[• CHAPTER 46 •]
[• Carena Aleya Amethyst Knox POV. •]
Pagkatapos naming mag-landian char!! Landian talaga?.
Pagkatapos mag-luto ni Kuya agad niya na itong hinanda sa dining upang makakain na kami,kanina pa ako natatakam sa mga niluto niya.
Ang bango kasi at sigurado akong masarap,si Kuya pa ba? Masyadong perpekto nga yan eh.
Tahimik kaming umupo ni Kuya at nag-simula ng kumain,maya-maya lang napa-sigaw na ako ng agawin ni Kuya ang isusubo ko na sana.
"Kuya! Akin yan eh!"
"Your's is mine"
Inosente niyang sagot kaya lumipat ako sa mas malayong upuan sa kanya,mahirap na at ba ka agawin niya pa ulit yung pagkain ko.
"Why your so stingy,man-spirit?"
Naka-ngusong usal ni Kuya,sana all cute kapag ngumunguso ako kasi parang pato *pout*.
"Heh! Wag mo nga akong dramahan dyan Kuya,gutom ako kaya wag kang epal"
Naniningkit-matang singhal ko sa kanya,may pagkain naman siya sa plato niya tapos kakainin niya pa yung sa akin.
Ang takaw din pala niya hindi lang nag-sasabi =_=.
Naka-ilang subo na ako ng lumipat siya sa tabi ko.
"Kuya,binu-bweset mo ba ako?"
Inis kong tanong sa kanya ngunit nagkibit-balikat lang siya,kanina pa talaga siya ng iinis eh!.
Nako! Kapag ako hindi makapag-timpi ibabalibag ko talaga siya mamaya.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero ngumiti lang siya sa akin,nang-aasar nga siya =_=.
Nag-simula na ako ulit kumain at hindi na lamang siya pinansin,honestly....pakiramdam ko nasa ulap na ako dahil subrang sarap ng pagkain! Lalong-lalo na ang fluffy omelet na ginawa ni Kuya (^^).
"In love kana ba ngayon?"
*cough!*
*cough!*
Mabilis akong nag-salin ng tubig sa baso ko at ininom ito,
"Kapal ng mukha mo Kuya ha"
"Psh! Ayaw mo pang umamin sa akin"
Naniningkit-mata niyang usal saka sumubo na,tsk! Bahala ka nga sa buhay mo.
Pagkatapos naming kumain sabay naming linigpit ni Kuya ang aming pinag-kainan pagkatapos tumambay kami sa living room at nanuod ng tv.
Naka-higa lang sa lap ko si Kuya habang nasa tv ang aming atensyon,maya-maya lang hinimas-himas ko na ang kanyang buhok.
Ang lambot! Ano bang shampoo ang ginagamit niya?! Atsaka ang bango din.
"Panget,gusto mo nalang bang maging aso at singhutan ako?"
"Ang kapal talaga"
Mahinang bulong ko.
"I heard you"
Sagot pa niya kaya inirapan ko na lamang siya,psh! Grabe ang pandinig niya ha.
Maya-maya lang bumangon si Kuya at tumingin siya sa akin.
"What?!"
Inis kong tanong,maka-tingin kasi parang kakainin ako ng buhay.
"Let's have a swim"
"Ganito ka aga?"
Tumango lang siya sa tanong ko kaya tumayo na ako at na-unang pumunta sa aking kwarto,yes! Makakapag-swim suit na rin ako!.
Pagkatapos kong mag-bihis agad kong nakita si Kuya na kaka-labas lang din ng kwarto niya saka wala itong pang-itaas,wow! Just wow! Pa-show off ka Kuya?.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napa-iwas ako ng tingin.
Nabalik ang paningin ko sa kanya ng lumapit siya sa akin saka kusa niyang sinuot ang damit niya sa akin.
"Kuya!"
Singhal ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Wag nalang tayo maligo sa dagat,sa banyo nalang tayo...mukhang makaka-kita pa ako ng away sa labas eh"
Seryosong saad niya at babalik pa sana sa kanyang silid ngunit hinila ko ang braso niya.
"Oo na,susuotin ko na 'to kaya halika na ang drama mo talaga"
Ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti siya sa akin at sabay na kaming lumabas ng rest house.
Maraming kababaehan ang tumitingin kay Kuya kaya napa-simangot ako,ano kaya kung dukutin ko ang mga mata nila para hindi na sila maka-tingin ng wagas kay Kuya?.
Napa-tingin ako kay Kuya ng bigla niya akong akbayan.
"Bakit ba ang ganda mo? Yan tuloy ang daming tumitingin sayo"
Usal ni Kuya habang magka-salubong ang kanyang dalawang kilay at napa-tawa na lamang ako ng lihim.
Nang malapit na kami sa tubig napa-sigaw ako sabay kapit ng mahigpit sa leeg ni Kuya ng buhatin niya ako bigla.
"Pwede bang magpa-alam kana man Kuya? Papatayin mo yata ako sa gulat eh"
"Why would I? Your mine after all"
Sagot niya na dahilan ng pag-pula ng aking magkabilang pisnge.
Lumusong na siya sa tubig kaya nabasa na rin ako,napa-tingala ako sa kalangitan.
Mukhang uulan pa yata ah.
*tsup!*
"Kuya!"
Singhal ko sa kanya sabay hampas sa kanyang dibdib,ang dami kayang tao =_= walang hiya talaga si Kuya.
"Psh! Ang damot mo naman panget"
"Natural,bakit? Sayo ba 'tong labi ko?"
"Ang sungit"
Rinig ko pang bulong niya at inirapan ko na lamang siya,parehong naka-pulupot ang kanyang dalawang braso sa aking bewang.
"Kuya,pwede bang bitawan mo na ako?"
"Sigurado ka?"
"Oo"
"Oh sige basta wag mo akong sisihin"
Binitawan niya na ako at lumubog ako bigla saka dali-daling kumapit pabalik kay Kuya,hindi ko akalain na subrang lalim pala dito.
"Bakit hindi mo sinabi na malalim pala?!"
"Nag-tanong ka ba?"
Argh!! Kainis siya,dapat sinabi niya parin sa akin yun kahit hindi ako nag-tanong sa kanya nuh!.
Pagkatapos naming maligo ni Kuya sa dagat bumalik na kami agad sa rest house at nag-banlaw na ako at sunod nag-bihis na ako agad saka lumabas sa kwarto ko at tumungo sa living room.
Wala pa si Kuya at ba ka naliligo pa kaya pumwesto na ako sa couch at nanuod ng tv.
Maya-maya lang may narinig akong tunog at ng hanapin ko ito nasa ilalim lang pala ng couch.
Kinuha ko ito at tiningnan,nahulog yata 'to ni Kuya ng hindi napapansin.
Binuksan ko ang message niya at nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa,bakit nagawa ito sa akin ni Kuya?! Akala ko ba ako lang?!.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naitapon ko ang cellphone saka lumabas ng rest house.
BINABASA MO ANG
My Kuya Is A Secret Wattpad Writer?!
FanfictionCarena Aleya Amethyst Knox was an avid reader on Wattpad, spending hours engrossed in stories written by various authors. Among her favorite authors was Dragon Knight, whose writing she greatly admired without realizing that he was actually her olde...