Chapter 8 - Ang mga Apo

60 6 6
                                    

-Jasmine's PoV-

Ilang araw na akong nanlulumo. Palaging seryoso. Si Ecia, wala na, kahit ano'ng gawin ko wala pa rin.

Ang pait-pait din ng laway ko na akala mo ay pinigaan ng bitter gourd. Para akong masusuka at humahapdi ang mata ko. Tinignan ko si Ecia, tumatalon-talon siya sa cage niya.

"Pasensya ka na Ecia ha," at muli akong napaiyak. Ang bigat bigat ng loob ko. May kung ano namang strange akong naramdaman. Ang weird nito. May kung anong nangyayari sa loob ko. Maya-maya medyo napapikit ako dahil sa sobrang liwanag.

Nakakasilaw na orange na liwanag. Nang matapos na at nawala na ang liwanag na nakikita ko tumingin ako sa salamin, kung nawala ito ay bigla itong bumalik. Naging orange ulit ang itim ng mata ko, nag go-glow na orange na akala mo ay may suot ako na orange at glowy na contact lens. Muli ay naging HD ang paningin ko.

Nag-iinit naman ang lalamunan ko sa sobrang pait. Madaling araw na, pero ang pait talaga ng laway ko. Alam ko fresh ito pero hindi ko malunok sa pait. Gusto kong kumain ng mapait na chocolate, gusto kong kumain ng isang sobrang pait na chocolate.

"Yaya Linds," tawag ko sa kanya na agad namang nagising dahil katabi ko siyang natulog at gaya ko ay napaupo rin siya sa kama.

"Natoral lang eyan, haleka, pomonta tayo sa neyburs," sabi niya habang kinukuha ang mga muta niya at inamoy. Yaya nga naman! Bigla namang nag ring ang cellphone ni yaya.

"Begla ka namang nageng soper seryos Jasmene, ang boreng mong tao. Borennggg!" sabi ni yaya na parang bata ang tono na hindi ko pinansin.

"Helluuu, good morneng! Des es Lenda espekeng?" sabi ni yaya kaya napangiti ako. "Wet lang, i lalawd spek lang keta ha," dagdag niya at inilapag ang cp niya.

("Hey best, I miss you." ) malamyang sabi niya sa kabilang linya kaya napapikit ako at napangiti. Finally narinig ko rin ang boses niya.

"Tungkol sa nangyari sa kanila best, dito nalang natin sila pag-usapan pag nakarating ka na. Kailangan mong ipaliwang kung bakit mo sila pinatay best... Myrna," tugon ko kanya.

-DOVEIA'S POV-

Umikot ako at muling kinuha ang hangin para hindi sila makahinga.

" Kukunin ko siya ng sapilitan, hindi niyo mapapabagsak ang isang reyna, hindi kami ganoon ka hina gaya ng inaakala n'yo," galit kong sabi. Oo buhay ako. Buhay na buhay.

Pagkagising ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa ilalim ng isang napakataas na bundok na aabot hanggang langit. Gawa ito sa bato.

"Nrotektahap gna gbabaenb nawalan gn kakpap nabal as aanyk!" Sigaw ng isa sa kanila.

Pinatubo ko ang pakpak ko upang muling sumugod. Kukunin ko siya kahit na anong mangyari. Kukunin ko siya.

-NHERO'S POV-

Muli akong nawala sa panimbang ng muling yumanig ang lupa. Magmula pa kahapon ay patuloy ang pagsugod ng mga kung anong nilalang sa labas ng Aziax.

"Dovero, may balita na ba kay tita, Doveia, at Jasmine?" tanong ko. Umiling lang siya habang nakadapo sa aking kaliwang balikat.

Lumakas ang pag yanig ng lupa at bigla akong napaatras dahil lumabas dito ang napakaraming nilalang na may maiitim na mga mata.

"Oras na upang ipaghiganti ang ating lola!" sigaw ng babaeng nasa unahan nila at lahat sila ay sabay sabay na tumawa.

"Hahahaha! Hehehe! Hohoho!" naging handa kami ni Dovero. Ang tawang 'yan!

Sino sila? Lola? Kung ganon, sila ay mga apo ni Rosolina?

Myth of NekorukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon