Halifax RedNandito parin ako sa ikatlong demensyon at sinasanay ang hukbo ni Madam. Pinapatawag kase ng mahal na royal si Madam. Siguro kailangan ko nang paghandaan ang parusang ibibigay saakin.
Sigurado akong nakarating na doon ang nangyari dito kaya agad syang ipinatawag. Ang sabi nya sakin ako muna ang mageensayo sa mga punowd dahil hindi pa nadating ang kapalit nya, kaya eto ako. Sigaw doon, sigaw dine, hay jusko! Nakakapaos!
"Hinay hinay lang sa pagsigaw." Si Jaena.
"Anong ginagawa mo-ehem-dito? Baka matamaan ka ng ligaw na palaso."
"Kaya kong proteksyonan ang sarili ko."
"Kahit na. HOYY! ABAT BAKIT KAYO NAKATITEG SAAMEN? TULOY ANG ENSAYO!"
*Lunok*
Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Jaena, kahit ako ay natawa na din.
*clap*clap*clap*
Pagpapatigil ko sa kanila.
"Magsama sama sa team A ang lahat ng anghel habang team B naman ang mga demonyo. Ang team A ang unang lalaban saakin. Pwede nyong gamitin lahat ng armas nyo laban saakin habang ako naman ay ang mga kuko ko lamang. Maliwanag?!" Ako na ang dehado dito hah!
"Nasisiraan kana ba? Ang dami nila laban sayo na magisa?" Saway naman saakin ni Jaena."Talo ng mabalis ang madami, lalo nat wala silang strategy, hindi sila magkakaisa."
"Bahala ka." Sabi nya tapos gumawa sya ng sarili nyang upuan at naupo duon.Pumunta na din ako sa pinakagita ng field.
"Sinong unang susugod?" Tanong ko sa kanila.
"Kami nalang Halifax. " tumango nalang ako.
Sinimulan na nila akong sugudin, pinapana nila ako pero nakakaiwas ako, merong lumipad na anghel kaya naman hinigit ko ang paa nito at iniwaglis sya gamit sa iba nyang kasamahan, lagas ang kalhati.
Sinalubong ko naman habang naglalakad ang papasugod saaking isa pang batch ng anghel, nung kakaunti nalang ang agwat nila saakin saka ako tumakbo ng mabilis at ginamit ang kuko ko para masugatan ng malalim ang kanilang paa dahilan para hindi sila makatayo.
Yung iba naman sinubukan nila ulit akong panain pero nasasalo ko iyon at ibinabalik sa kanila. Pinatamaan ko ang kanilang kamay para hindi nila iyon magamit.
Ilang saglit lang wala nang sumusugod saakin, nilibot ko naman ang tingin ko at nakita ko silang nakaluhod na sa lupa at hindi na makatayo pa, ang iba naman sapo sapo ang kanilang kamay dahil sa natamong sugat.
"Kung ang simpleng sugat lang sa kamay at paa ang makapagpapabagsak sa inyo, pwes mahihina kayo! Paano nalang kung tyan nyo ang pinatamaan ko?" Napatungo naman sila sa sinabi ko.
"Dahil hindi nyo ako na sugatan, yan ang parusa nyo indahin nyo ang sakit na yan hanggang sa kusang gumaling. Team B!"Agad naman nagtulungan ang mga anghel para makaalis at makapunta sa tabi.
"Ako ang unang susugod." Seryosong sabi ko.Tumakbo ako ng mabilis at hindi nila namalayan na nasa likod na nila ako.

BINABASA MO ANG
Trepullac(0N-HOLD)
Fantasy"Alam nyo ba ang buong katauhan nyo? Ako kase hindi, hindi ko alam kung saan ako nararapat." Si Halifax Red ay isang half angel at half demon, meron din syang kapangyarihan gaya ng mga Rewop, pero mukhang tao naman. Hanggang ngayon ay isang malaking...