-TASIO'S POV-
"Konting panahon nalang, ikaw ay akin nang makakasama dito sa kabilang buhay. Katawan mo'y patuloy na rumurupok at nasisira, Tasio." napapikit ako.
Gumamit ako ng ilusyon para akalain nilang katawan ni Johny ang pinaglamayan nila. Magagawan ko ba ng ilusyon ang sitwasyon na ito?
Bwisit, baka iyon na ang huling yakap ko sa'yo Jasmine.
Sana, magawan mo na ng paraan, nais kong makapiling ka pa.
Nais ko nang magising sa panaginip na ito, panaginip na kasama ang Tala.
-JASMINE'S POV-
Pumaibaba ako ng lipad. Pagkatapak ng paa ko sa soil ay biglang nawala ang pakpak ko at lumipad na uli siya sa tabi ko.
Ikinampay niya ang pakpak niya na parang army na nagtuturo ng direction. Ang cute!
Nasa tabi ko na rin si Pak at Lobiosia. Ahihi, pakiramdam ko tuloy kasama ko si labidabs kasi kasama ko ang mga alaga niya.
Nagsimula na kaming maglakad sa lilim ng makakapal na puno sa gubat na 'to.
"Ecia, bakit ngayon ka lang nagiging pakpak ko? Bakit hindi pa noon? Sana, nakatulong tayo sa labanan ng mas effective diba?" tanong ko ng nakatingin sa kanya.
Dumapo siya sa ulo ni Lobiosia at ipinamewang ang kanyang mga pakpak. Lumobo naman bigla ang balahibo niya sa bandang tiyan na nagmukha siyang buntis.
"Hala! Buntis ka Ecia? Sino ang ama niya--arayyyyyy! 'Wag naman harsh!" reklamo ko ng tukain niya ulit ako. Ang sakit eh, 'yong parang tinutuka ka ng inahing manok dahil hinawakan mo ang sisiw niya.
Tinuro-turo naman niya ako gamit ang wings niya.
"Bakit anong mali sa akin--dahil nabuntis ako kaya nagiging pakpak na kita?" tumango siya upang sabihing tama ang realization ko.
Maya-maya lang ay narating na ulit namin ang mga puno ng Legka. Nakadaan na kami dito dati ni Doveia, ito ang mga puno na color rainbow ang mga dahon, at parang mist na hindi mo mahahawakan, unless nasisinagan sila ng buwan.
Ang ganda talaga ng mga punong ito, hindi nakakasawang tignan.
Biglang umihip ang hangin at tumunog ang mga dahon ng mga ito.
Bakit ganito? Sumisikip bigla ang paghinga ko, dahil napakaganda ng mga puno.
"Kabigha-bighani," bulong ni Pak.
Lumipas ang ilang sandali at narating na namin ang dulo ng mga puno at muli kong nakita ang isang familiar na barrier.
Nag-inhale ako bago nagsalita.
"Ahm, dito kami nakain ng mga Lirok." sabi ko ng mas mabilis pa sa akala ko. Biglang dumulas ang dila ko sa takot.
BINABASA MO ANG
Myth of Nekoruk
FantasiaThis is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine. Handa na siyang salubungin ang isang nakamamatay na paglalakbay. Pero may patutunguhan kaya ito whe...