-JASMINE'S POV-Madilim ang lahat. Walang buwan. Natatakpan ng ulap ang mga stars. Ang ilaw ko ay isang ibon, si Ecia. Tumatakbo ako sa malawak na kakaani lang na palayan sa ilalim ng shield na ginagawa ng silver na si Ecia, para walang makakita sa akin.
*wwwwwwoooooOOOOOOTTTTTT*
Napalingon ako dahil tumunog ang tumpreta ng palasyo. Isa-isang nabuhay ang ilaw ng bawat bahay ng sakop ng kaharian. Nakita ko na patungo sila sa iisang direction, sa bahay. Alam ko alam na nila, alam ko 'di makakapagsinungaling si Ellius.
"Ecia, dalian natin," bulong ko at muling tumakbo.
Napasandal ako sa puno ng makalagpas na kami sa palayan at nasa kagubatan na kami. Inhale, exhale, inhale, inhale, nakakapagod. Parang sasama sa pag-exhale ko ang lungs ko.
Naging luha naman ulit si Ecia. Alam kong pagod na siya, napakaliit niya pa man ding ibon. Nang mabawi ko ang hininga ko ay naglabas ako ng Olivia at inilapag sa lupa.
"Sa labas ng Aziax sa north-east," bulong ko dito at unti-unti itong lumaki at nagbukahan ang petals nito. Sa loob nito ay nakita ko na ang orange lights na nag go-glow. Compare to the orange glow na nagawa ko kanina ay mas darker pala ito at mas dimmer ng kaunti.
"Arkidia, hindi mo alam ang panganib na naghihintay sa 'yo," bigla akong kinabahan at napalingon. Bakit siya nandito? "Lobo ako, kaya kahit medyo malayo ay narinig ko ang usapan ninyo ni Ellius."
"Sasamahan ka namin Arkidia," napatingala naman ako dahil narinig ko ang boses ni Pak. Nakita ko nga siya na nakadapo ng patiwarik sa sanga ng puno na sinandalan ko.
"Hindi ako papayag, ako ang may gawa nito, ako ang may kasalanan." pag-aargue ko.
"Hindi din kami papayag," sabay nilang sabi.
"Please, hayaan n'yong gawin ko ito ng mag-isa. Kailangan ko kayo dito para bantayan si labidabs, masama na ang kondisyon niya kaya pakiusap. Pakiusap, Pak, Lobiosia," nagbuntong-hininga sila. Napakalalim na buntong-hininga.
"Dalhin mo 'to," sabi ni Pak at may iniabot sa akin. "Tusukin mo ang puso niyan kapag nasa panganib ka at dadalhin ka nito sa lugar na ligtas pati na ang nilalang na hawak mo," dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
Myth of Nekoruk
FantasyThis is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine. Handa na siyang salubungin ang isang nakamamatay na paglalakbay. Pero may patutunguhan kaya ito whe...