chapter 26

200 11 0
                                    

[• CHAPTER 26 •]

[• Carena Aleya Amethyst Knox POV. •]

*tok! tok! tok!*

"nak pumunta sina Maixen,Fiary,at Nixell dito kanina nag-aalala sila sayo kung bakit ka umuwi kahapon ng umi-iyak"

"masama lang po pakiramdam ko"

Pag-sisinungaling ko kay Mama kahit ang totoo naman ay masama ang loob ko kay Kuya.

"ganun ba,bibilhan kita ng gamot"

"wag na po,ma"

Pag-pipigil ko sa kanya.

"lulutuan nalang kita ng pagkain"

Suhestyon pa nito.

"ayoko din po"

Pailing-iling ko na ani.

"sige,ikaw ang bahala pupunta na ako ng tindahan"

"opo"

Maya-maya lang wala ng may kumakatok,bumangon ako at napatingin sa salamin.

"luhh ka Carena hindi ka na nga nakapunta sa school ngayon tapos ang haggard-haggard at namamaga yung mata mo sa kaka-iyak,kalimutan mo na siya kinalimutan ka nga niya eh"

Ka-usap ko sa aking sarili at Napabuntong-hininga nalang ako at humiga ulit,wala akong ganang kumain.

[• Fiary Ace Sevielle POV. •]

"Mai,ano kaya sa palagay mo ang nangyari kahapon?"

"ewan,magka-sama kaya tayong dalawa nag-hanap sa kanya"

Mataray na sagot nito sa akin,batukan ko kaya 'to.

"sa palagay mo lang namam"

"ewan"

Kibit-balikat niyang sagot.

"kung pina-sama niyo ako,hindi sana umiyak si Carena"

Naka-ngusong turan ng pinsan ko.

"tumahimik ka dyan!"

Sigaw namin ni Maixen sa kanya kaya mas lalo pa siyang napa-nguso at tinikom niya ang kanyang bibig.

~love~

Tawag sa akin ni Zack at magka-sama silang papalapit ni Lenny.

"oh?"

Tanong ko sa kanya nang maka-lapit na sila.

"bakit wala ngayon si Carena?"

Tanong ni Lenny at umupo sa tabi ni Maixen habang si Zack naman ay umupo sa tabi ko.

"may problema yata siya"

Malumanay kong ani baka anong nangyari na sa kanya.

"ano naman yun?"

Kunot-noong tanong ni Zack na bahagya pang tumingin sa akin.

"ewan nakita lang namin siyang umalis na umi-iyak kahapon"

Mahabang litanya ni Maixen kaya napa-tingin sa kanya sina Zack at Lenny.

"hala!!"

Tsk! napa-roll eyes nalang ako sa reaksyon nilang dalawa,parang bakla eh.

*tok! tok! tok!*

Napunta ang atensyon namin sa may pintuan at nanlalaki ang mga mata namin.

"hi,kuya Eric!!"

Agad na bati sa kanya ni Maixen,hay nako! May Lenny na nga pero kumakaringking pa eh.

"bff!!"

Sigaw ni Lenny saka tumayo at tumakbo papalapit kay Kuya Eric at yayakapin sana ito ngunit mabilis na umilag si Kuya.

My Kuya Is A Secret Wattpad Writer?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon