Kabanata 6

5 0 0
                                    

Haligax Red

Sa ilalim ng malaking puno ay nagawa kami ng apoy at doon nag salang ng makakain namin.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong nya.

"Hindi ko din alam." Sabi ko habang kinakagat ang isdang nahuli namin sa ilog na malapit lang dito.

"Hindi ko na alam ang lugar na ito. Bukod sa hindi ako pinapayagan ni Ima na pumunta sa kagubatan ay ayaw ko din dahil nakakatakot."

Ilang minuto namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Tila nakikiramdam sa paligid dahil gumagabi na din.

"Sanga pala, hindi ko alam kung saan nanggaling ang palasong tumama kanina sa aking pakpak." Nagtatakang sabi ko.

Kanina kase, nung tiningnan nya ang aking pakpak ay may nakita syang palasong nakatarak dito. Pauyuhan pa kami kung ako ba o sya ang magtatanggal non pero sya ang nanalo kaya sya din ang nagtanggal.

"Galing yon sa mga mangangaso dito. Naging legal na din kase dito sa demensyon namin ang pangangaso dahil na din sa dumadami na rin ang mga mababangis na hayop ang nagsilipa na sa paligid." Mag sasalita pa sana ako ng may naramdaman akong mabilis na kalukos.

Agad akong napatayo at mas tinalasan ang pakiramdam. Magsasalita pa sana si Jaena ngunit inunahan ko na sya.

"Hindi lang tayo ang nilalang na nasa paligid.." sabi ko habang inililibot ang aking paningin.

Natahimik sya at nakiramdam din. Sa pag linga ko ay may nahagip akong mabilis na anino sa likod Jaena.

Agad ko itong sinundan at nagulat nalang ako ng may humawak sa paa ko dahilan para matumba ako. Agad akong napangiwi dahil tumama ang pakpak ko sa lupa dahil sa pagkakabagsak ko.

"Hal---

Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko nalang si Jaena na nakatali at may takip ang bibig.

May naramdama ulit akong humawak sa aking paa kay naman nung nilingin ko ito ay may nakita akong...

"Isang bampira.." napalingon saakin ang lalaking bampira na mukhang uhaw na sa dugo.

Sige lang uminom ka saaking dugo, tingnan ko lang kung anong kahihinatnat mo.

"gusto mong uminom ng dugo ko?" narinig ko ang hindi pagsang ayon ni Jaena dahil nagpupumilit syang magsalita. "Pakawalan mo ang kaibigan ko at paiinumin kita." Bahagyang natigilan ang bampira sa sinabi ko.

"Ano ang magiging kasiguraduhan kong paiinumin mo ako ng dugo mo?" Nagulat ako dahil sa lalim ng boses nya.

Imbis na sugutin sya agad kong pinahaba ang kuko ko sa aking hintuturo at sunugatan ang aking pulsuhan dahilan para sumirit ang dugo ko rito.

Narinig ko ulit ang pagpupumiglas ni Jaena sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin ito.

Merong nagtutulak sa aking gawin ito. Na parang may dahilan ang bampirang ito kaya nya kami inatake. Bukod sa dugo namin alin pa kaya?

Agad na lumabas ang pangil nya at bago pa nya ako malapitan ay nag teleport kaagad ako sa likuran ni Jaena.

"Pakawalan mo muna sya.." hindi ko iyon magawa dahil nang sinubukan kong tanggalin ang nakatali saaking paa ay napaso ang kamay ko hindi rin ito maputol.

Trepullac(0N-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon