Marie's POV"What do I do now?? Think Marie!" Nanlulumo akong umupo sa kama ko. I never expected na uso pa pala ngayon ang fix marriage?! Anong pumasok sa utak ni Daddy at Mommy??
Flashback
"What dad?!" Gulat na gulat na sabi ko dahil sa sinabi ni Dad na next month na daw ang engagement party namin ni..ni...sino nga ba yun?shocks I don't even know whose that crazy man that agreed to this fix marriage.
"You'll marry him wether you like or not!" Tumaas na ang boses ni Daddy that means he's really mad😱.
Dominic Pascual, he's my Dad and I love him so much but I can't agree to this idea. It's my future at stake here😑
Agad akong nag walk out sa dining area dahil iniiwasan ko talagang mag fight back, pinalaki akong may respeto sa mga magulang kaya siguradong masasaktan sila kapag nagawa kong mangatwiran lalo na ngayon na mukha final na ang decision ni Dad.
"Come back here Mariestella! Hindi pa ako tapos!" Dumadagundong sa buong kabahayan ang sigaw ni Daddy.
"No dad, I won't marry that man. I don't even know him" mahinahon pero may diing sabi ko.
End of Flashback
I never thought that of all people ay sila pa talaga ang nakaisip nito cause I know that they're a believer of true love based on their love story diba.
Napapitlag ako nang biglang may kumatok sa pintuan.
"Marie, please mag-usap tayo!" narinig kong sigaw ni Mommy sa labas ng pinto. Naka lock iyon, naku baka akala ni Mommy nag suicide na ako😱I immediately opened the door. Ang magandang mukha agad ni Mommy ang bumungad sa akin. Walang iba kundi si Stella Marie Pascual😊. She never aged, super ganda parin ng Mommy ko. For me ay sya talaga ang pinakamagandang babae sa buong mundo, although maraming nagsasabi na magkamukha talaga kami 😊
"Anak-"
"Mom I don't want to talk about it please" I cut her short. I'm getting stressed every time they open that topic.
"Anak I'm just saying that please reconsider, I'm sure magugustuhan mo siya" umiling ako sa sinabi ni Mommy.
"How can you be so sure Mom? Ayokong ma stuck sa isang marriage na walang pagmamahal"
"And how can you be so sure na hindi ka ma i-inlove sa kanya? He's a certified bachelor and a billionaire anak. Every woman in this country dreams to be his girl" pangungumbinsi pa ni Mommy.
"Mom, do you think makukumbinsi mo ako sa ganyan? Eh kahit sya pa po ang pinaka gwapo at pinaka mayaman sa buong mundo ay ayaw ko parin po." Mommy just sigh in defeat. Feeling ko tuloy ang sama kong anak😔
"I'm sorry Mom, I just want to be alone"
"Ok my princess, please don't be mad at your Daddy. Believe we just want what's best for you and for the family" tumango nalang ano at hinalikan ni Mommy ang buhok ko.
Mabuti pa siguro at gawin ko nalang ang mga assignments ko para ma divert ang isipan ko sa problema ko😥
-----------------------
St. Michael University...
"Mariestella!" Tumataginting na tawag sakin ni Venice na tumatakbong papalapit sakin.
"Oh anong tinatakbo mo Ven? Hindi pa tayo late no!" Natatawang sabi ko. By the way, Venice is also the the only child of tito Bryan and tita Mae (my Mom's bestfriend 😊)
"Tss nauna pa kaya akong nakarating sayo dito. Kanina pa kasi hinihintay, may balita ako sayo girl. Diba Montreal ang mapapangasawa mo?" bulong nito. Tanging silang dalawa lamang ni Farrah ang nasasabihan ko ng mga problema ko. At ganun din sila sakin.
"Oh bakit?" I suddenly got curious.
"I heard na nabili na pala ng isang Montreal ang school na to and later na ang take over ceremony. Ipapakilala sa buong University ang bagong my ari! Nako girl baka yun yung fiancé mon sobrang gwapo daw eh!" Kaloka at kinikilig pa talaga to😒
"Tsss, I have no idea Ven and besides I'm not interested at all😑"
"Taray! Di bale makikita din natin siya mamaya. Attendance is a must daw eh😁" nakangising sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako at inaya na syang pumasok sa classroom namin.
---------------------
School Gym...
Akala ko late na kami pero hindi pa pala nagsisimula. Kasama ko si Venice at Farrah.
"Ay ang gwapo talaga ni Gorge!" Tili ni Farrah, haha ang totoo ay Francisco ang pangalan niya😂 sya lang naman ang anak ni Tito France. Yes you heard it right! Naging lalaking-lalaki na po talaga si Tito. Hindi nga ako makapaniwala sa mga kwento ni Mommy na mas malambot pa ito sa kanila noon.
"Tumahimik ka nga Farrah! Hindi ka naman pinapansin niyang crush mo!" Buwelta ni Venice.
Bago pa magka world war sa harap ko ay kinuha ko na ang mga kamay nila para maghanap ng mauupuan. Ito namang si Farrah ay napiling umupo kami sa harapan dahil nandoon ang crush niya.
Nagtataka ako kung bakit maingay imbes na tahimik kasi formal program ito eh. Nilibot ko ang paningin at mga kinikilig na mga estudyante na nagbubulungan ang nakita ko.
Ilang sandali pa ay nag start na ang program. Gosh ang boring dito inaantok ako 😴.
"Faculties and students! Meet the new owner and president of this school.. Mr. Thunder Vince Montreal!"
Halos hindi ko na narinig ang sinabing pangalan dahil sa tindi ng tilian. Ano to fans day?
"Adonis!"
"Greek God!"
Sabay na bulalas ng mga kaibigan ko at napanganga nalang ano nang sundan ko ang tingin nila.O.M.G may ganito ba talagang klaseng nilalang? Matangos na ilong, thick
eyebrows, expressive brownish eyes, prominent jaw line... tipid ang ngiti niya pero mas lalong syang gumwapo..mataas at ang katawan alam mong may itinatagong pandesal sa loob! Juskolord patawarin niyo po ako kung pinagnanasaan ko na ata ang Greek God na nasa harap ko!"Hi I'm Thunder Vince Montreal. I'm the new owner of this school and...."
Sadyang binitin nito ang sasabihin na parang may hinahanap ang tingin. I was shock when his eyes settled on me. Nakita ko sa gilid ng mata ko na palipat-lipat din sa amin ang tingin ng dalawa kong kaibigan.
"I can't wait to know you personally.... all of you" makahulugang sabi nito na may sumilay na ngiti sa labi
T-teka.. sa akin ba talaga sya nakatingin???
Teka bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?---------------------------
Hi readers! Whaaa hindi ako makapaniwala na I'm working on my second story! Sana. Ay suportahan niyo din ito gaya ng suporta niyo sa IIWAS
Sa mga future readers ko, thank you in advance!😊
YOU ARE READING
MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)
Random"No dad, I won't marry that man. I don't even know him" mahinahon pero may diing sabi ko.