[• Chapter 16 •]
[• Carena Aleya Amethyst Knox POV. •]
~Carena!!~
"hmm?"
~Carena!!~
"5 more minutes kuya"
~bangon na!!~
"kuya naman!!"
Bumangon na ako at kinusot-kusot pa yung mata ko.
"may bisita ka"
"huh?"
Dinilat ko namang ma-ayos yung mata ko dahil sa sinabi niya.
"bumangon kana dyan"
"wala bang pasok?"
Parang wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"wala"
Maikli niyang sagot.
"ah *tango tango*"
"oh,ano uupo kapa din dyan?"
"galit?"
Inirapan niya lang ako at lumabas na sa kwarto,anyare sa kanya?.
*fastforward*
Nang maka-baba na ako sinalubong ako ni mama.
"nak,lakas ng appeal mo ah"
"huh?"
Nakakunot-noo kong tanong kay Nanay.
"halimaw,ka-usapin mo na dun sila!"
Sigaw ni kuya sa loob ng kusina,siya yata maglu-luto ngayon.
"wag mong pansinin yang kuya mo"
"opo"
Iniwan ko na muna si mama at pumunta sa kinaroroonan ng bisita.
~hi~
Sabay nilang bating dalawa.
"ano ang ginagawa niyo dito Jimnel at Nixell?"
Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Aakyat sana ako ng ligaw kung okay lang sayo"
Ano daw?! Nangliligaw siya ganitong ka-aga? Jusmiyo!!.
"eh,ikaw Nixell?"
"same"
Nag-palitan sila ng masamang tingin ni Nixell.
"ah *kamot-ulo* jino-joke niyo ba ako?"
Natatawa kong ani,sabay silang dalawang tumingin sa akin.
"hindi"
Sabay nilang sagot.
"ah sige,bahala kayo dyan"
Wala akong masabi eh.
~magandang umaga sa inyo mga,iho~
Biglang sulpot ni mama.
"magandang umaga po tita,ako po pala si Jimnel Hanmock"
"goodmorning din tita ako naman po si Nixell Knight Acelton"
Pagpapa-kilala nila kay mama na naka-tayo.
"upo kayo"
Umupo na silang dalawa,napansin ko namang may mga dala sila.
"kaano-ano ba kayo ng anak ko?"
"kaklase niya po ako at close friend"
"kaklase naman po ako ni Eric"
"ah,hahaha mga gwapong binata"
BINABASA MO ANG
My Kuya Is A Secret Wattpad Writer?!
FanfictionCarena Aleya Amethyst Knox was an avid reader on Wattpad, spending hours engrossed in stories written by various authors. Among her favorite authors was Dragon Knight, whose writing she greatly admired without realizing that he was actually her olde...