Chapter 10 - Ang Tao at ang Buwan

55 6 0
                                    

-DOVEIA'S POV-

"Mabait naman pala sila, maligaya ako at nakita kita," sabi ko sa kanya habang tinitignan ang buwan mula dito sa isang lugar na nasa ibabaw ng isang napakataas na mabatong bundok na nababalutan ng ulap subalit ang ulap ay kusang umiiwas upang aming makita ang kalahati nalang na buwan.

"Napakalakas mo na, nararapat ka na nga sa trono," ngumiti ako sa kanya at muling tumingin sa buwan. "Asi gank salakam an aeynr." Dagdag niya.

Kamusta naman na kaya si lolo Tonyo? Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magiging malakas ng ganito. Salamat sa kanya. Bigla kong naalala kung papaano niya ako sanayin  noong siyam na taong gulang pa lang ako.

"Doveia, apo, aalis muna ako." sabi ni lolo Tonyo sa akin.

"Kailan po babalik si ina?"  tanong ko sa kanya ngunit hindi na siya sumagot.

Nakatayo ang bahay ni lolo Tonyo sa gitna ng bundok Berdde, at bababa na  naman siya upang bisitahin ang mga paniki at si lola Binida.

"Doveia, dali tikman mo ang mga nakuha kong mangga, maraming uod!" sabi ni Dovero na biglang sumimangot dahil sinakyan na naman siya ni Rat-rat.

"Tao siya Dovero, hindi ibon ano ka ba?" sabi ng daga.

Makaraan ang ilang sandali ay bumalik na si lolo Tonyo.

"Doveia, si Tasio nga pala,  makakasama mo na siyang magsanay simula ngayon," sabi ni lolo Tonyo.

"At doon mo siya nakilala bilang kapatid?" sabi niya. Napakaamo ng mukha niya na nagniningning kapag nasisinagan ng buwan, literal na ningning.

"Hindi ko pa alam na kapatid ko siya," sabi ko dahil bigla nalang akong nagkukuwento sa kanya. Hindi ko alam pero gusto ko kapag nakikinig siya sa akin o kapag nasa akin ang kanyang atensyon. Nagpatuloy naman ako.

"Ano na Tasio? Kidlat ba 'yan? Napakasagwa. At ikaw Doveia, tatatlo ang mahika mo kaya magiging malakas ka," striktong sabi ni lolo Tonyo.

Nanginginig naman ako sa lamig. Nababalutan kasi ng yelo ang buo kong katawan at leeg lang ang nakalitaw.

Napalingon ako kay kuya Tasio nang bigla siyang tamaan ng kidlat. Nakatihaya na siya sa lupa at gutay gutay ang damit, umuusok din ang buhok niya pero nagawa nga niyang makatakas mula sa yelo.

"Kapag nagtagal ay masasanay ka din sa paggamit ng kidlat Tasio na kakailanganin ka namin kapag may malakas na kaaway," sabi ni lolo Tonyo. Maya-maya ay nakawala na rin ako sa yelo kaya napatingin si lolo sa akin. "Magaling Doveia, ano'ng ginawa mo?"

"Naihi po ako sa sobrang lamig hehe," sabi ko at ngumiti ng malapad.

"Sa ngayon iiwan ko na muna ang inang Patricia sa inyo. Hindi ko siya magagamot sa Telt Asian, uuwi muna ako," sabi ko sa kanya pagkatapos ng mahaba naming tawa dahil sa ikinwento ko. Nalungkot naman ang nagniningning niyang mukha.

"Bumalik ka agad, kasasabikan kita," sabi niya at idinipa ang kamay niya paharap sa buwan.

"Buwan ko, pahingi po ng tinapay," sabi niya sa buwan. Hindi ba't pang-uto lamang sa bata na kapag humingi ka ng tinapay sa buwan ay-- teka lang. Nagliwanag ng puti ang kamay niya at nagkaroon nga ito ng tinapay.

"May koneksyon kami sa buwan, at naibibigay nito ang kailangan namin, ito baunin mo para hindi ka magutom. Alam ko ordinaryong tinapay lang 'yan pero mabubusog ka," inabot ko ang tinapay sa kanya pero hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

Myth of NekorukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon