-TSISMOSA'S POV-Nangyayari na ang aking binabalak. May karamdaman ngayon si Tasio. Ulala, ang ganda ko talaga. Ahahahaha!
Syempre evil laugh 'yon na nagagawa lang ng mga magaganda.
"Nasaan si Amisthio?" umiling ang baklush tanda na hindi niya alam habang nag she-shave ng kili-kili niyang wala man lang panama sa 'kin. Ikinuha ko na siya ng shave at deodorant ng nagawi kami sa modernized place.
"Mas maganda parin ang kili-kili ko." mataray kong sabi.
"If you compare yourself with others, you may become vain and bitter. For always, there will be a greater and lesser person than yourself. Disederata. Bow." saad ng isang babae na katabi ni bakla.
"Shut up Jessa, hindi ka maganda." sabi ko sa kanya habang tinutulungan na niyang magshave si bakla. Eww! Nakakadiri sila tignan kasi mas maganda ako. Pamangkin kasi siya ni Black eye Rosolina so I'll make her us my ally.
"Hindi mo ba talaga kakailanganin ang mga friendship ko Tsism?" tanong ni Jessa. Hindi ko siya sinagot kasi tinatamad ako. "Hindi pa ba tayo papasok sa kaharian ninyo Baklita mae?" saad ni Jessa sa biglang nawala na bakla.
"Oi, ano'ng ginagawa mo diyan?" tanong ni Jessa kay Baklita mae na nakatayo sa likod ng isang puno at nakayuko ito. Mamaya ay may parang inalog siya at parang may isinara sa harap niya.
"Nandito na ako mae, tara pasok na tayo mae." sabi nito bago siya tumilapon ng akmang hahawakan niya ako. Nakikita ko sa hindi maganda niyang mukha ang pagtataka.
"Kakaihi mo lang, magkakagerms ang maganda kong balat." sabi ko at pumasok na kami sa palasyo.
"Just do it according to plan, excited na ako na kinakabahan. Wait, excited nga ba ako? Parang kinakabahan lang eh." nag roll eyes ako kay Jessa kasi maganda ako.
"Hehahehahohoho!" Tawa pa ni Jessa. "Ang pangit talaga. Ang hirap naman." Nag roll eyes nalang ako.
Inihanda ko ang aking sarili. Wala ang hari pagkadating namin sa lugar kung nasaan ang trono ng ama ni Baklita mae dito sa kaharian ng Sitarri.
I chinned up at ikinumpas ang dalawang mga kamay ko ng nakatiwarik ang aking mga hinliliit.
Naging abo ang mga soldiers na nagbabatay sa paligid.
"Sayang mae naman, gwapo pa naman sana 'yong isa dun, ginawa mo lang na abo," hindi ko ulit siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Mahinhin akong umupo sa trono at nag dekwatro.
"Huwag ninyo kaming papakialaman. Ako ang tatapos sa kanya, kasi...maganda ako." sabi ko at nakakaakit na kinagat ang ilalim ng labi ko para maging cute ako tignan.
"Hindi na ba magbabago ang isip mo Cheste," paniniguro ko, pero hindi ko sa patanong na paraan.
BINABASA MO ANG
Myth of Nekoruk
FantasyThis is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine. Handa na siyang salubungin ang isang nakamamatay na paglalakbay. Pero may patutunguhan kaya ito whe...