-TASIO'S POV-
Pinilit kong makakita pero puro kahel na liwanag nalang ang nakikita ko. Gising na naman ako, kapag natatalo ko ang Tala sa usapan namin ay nagigising ako.
Umupo ako sa pagkakahiga, naririnig ko ang mga paniki at ang tubig sa talon. Nasa loob ako ng kweba.
Hinaplos ko ang bato kong kama. Mainit ito dahil sa aking pagkakahiga. Bigla akong nanghina ng may makapa ang kamay ko kaya kahit nanginginig ay pinulot ko ito at hinagkan tsaka niyakap. Isang hibla ito ng buhok.
"Naparito pala si Arkidia," saad ko kay Ellius na nararamdaman kong nasa labas ng kweba at nakatanaw sa malayo. Napangiti ako. Buti at buhay nga siya. Arkidia.
"Kuya Tasio, gising ka na--" saad niya at napatigil. "--ang mata n'yo."
"Saan siya pupunta Ellius?" tanong ko sa kanya. Wala na talaga akong makita.
"Hahanapin daw ang lunas mo kuya Tasio, kasama nina Pak at Lobiosia," sagot niya.
Napangiti ako at palihim na hinagkan ang hibla ng buhok niya. Alam kong ligtas ka, mag-iingat ka sana, kung pwede ko lang kayong puntahan ng anak natin.
-MYRNA'S POV-
He lifted his arm with the spoon then he will look at me then he will put his spoon down again.
We are eating alone in the kitchen, everyone was shocked because of Johny and they went to some parts of the kingdom with Brosiyus, yaya, and uncle Lamp.
"Are you alright Nhero?" I asked.
"P-pwede b-ba k-kitang subuan?" I giggled. So that's why he kept on lifting his spoon. He shakily held his hand towards me so I ate what's on the spoon.
He bit his lower lip to hide his smile. I swallowed the food, then I giggled. He's innocently cute.
"May ipag-uutos po ba kayo prinsepe Nhero, binibining Myrna?" a maid said as she smirked to me. My whole body froze as my goosebumps suddenly entered the scene. Her smirk, have I seen them before?
"Wala naman, salamat...
...Gednem," Nhero replied.
-JASMINE'S POV-
Ang anak namin! Nanginig ang mga kamay ko dahil sa dugo at lumalabo ang paningin ko sa luha. Alam kong lumabas na naman si Ecia.
Napasigaw ako. Patawarin mo 'ko, patawad Tasio.
"May ginawa po kami ng inyong anak, alam kong magbubunga ito. Hindi ako hihingi ng paumanhin dahil alam kong hindi kasalanan ang ginawa namin."
Umalingawngaw ang boses ni Tasio sa isip ko ng mga sandaling inamin niya kay daddy ang totoo.
Patawad Tasio. Ang tanga ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko, napakatanga ko.
"J-Jasmine, patawad," umiiyak na sabi ni Doveia. "Napakakupad ko, patawad."
May kung anong humihila sa mga intestines ko, parang kusang lumalabas ang mga dugo. Parang excited pa sila.
BINABASA MO ANG
Myth of Nekoruk
FantasyThis is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine. Handa na siyang salubungin ang isang nakamamatay na paglalakbay. Pero may patutunguhan kaya ito whe...