Chapter 22 - Of Course!

54 3 7
                                    

-JASMINE'S POV-

Hinalikan ni mang Mikey ang asawa,  weird lang kasi mas masarap humalik si labi-- ay,  may war na nga ganito parin ako mag-isip.  Eh kasi eh,  hihihi,  totoo naman!

"Kagaya ng plano,  iikot ako sa likod habang kayo ay kumukuha ng atensyon at pakakawalan ang mga nakakulong.  Mas mahirap nga lang ito ngayon na wala na akong kapangyarihan," paliwanang ni reyna Patricia.

Kagaya ng plano,  naglabas siya ng Olivia at nauna na.

Hindi naman ako nagsuot ng  damit ng mga kawal,  ang bigat kaya ng metals. 
Pinagpatuloy ko lang ang paghiwa ng sibuyas hanggang sa lumuha ako.

"Finally lumabas ka rin!" sabi ko ng sumama siya sa luha ko.  Eh sa hindi ako makaiyak eh. Nag roll eyes naman siya,  hihi ang cute!

Maya-maya ay nagsimula na kaming lumabas ng bahay at nagsilabasan na sila ng Olivia.

"Ang ama ko, dati siyang Cor. Kaya medyo may alam na ako kung nasaan ang bahay ninyo noon," sabi ni mang Mikey. Weird, kahapon pa siya ganyan, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.

Ang pagkakatanda ko ay ang mga Cor wait, ahh si Paled. Isa siyang Cor diba? Ang taga erase ng memories ng nasa labas ng Telt Asian just incase may nag leak na info doon.

Wait, so ibig sabihin ang Cor bago si mang Paled ay ama ni mang Mikey? Ibig sabihin ba--

"Magkamag-anak kayo ni mang Paled?" tanong ko. Diba pinapamana din 'yong pagiging Cor?

"Ang Cor ay hindi pinapamana, kusa itong namimili. Huwag kang hihiwalay sa akin Jasmine, ayokong patayin ni Tasio kapag may nangyaring masama sa 'yo." at mahina siyang tumawa na tila excited. Yieeh, fan 'ata ng loveteam namin si Mang Mikey eh.

"Magsihanda ang lahat, babawiin natin ang ating kaharian!" sigaw ni Mang Mikey at nabalot ng sigawan ang paligid. Napatingin naman ako kay Ecia.

"Nakisigaw ka rin?" tumahimik siya bigla ng mahuli ko siya. Haha ang cutee!

Nagsitalon na sila sa Olivia kaya gumaya din ako. Nagpaikot-ikot kami ni Ecia at maya-maya ay may force na na tumutulak sa amin pataas.

Hindi gaya noong first time ko, nakatayo na ako ngayon.

Nasaan ba kami? Hindi familiar sa akin ang paligid--oh my!

Ito na ang Telt Asian? Ang, ang ganda! I mean, ang dating palayan ay napuno na ng flowers 'di ko alam kung ano'ng mga flowers ito pero ang ganda,  iisang type of flower lang pero iba-iba ang colors ng petals nila.  Hanggang waist ko ang taas nila at ang bango!

Napatingin ako sa mismong castle,  ang statue ng tatlong giant doves ay may korona na na flowers.  Ang buong    palasyo naman ay nababalutan ng vines na namumulaklak rin.

"Ang ganda Mang Mikey!  Babawiin ba talaga natin 'to?" tanong ko sa kanya.

"At ano'ng kakainin natin?  Hindi nakakain ang bulaklak na 'yan.  Gugutumin niya ang buong kaharian," bitter naman sa life si mang Mikey.  Ang ganda kaya ng mga flowers!

"Hello there,  I suppose babawiin ninyo ang maganda nang kaharian ko.  Well,  mamamatay muna kayo.  Lalo ka na... Jasmine!"  Nagpalinga-linga kami ng biglang may magsalita.

Myth of NekorukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon