Chapter 19 - Dofik

60 5 3
                                    

-NHERO'S POV-

Nakapagtatakang umuulan pa rin kahit walang sinyales.  Biglang bababa ang mga clouds,  tila may sariling utak.  Bumababa ito kung gusto niya. Pagkatapos ay nawawala din kaagad ang ulan at lilitaw ang buwan na bilog. 

"Napadaan ako kanina sa kanila ni Mang Mikey,  napunta daw ang ama mo doon pero umalis din agad." wika ni Ginoong Lamp,  ang ama ni Jasmine.

Napadaan ang amang Paled dito?  Alam ko kung nasaan siya.  Palagi siyang dinadalaw ni Ropata,  at ang ama ang nagtuturo kay Ropata mag English. 

Hindi niya alam pero,  alam ko kung nasaan siya.  Sinasabi sa akin ni Ropata.  Napangiti ako ng mapait.  Kaso,  wala na si Ropata.  Pero may mga anak siya,  ilang araw nalang makakalipad na sila.

"Nauunawaan mo ang ama mo hindi ba,  Nhero?" ani ulit ni Ginoong Lamp.  "Napakahirap ng trabaho niya,  kailangan niyang burahin lahat ng memorya ng mga taga labas ng Telt Asian para hindi nila malaman ang tungkol sa lugar na ito." paliwanag niya.  Of course,  alam ko 'yon. 

"Siya ang tumulong sa amin ni... ni Libitina,"  siya naman ang napangiti ng mapait.  "Hanggang ngayon nag-aalinlangan parin akong sabihin ang pangalan niya."

Si Libitina,  ang pangalan na nakamamatay ibigkas dahil sa sumpa.

Gabi na naman,  at nililibot namin ang buong kaharian, ngayon ay nakikita ko ang buwan mula sa isa sa mga bintana,  nawawala ang mga kawal.  Kahit isang kawal, wala akong makita kanina pa. Nakapagtataka.

"May isang lahi sa labas ng Telt Asian, sa modernong mundo na pilit hinahanap ng ama mo Nhero." biglang bigkas ni Ginoong Lamp.  Isang lahi?  "Ang tawag sa kanila ay mga Guesser,  gamit ang kanilang mga mata ay  nalalaman nila ang lahat."

"Guesser?" tanong ko sa kaniya. 

"Tama,  ang mga Guesser." sagot niya na hindi nakasagot sa tanong ko.  Ano 'tong Guesser na 'to?

Napahinto kami dahil nasalubong namin siya.

"Magandang gabi Ginoong Lamp,  Nhero," napahinga ako ng maluwag. 

"Nakita mo ba kung nasaan ang mga kawal?" tanong ko sa kanya.

Nabigla ako ng paluin niya ang ulo ni Ginoong Paled.  Kasabay noon ay may pumalo din sa ulo ko. Nahilo ako bigla at natumba.  Hindi ko mai-balance ang sarili ko sa sakit na mayroon sa ulo ko.

"Magaling,  napatunayan mong kalahi mo nga siya,  kalahi mo nga si Eruck,  hindi kagaya ng iyong ama," saad ng babae.  Pinilit kong tumingin pero nahihilo ako.  Sa tingin ko ay parang si Gednem ang babae,  pero color violet ang balat.

"Salamat Amisthio," sagot niya. 

"Ikulong na natin sila sa kulungan dito sa Telt Asian,  para hindi na nila magamit ang mga powers nila," sagot ni Gednem.

Papaano mo ito nagawa sa amin?  Papaano mo kaming nagawang taksilan.  Ikaw pa na anak niya,  ang inaasahan namin ni Doveia.

Papaano mo ito nagawa... Brosiyus?

-PATRICIA'S POV-

Myth of NekorukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon