Marie's POV"Girl! Kanina ka pa tulala dyan ah" siko sa akin ni Farrah. Kanina pa kasi ako tulala. Madali lang namang natapos ang program kaya nandito na kami ngayon sa pantry.
"Alam mo Mars, malakas talaga ang kutob ko na sya ang fiance mo eh. Those eyes! Grabe talaga!" Segunda na man ni Ven na hindi parin nakaka move on.
"I-i have no idea..."
"Alam ko na! Why don't you ask Tito and tita kung anong name ng fiance mo girl" excited na sabi ni Farrah.
"Ayoko nga..baka akalain nina Mom and Dad na gusto kung pakasal sa lalaking yun. You know naman na against ako dun😒" pangatwiran ko. "And please pwede niyo naba akong tulungang mag-isip kung pano ako makakatakas?"
"Hmmmmm... i have a brilliant idea!" Sigaw ni Ven na napatayo pa. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang estudyante😑
"Tsss, umupo ka nga girl. Ano ba yun? Siguraduhin mong hindi mapapahamak dyan si Mars sa naisip mo" paalala ni Farrah.
"Ano ka ba hindi ko naman ipapahamak tong bff natin eh😉...do you remember the last time you went to our house? Diba nadaanan natin ang napakalaking mansion. May nakatira na dun ngayon. Grabe yun na yata ang pinaka malaking mansion doon!" Ani Ven na with dreamy eyes pa😅
"So.... how can it help Marie in her escape plan?" Tanong ni Farrah na nakataas ang kilay.
"Hehehehehe, eh kasi nakita ko sa mataas na gate nila ang karatulang wanted maid!" Ayun pinakita niya samin ang picture. "Diba Mars napaka brilliant nito? Hinding-hindi iisipin nina tita na mag aapply ka na katulong. And besides magbabakasyon na rin naman next week. You have two months to hide from them and malay mo by that time ay nagbago na ang isip ng parents mo diba"
"Ang genius mo girl!" At nag apir ang dalawa.
Hmmmm🤔, tama si Ven hindi naman siguro ako mahihirapan dahil pinalaki ako ni Mommy na marunong sa gawaing bahay kahit na marami kaming kasambahay.
"Sige! I'm in. Mag-iisip muna ako kung paano ako makakaalis sa bahay na hindi nila mahahalata."
"Madali lang yan Mars. Hindi mo naman kailangan na magdala nga mga gamit mo kasi nga maid ang papasukan mong trabaho diba. Baka magtaka ang mga kasama mo at amo na puro branded ang gamit mo" napangiwi ako sa sinabi ni Fars. Oo nga naman,hehehe.
"Tama si Fars, since saturday na bukas ay pupunta tayo sa ukay-ukay!"
"Oh yeah! Thank you talaga sa inyo. I awe this to the both of you. I love you both!" Nayakap ko tuloy silang dalawa.
---------------------------
Araw ng paglalayas...
"Ahm Mom, where's Dad?" Tanong ko kay Mommy, naabutan ko syang nagsusulat ng kanta habang hawak-hawak ang gitara nito sa garden. Wala pa ring kupas si Mommy when it comes to singing and writing songs. Ganun din si Dad, actually they're still a well known composer ng bansa ngayon sa mga sikat na singers. Hindi ko nga alam kung paano pa naiisisingit ng parents ko ang passion nila sa music sa sobrang busy nila sa negosyo.
Kung tatanungin niyo naman kung namana ko ang talent nila? Well hindi naman sa pagmamayabang but I can play different kinds of instruments but my favorite is really piano. I'm also the representative of our school if there's a singing contest. I already won in National category😊. Yun nga lang medyo hindi ko bet magsulat ng kanta, boring yun para sakin.
"He already left earlier anak. Why? Do you need something?" Umiling ako, hindi ko naman kailangan intindihin ang pera sa gagawin kong pagtakas dahil malaki ang savings ko dahil sa mga sobrang allowance ko mula noon. Kuripot kasi ako😁✌
"Ah eh, wala Mommy magpapaalam lang sana ako sa inyo na pupunta ako kina Venice and mag se-sleep over kami doon ni Farrah" paalam ko sa kay Mommy. Walang makakaalam sa plano namin dahil wala naman akong kahit ni isang gamit dahil nabili na namin halos lahat at ready na. Kahit ang cellphone ko ay iiwan ko rin dahil masyadong high end nun. Bumili na ako ng mumurahing brand para hindi halata. Sana lang talaga hindi pumalpak ang planong to.
