-JASMINE'S POV-
Naglalakad na kami ni yaya papunta sa mga nagtitinda ng fish ball. Naalala ko tuloy ang mga stalking moments ko dati, sayang matanda ang nagtitinda, akala ko pa naman... "Gwapo!" tili ko kaya binatukan ako ni yaya.
"Ang lande mo naman, bontes ka na kaya, helo!" waah, ang harsh ni yaya. First time niya ko binatukan. Wait, may girlfriend 'ata ang gwa-- bigla akong nanginig sa takot.
"Yaya, may multo po!" sabi ko ng tinuturo ang nakita ko. Sinundan ito ni yaya ng tingin at biglang kaming tumakbo ng paikot-ikot sa cart ng nagtitinda ng fishball na bibilhan sana namin.
"May molto waahhh! Edward! Tabange man ako oi! Waahh! Dele man pagpayage 'yong mga ebel speret na pomonta sa aken!" sigaw ni yaya.
"Minumulto tayo ni Johny!" sigaw ko at bigla akong napatigil ng nakapamewang si Myrna na nakaharang sa harap ko.
"Best! Bumalik ka! M-ma--may mult--" nauutal at nanginginig kong sabi habang tinuturo ang multo ni Johny sa likod niya.
"May molto! Ranneng awee por yur layp ma'am Mernaaaa!" at hinila ko si Myrna habang nagtatakbo kami nina yaya. Hindi naman umaalis sa kinatatayuan niya ang multong si Johny.
"What the--stop running!" tapos ay natawa si best Myrna.
"Tasio didn't kill me. I'm alive." nag heart heart bigla ang mata ko ng marinig ang pangalan ni labidabs of my lifee! Lumapit ako kay Johny the friendly ghost--
"Wait...buhay ka?" saad ko ng marealize ang sinabi niya at bigla ko siyang niyakap. Buhay nga siya.
Bigla kong naalala ang ginawang pagpatay ni labidabs kay Johny noon, so papaanong.
"I'll tell you what happened." saad ulit ni Johny.
"Sorry kung ano man ang nagawa ni labidabs ko sa 'yo--" nahihiya kong paumanhin sa kanya pero bigla niya akong niyugyog.
"Don't mind it. I'm thankful for what he did for me, I grew a lot. Could we eat please?"
Ikuwenento sa amin ni Johny ang tunay na nangyari. Naghaheart naman ang mata ko dahil alam kong mabait si labidabs. Hihi! Magiging mabuti siyang asawa sa akin.
Nagkamustahan kami ni Myrna na medyo nululungkot pa dahil sa pagkamatay ng parents niya. Hindi ko alam kung nalulungkot din ba si Johny. 'Di ko mabasa ang iniisip niya.
Bigla-bigla din kaming tatawa dahil sa mga pinagsasasabi at ginagawa ni yaya. Until, I opened up my plans ngayong malaya na kami sa sumpa.
"I want to go back to continue my search. Sasama pa ba kayo doon?" tanong ko sa kanila habang-- kahit kailan talaga, parang patay gutom talaga kumain 'tong dalawang 'to.
"I hate that place, I decided that I will do my best to avoid that place," saad ni Myrna kaya napayuko ako. 'Di ko siya masisisi. "But I promised someone that I will return to him."
Nag heart ulit ang mata ko.
"Kasalan na! Kasalan na! Nhero, Myrna forever!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Myth of Nekoruk
FantasyThis is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine. Handa na siyang salubungin ang isang nakamamatay na paglalakbay. Pero may patutunguhan kaya ito whe...