-JASMINE'S POV-
"Huwag kang umaalis na sa paniki, bata, at lobo lang nagpaalam sapagkat hahanapin kita," sabi ni Doveia.
"Kapatid na rin kita kahit papano." dagdag niya pero hindi siya nakatitig sa akin, she looked at the male sa harap namin na aba, ahihi, ang cute din pala ano.
"Ikinagagalak--" sabi ng lalaki pero napayuko siya dahil sa bala ng pana ni Doveia. Nagtago naman ako sa likod ng isang may kalakihang bato para 'di ako madamay.
Nagliwanag ang pana ni Doveia at nawala. Ikinumpas niya ang kamay at umangat ang lupa at naging parang mga spears. Naglutangan ito sa hangin at nagliparan papunta sa lalaking may power ng fog.
"Tsaka nga pala Jasmine," bigkas niya at kahit nakatalikod siya sa'kin alam kong nakangiti siya.
"Maligayang kaarawan," tsaka marahan akong tumilapon palayo dahil utinuro niya ako. Papano niya nalaman? Ako nga mismo hindi ko natandaan na ngayon pala 'yon. Pero ito na siguro ang pinakamasaklap kong birthday.
Nawala ang dalawa, si Doveia at si Foggy boy at ng muli silang lumitaw ay nasakal na siya ni Doveia at inihampas sa lupa pero nawala si Foggy boy bago pa siya tuluyang tumama sa lupa kaya nagkaroon ng napakalaking crack ang lupa.
Lumitaw 'di kalayuan kay Doveia si Foggy boy pero tumayo lang ng straight si Doveia.
"Ano'ng problema reyna ng Telt Asian, natatakot ka na ba Doveia?" hindi ulit kumibo si Doveia.
Nakatingin lang siya kay Foggy boy. Maya-maya ay napahawak si Foggy boy sa ilong niya kasi may lumabas dito. Ganun din sa taenga niya may lumalabas din. Bumilog din ang katawan niya bigla na para siyang naging balloon.
Alam ko na kung ano ang lumalabas sa kanyangi katawan. Tubig! Pinupuno ni Doveia ng tubig ang katawan niya para mag-explode ito. Napasigaw naman si Foggy boy at bigla siyang naging fog. Hays, Foggy boy nga talaga. Pumatak sa lupa ang balde-baldeng tubig na dapat ay nasa loob ng katawan niya.
Nagtipon-tipon ang fog at muli itong bumalik sa anyo ni Foggy boy. Nagtransform siya sa fog para makaligtas sa pagkalunod. Muli siyang naging fog at lumipad palayo pero hindi parin kumikibo si Doveia. Para siyang angel ngayon na super serious kasi nakatubo ang pakpak niyang white.
Lumakas ang hangin at tinangay nito pabalik sa harap ni Doveia si Foggy boy. Muling naging tao si Foggy boy at nawala pero nawala din si Doveia at ng muli silang lumitaw ay nakakuyom na ang palad ni Doveia at nakaluhod sa harap niya si Foggy boy na hawak ang leeg niya. Parang hindi siya makahinga. Kinuha marahil ni Doveia ang oxygen sa paligid ni Foggy boy. Maya-maya ay humimlay sa lupa si Foggy boy at naging fog.
"Nahimatay lang siya," sabi ni Doveia na biglang nasa tabi ko na.
Hindi ko naman alam ang sasabihin sa kanya. Bahala na nga lang.
"Bakit ka nandito, papano mo ko natunton?" tanong ko. Nag sigh naman siya at sumagot.
"Nawawala kasi si inang Patricia, kailangan ko siyang hanapin pero nawala ka din kaya kasama ka na rin sa mga hahanapin ko. Buti ginabayan ako ng Olivia papunta sa kinaroroonan mo." saad niya.
BINABASA MO ANG
Myth of Nekoruk
FantasiThis is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine. Handa na siyang salubungin ang isang nakamamatay na paglalakbay. Pero may patutunguhan kaya ito whe...