"Ok anak, no problem. Mag-ingat ka ha. Call me later ok"
"Yes Mom" nilapitan ko si Mommy at niyakap sya ng mahigpit. Hindi ko alam kung nahalata niya ang higpit ng yakap ko. Gosh, naiiyak ako😢
"Cge Mommy, take care. I-i love you both ni Daddy" bago pa tuluyang mahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay umalis na ako.
"I'm sorry Mom,Dad" mahinang sabi ko habang papalabas ng mansion.
---------------------------
"This is it pancit!" Si Farrah,
Lulan kami ngayon ng kotse nila na tinakas niya lang sa kanila. Hindi pa kasi kami pwede mag drive. We're just 17 pero next month ay debut ko narin naman.Nandito na kami sa malapit sa napaka laking mansion. Sino kaya ang may ari nito? Mas malaki siguro to sa bahay namin.
"Oh girl, you know what to do ha. Txt mo kami kung anong nangyari ha. Kapag hindi ka natanggap ay babalikan ka namin dito ok?" Paalala ni Ven.
"Also don't foget Mariestella ha. Bawal mag English, yan ang pinaka importante sa lahat. " segunda ni Farrah.
"Don't worry girls ok? I can handle this. I'll txt you later and thank you talaga sa inyo 😢" naluluhang sabi ko. Niyakap ko muna sila at lumabas na ng sasakyan.
Hila-hila ko ang hindi naman kalakihang bag na sapat lang sa mga gamit ko.
Pinindot ko na ang doorbell habang nakatingin sa direction ng kotse na sinasakyan ng dalawa.Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang maliit na trangkahan at bumungad sa akin ang nasa 50's na sigurong guard.
"Anong kailangan mo ineng?"
"Ah eh kasi po nakita ko po ying karatula na wanted maid eh nagbabakasakali po ako na baka pwede akong mag apply bilang katulong" kinakabahan ako grabe.
"Sigurado ka bang ito ang gusto mong trabaho ineng?" Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Naka pants lang ako at white t-shirt at sleepers, pinusod ko narin ang mahaba kong buhok "Nako ineng hindi naman sa gusto kitang pigilan pero mukhang mayaman ka ija at parang pamilyar ka" nangingilatis na wika nito.
Napangiwi ako, hindi parin pala maitatago ng simpleng suot ko ang estado ko sa buhay. Maputi kasi ako sabayan pa ng maganda kong kutis (hindi sa pagmamayabang ha) at malaki talaga ang hawig ko kay Mommy.
"Ah h-hindi kuya ah. May halong ibang lahi kasi ang mga magulang ko kaya ganito po. Nanggaling pa po ako sa malayong lugar manong sana po ay payagan niyo na po ako. Nakikiusap po ako" pagsusumamo ko kay manong.
"Oh siya, halika na at ihahatid kita kay Celia" sabi nito habang pinapapasok ako. I raise my hands and thumbs up bago tuluyang makapasok. Senyales yun para sa dalawa kong kaibigan.
Habang papasok ako ay wow! Ferrari! My dream car😱. Automatic na nagbukas ang gate nang malapit na ito doon. Napansin ko pang medyo bumagal ang pagdrive nito nang makakasalubong ko na. Ang lapad naman kasi ng driveway at medyo malayo ang mismong mansion sa gate.
Naku sana wala akong maging problema dito. This is is Mariestella!
----------------------
Hi readers! Medyo bibilisan ko ngayon ang pag update para masaya! Don't forget to vote and comment . Let me hear your thoughts guyz!
Also follow me @JiLen09 for more updates. Thank you!
![](https://img.wattpad.com/cover/152916786-288-k61453.jpg)
YOU ARE READING
MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)
Acak"No dad, I won't marry that man. I don't even know him" mahinahon pero may diing sabi ko.