Chapter 7 - Karaniwang Ibon

70 6 3
                                    

-NHERO'S POV-

Papalapit na ang pagi na itim na may linyang berdeng lumiwanag.

"Protektahan n'yo ang solar panels na nagbibigay ng liwanag sa kaharian!" sigaw ko ng mapagtanto ang pakay ng pagi. Sina Myrna ang may gawa niyan, si Myrna ko. Kaya kailangan ko itong protektahan.

Nasaan na ba sina Doveia at Jasmine? Pati na si Tita Patricia?

Palalapit na ang pagi kaya napatingala kami. Papaluin nito ng buntot niya ang mga  solar panels.

Tumakbo kami ni Brosiyus at sabay namin itong sinuntok sa bandang tiyan niya. Tumilapon ito pero hindi bumagsak sa lupa. Napunta ito sa malawak na lupain ng Telt Asian na ginawang palayan.

Lumipat lugal kami ni Brosiyus at ni lolo Tonyo? Napakisap ako. Hindi, hindi siya si lolo Tonyo. Si mamang Mikey pala. Magkatulad kasi sila na may balbas na puti, maikli nga lang ang kay mang Mikey na hindi nga sumasayad sa leeg niya.

"Brosiyus," sabi ko kaya tumango siya. Tumakbo ako papalayo sa kanila ni mang Mikey at patakbong bumalik.

Tumalon ako at nagkaroon ng berdeng liwanag ang kamay ni Brosiyus at lumitaw ang isang higanteng baging dito at inihampas niya sa paa ko kaya pumaibabaw ako. Nahihirapan parin kasi akong lumipad. Ngayong wala na si Ropata, hindi na ako makapag-aanyong tigre.

Nag-ipon ako ng mahika at nagning-ning ang mga kamay ko na para bagang baga sa kalan at umapoy, nag-init din ang mata ko kaya alam kong lumiliab ito. Nakatulong nga ang pagsasanay sa akin ni Tasio.

Pumaibabaw pa ako dahil sa pagkakahampas kanina ng baging ni  Brosiyus at inihanda na ang mga kamao ko na sumuntok sa tiyan ng pagi. Nagkabutas ito na lumiliab, napakalas ng impact na tumagos ako sa likod nito pero may mga berdeng likido na na nakabalot sa katawan ko. Dugo niya ba ito? Biglang nawala ang mahika sa kamay ko kaya sinibukan kong gumawa ulit. Teka, bakit hindi gumagana? Umiilaw ang berdeng likido sa tuwing sinisubukan kong magpalabas ng mahika.

Gumalaw ang pagi at hinampas niya ako ng buntot niya. Sinubukan kong lumipat lugal pero hindi ko din magawa. Huli na, natamaan na ako. Nahulog ako mula sa likod ng lumilipad na pagi at pabagsak na sa lupa pero bago pa man nagkalasog-lasog ang katawan ko ay kay paa akong naramdaman sa likod ko na tumulong sa aking makatayo at bumagsak sa lupa na naunang nakaapak ang paa.

Tinignan ko siya at nag wink lang siya sa 'kin.

"Salamat," sabi ko kay mang Mikey. Nawala naman si Brosiyus at sa muli niyang paglitaw ay yumanig ang lupa.

May tumubo ditong baging na halata mong mas matigas pa sa bato, matitinik din ang mga ito at kulay itim. Gumalaw ang mga baging at ginapos ang pagi.

Umungol ito at nagsimulang pumatak ang berdeng likido sa katawan niya na animo'y dugo nito. Nakita kong 'di ito napansin ni Brosiyus kaya natamaan siya ng berdeng likido at kagaya ko, nawala ang mahika niya.

Nawala ang mga baging niya. Galit na umungol ang lumililad na higanteng pagi at lumitaw na ang pangil nito. Mabilis na ito ngayong gumalaw at pinaghahampas ang buntot niya. Nang tumama ito sa lupa ay nagkaroon ng animo'y bangin, at ng tumama ito sa bundok ay naging patag ito bigla.

Tumatakbo naman kami upang hindi kami tamaan. Hindi din kami makalabas ng Olivia dahil panay ang iwas namin. Nahampas ng buntot nito ang palasyo ng Telt Asian at nahati ito sa crosswise.

"Hindi ito magugustuhan nina pinsan at tita," sabi ko sa sarili. Nakakainis, wala kaming laban.

Myth of NekorukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon