-JASMINE'S POV-
"Sino sila?" Tanong ko kay Doveia habang napapangiwi dahil sa hapdi ng tinatalian niyang sugat sa kamay ko.
Hindi siya sumagot, instead nagform siya ng circle gamit ang dalawang kamay niya matapos niya akong talian ng tela sa sugat na pinunit niya sa damit niya, nagkaroon ng tubig sa circle na ginawa ni Doveia sa mga palad niya.
Naging parang mirror ito na tubig kaya nakita ko ang mukha ko, especially ang mga mata ko. Color orange ang sana'y black nito na may black dot sa gitna. Nag-goglow din ang orange na color pero 'di masyado na mala flashlight na. Teka...
"COLOR ORANGE ANG MATA KO?!" Sigaw ko sa sobrang pagkagulat. Tumango lang si Doveia.
"Hindi ko alam kung mabuti ba 'yan o masama Jasmine, kung nandito lang sana si lolo Tonyo," saad ni Doveia na medyo naluha.
"Ang saya pa namin sa bundok ng Narud nung kumuha kami ng bunga ng Sulste, kumaripas nga kami ng takbo dahil sa bungo nun, hindi ko inaakalang--" hindi na naituloy ni Doveia ang sasabihin dahil bigla siyang naiyak.
Nasa taas kami ng mabatong talampas at nakikita ang mga puno sa kabilang side nito na color rainbow ang mga dahon pero transparent ang mga ito at white ang puno at mga sanga.
Alam ko, tama lang ang dinadaanan namin. Dinidiktahan ako ni Ecia at ipinapakita nito sa akin ang mga dapat naming daanan. Pero alam kong delikado ang ilan sa mga daanang 'yon. Bigla naman akong na out balance nang yumanig ang lupa. Bigla ring lumakas ang hangin at umulan. Agad akong lumapit kay Doveia.
"Doveia, shhh.... Tama na, please." pag-aalo ko. Nakita ko na kasi ang mangyayari. Nangyari na 'to dati ng namatay si lolo Tonyo.
Mukhang na gets niya naman ako at tumigil siya.
"Maraming nilalang ang naninirahan dito sa labas ng Aziax ng Telt Asian, sa iisang bahagi lang ang daan papunta sa lugar ni Yaya Linda, at ang ibang bahagi ay may nakatirang mga nilang kagaya ng sumalakay sa atin," paliwanag ni Doveia habang pahid-pahid ang luha.
"May isang libro ang tumutukoy sa nakasagupa natin kanina, ang nagsulat nito ay si Lino Tecsh," bigkas ni Doveia. Umupo siya sa bato since talampas naman 'to na bato at umupo ako sa harap niya.
"Sila ang mga Dofik, isa sa mga grupo ng nilalang na naninirahan sa labas ng Telt Asian. Marami pa tayong makakalaban na mas mahirap pa sa kanila. Ang sabi sa aklat, mabangis lang ang mga Dofik sa una pero maba ait daw talaga sila," dagdag niya. Pumagaspas naman ang mga dahon ng mga punong rainbow ang kulay ng dahon kaya napatingin ako dito, ang ganda nila, lalo na at nahawi ang ilang dahon at nakita ang kulay puti na puno at sanga ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Myth of Nekoruk
FantasyThis is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine. Handa na siyang salubungin ang isang nakamamatay na paglalakbay. Pero may patutunguhan kaya ito whe...