Chapter 13 - Tecsh

54 6 1
                                    


-TSISMOSA'S POV-

Niyakap ko ang bakla. Kanina pa siya umiiyak dahil sa pinagawa niya. Ano ba, porket kontrabida kami bawal na kami magkaroon ng feelings?

Muli kong inilagay sa ulo niya ang korona na siyang ipanagtaka niya kanina.

"Ikaw ang bagong hari dito, whatever, o reyna bakla so sa 'yo na 'yan," sabi ko sa kanya na ipinagtaka niya. Like duh, hindi ko type ang kahariang ito, so boring. Mas gusto ko ang Telt Asian.

"Hindi na natin hahanapin ang Nekoruk, may sakit si Tasio at konting push nalang ng magandang ako deads na siya." sabi ko at aakmang aalis na.

"Saan ka pupunta? " sabay na tanong nila ni Jessa.

"Maganda ba kayo?" mataray kong sabi at lumipat lugal.

Nandito ako sa dating pwesto ng kuwebang bungo na wala na dahil nag fly fly sila dati.

Gabi na naman, napakabilis ng mga oras. Palaho na ang buwan, ngunit mas kabigha-bighani ako kung ikukumpara dito.

Pumikit ako at sisimulan na ang gusto kung gawin. Kapag nagawa kong abo ang hangin, kapag nagtagumpay ako sa magandang training na ito ay magkakaroon na ng sexy at flawless na reyna ang Telt Asian.

Maghihiganti ako sa inyo Doveia, Tasio, lahat kayo. Kung wala kayo, may lovelife na sana ako. Maniningil ako.

Sinubukan kong i focus ang paningin ko mula sa maganda kong mata, papaano ko gagawing abo ang hindi ko nahahawakan, o nakikita? Paano? Kasi maganda ako.

Kapag nagawa ko ngang abo ang hangin, humanda na kayo.

-ELLIUS' POV-

Muling nagpaikot-ikot sa hangin ang mga paniki dito sa taas ng bangin ng kuweba ni kuya Tasio sa tabi ng Talon ng Tatlong Kambal. May dala silang tubig sa pakpak nila na siyang pumapatak sa lupa.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko sa kanang palad ko at may lumabas dito na liwanag na tumama sa patak ng tubig. Naging yelo ang mga ito at natunaw ng pumatak sa lupa.

Muling nag liwanag ang kamay ko at may tumulak sa aking pwersa na nakapagpahiga sa akin sa lupa. Biglang lumamig ang pakiramdam ko. Para akong kinumutan ng yelo. Nanginginig ako sa lamig.

"Buhatin natin siya," rinig kong sabi ni Pak at naramdaman ang mga pakpak ng mga paniki sa katawan ko.

"Napakalamig ng katawan mo," ani Lobiosia ng napagtanto kong nasa loob kami ng kuweba.

"Namana mo ang kapangyarihan ni lolo Tonyo mo. Isang napakalakas na mahika. Kapag nagamit mo 'yan ng tama, magiging malakas ka. Magpainit ka na sa tabi ng apoy at babalik tayo sa pag-eensayo." bigkas ni Pak.

Pinilit kong bumangon at nagpadarang sa tabi ng apoy. Nakikita ko si kuya Tasio na nakahilata sa batong kama niya dito sa kuweba. Nag liliwanag parin ang tigang niyang may bitak na balat ng kulay kahel.

Sana, gumaling ka na kuya. Gusto ko ulit na makalaro ka.

-JASMINE'S POV-

Myth of NekorukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon