.

Umuulan pa ng malakas na may kasamang kulog at kidlat, at sigurado din ako na lumindol dito ng malakas dahil itong building na gumuho ay isa sa pinakamalaki at pinakamataas na gusali dito.

"Humawak kayo sakin." Seryoso kong sabi at sumunod naman sila.

Dinala ko sila sa isang kahon, hindi iyon basta basta na kahon dahil may nilagay akong mahika para hindi masakatan ang nasa loob nito. Hindi din ito masisira dahil gawa ito sa aking paghihirap.

Kung titingnan sa pisikal na anyo, ang kahong ito ay maliit lamang pero kasya doon ang malalaking bagay na gusto mong ingatan.

Gantimpala sakin iyon ng mahal na royal noong akoy nakapasa sa hamon na ibinigay nya saakin.

"Ate mag iingat ka.sobrang lakas ng kulog at kidlat baka matamaan ka, sobrang lakas din ng lindol na yumanig kanina magingat ka hah? Balikan mo kami." Paalala sakin ni Exilee.

Trepullac(0N-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon