-JASMINE'S POV-
Hinawakan ako ni Tasio at pilit binubuhat kahit na nanginginig siya at muling mapapaluhod. Marahil apektado din siya ng bigat na nandirito sa loob ko. Parang tinamaan ako ng meteor ng sakit, nakakamatay ang impact nito.
"Bwisit ka Ecia, bumalik ka na sa dati mong kulay!" sigaw ni Tasio kay Ecia pero nanginginig parin. Alam ko, nanaghihina siya sapagkat hinahawakan niya ako. Nanlalamig na rin ako dahil sa ulan, pero mas malamig ang hinagpis sa loob ko. Hinagpis dahi--
Unti-unti ay nawawala ang sakit. Nawawala ang bigat. Bigla kong naalala si Yaya Linda, nung nasa bahay palang kami at inakala kong tumataya siya sa lotto.
"Mabuti at maayos ka na Arkida," halos pabulong na sabi ni Labidabs. Ang gwapo niya talaga hihi!
.....
"Ecia, ang tagal mo nang 'di bumabalik sa loob ko, 'di ka ba nanghihina?" nagkibit-pakpak ulit si Ecia.
Ano kayang nangyayari kay labidabs? Bigla kasi siyang tumalikod kanina at umalis ng walang pasabi pagkahatid niya sa akin sa bahay dati ni lola Binida. Gabi na at tulog na si daddy sa kabilang kwarto.
"Ecia, kaya mo bang i control palagi ang emotion ko?" umiling naman siya. Lumipad siya sa harap ko at dumapo sa hita ko. Naka cross sitting position kasi ako sa bed ko. Umiling ulit siya at itinuro ang dibdib ko, sa heart banda.
"Ibig mong sabihin, hindi mo kayang i control ang emotion ko kapag nasa loob kita?" tumango naman si Ecia bilang sagot.
"Pero ikaw ang dahilan kung bakit inconsistent ang emotion ko, hindi ba?" muli siyang tumango.
"Ecia, pakainin nalang kaya kita ng Sedno para 'di ka na mahirapan mag sign wings language." tinuka naman ako bigla ni Ecia tapos ginilit-gilit niya ang leeg niya.
"Mamamatay ka? Pero bakit kumain naman ako, hindi naman ako namatay? Diba dapat kung ganun namatay ka na rin kasi nasa loob kita?" nagkibit pakpak uli siya sa inulit kong tanong.
Ngayon ko lang napagtanto na naiintindihan ko si Ecia kahit na sign language lang ang ginagawa niya. Marahil siguro nakatira siya sa loob ko.
-TASIO'S POV-
Gabi na pero 'di pa rin kami natutulog ng mga paniki at ni Lobiosia. Tinitignan ko ang paligid, kakaiba. Naririyan ulit ang mga ulap na bigla nalang bumababa kahit hindi naman nagbabadyang umulan. Gumagalaw sila na akala mo'y mistulang may buhay.
BINABASA MO ANG
Myth of Nekoruk
FantasyThis is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine. Handa na siyang salubungin ang isang nakamamatay na paglalakbay. Pero may patutunguhan kaya ito whe...