Chapter 19

196 10 12
                                    

Marie's POV

"Thunder!"

"Mars what's the matter?" Si Ven na kakapasok lang ng kwarto.

"W-wala Ven. Masamang panaginip lang" sabi ko pero ang napanaginipan ko talaga ay si Thunder. Sabi niya aalis daw sya at hinding-hindi na daw sya magpapakita sakin. Pinunasan ko ang patak ng luhang tumakas sa mga mata ko.

"Ok ka lang ba talaga?" Paniniguro ni Ven.

"Yes of course, ahm Ven.... s-sino ang nagligtas sakin kagabe?" Please Lord sana si Thunder.

"S-sino pa ba? Edi kami ni Fars😅... n-nakita mo lang sana ang galing namin mapapabilib ka talaga" sabi ni Ven na parang hindi mapakali🤔.

"Oh natahimik ka na dyan, bakit may iba ka pa bang inaasan Mars? Hmmm?" Tanong nito na may pilyang ngiti sa mga labi.

"W-wala. Thank you talaga sa inyong dalawa" sabi ko nalang. Nilukob ang lungkot ang puso ko.

Diba sabi niya wherever I go  susundan niya ako? Pero bakit ka naman disappointed Mariestella ha,ginusto mo to. It's  just that, nasanay lang ako siguro na si Thunder ang laging nagliligtas sa akin😔. Marahil ay nagbago na ang isip nito at nag decide nang hayaan ako.




--------------------

Venice's  POV

"Wala akong alam, wala akong alam, wala akong alam!" Sabi ni Fars na kanina pa pabalik-balik. Nandito kami ngayon sa garden.

"Pwede ba pakihinaan ng volume mo Francisco maririnig tayo ni Mars" saway ko sa kanya.

"Eh nakakaloka kasi eh. Mabuti sana kung hindi niya nalang sinabi satin. Alam mo namang mataas ang radar ni Marie, malalaman nun kapag may sekreto tayo." Nag-aalalang sabi nito.

Sino ba kasi ang hindi maloloka sa nalaman namin kagabe? Or should I say na confirmed ang matagal ko ng hinala.


Flashback

"Ven gising! Hindi pa bumabalik si Marie hanggang ngayon" narinig kong tawag sa akin ni Fars.

"Anong nangyayari?" Pa pungas-pungas kong sabi. Nakatulog na ako sa sobrang kalasingan😵.

"Halika hanapin na natin si Mars baka ano nang nangyari dun"

Dali-dali kaming pumunta sa kinaroroonan ng rest room at laking gulat namin nang makitang sinuntok ng isang lalaki si Mars sa sikmura nito! Shit bumagsak si Marie!

Nagkatinginan kami ni Fars at nagkaintindihan kami na kailangan naming bugbugin ang gagong lalaking yun. (diba nag aral kaming tatlo ng martial arts, mentioned ni author sa mga nakalipas na chapters😉)
Akma na kaming susugod nang biglang sumulpot si sir  Thunder sa kung saan!

He hits the man's face hanggang sa matumba ito. Ayun basag ang mukha ng gago! Hahaha buti nga sayo.

Hindi kalaunan ay nagsidatingan na ang mga guards ng resort at dinampot ang walang hiyang yun. Agad din naming dinaluhan si Mars na ngayon ay wala nang malay.

"Marie!" Sigaw ko na napaiyak narin.

"Mars gising uy!" Si Fars na tinapik-tapik ang mukha ni Mars.

"Let me.."
narinig naming boses ni si Thunder sa likuran. Hinayaan na namin siyang buhatin si Mars.

"Let's go, I'll take you to your rest house" yaya sa amin ni sir Thunder.

MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)Where stories live. Discover now