Chapter 18

179 11 6
                                    

Marie's POV

"Ang ganda Francisco!" Bulalas ko nang makarating kami sa rest house nila.

"Pwede ka naman sigurong humanga na hindi binabanggit ang buong pangalan ko Marie eh noh😑"

Tinawanan lang namin siya ni Venice. Sino ba naman ang hindi hahanga? White sand, clear water tapos maganda din ang bahay na hindi naman sobrang laki pero magandang tingnan. All white ito at may dalawang palapag and modern ang style. Lahat kasi ay halos glass natatabunan lang ng malalaking kurtina.

"Oh iho mabuti at nandito na kayo.. ito na ba si Venice at Mariestella? Abay kay gagandang bata naman nila" bulalas ni Manang Marcia. Kilala na namin siya noong bata pa kami kaya lang hindi na kami nagkita pa dahil siya na pala ang caretaker nito.

"Eh Manang mas maganda naman ako sa kanila ah. And correction, iha not iho manang!" Nakasimangot na sabi ni Farrah. Tumawa nalang si Manang at iginiya na kami papasok ng bahay.

Tig-iisa kami ng rooms na tatlo, mabuti at nandito ako sa best spot kasi may terrace na nakaharap sa dagat. Kailangan ko daw yun para ma relax at maka move on na, eh hindi naman naging kami ni Thunder😅.

I opened my phone at nagulat ako sa 30 messages at 56 missed calls na galing sa isang unregistered number.

"Where are you!"

"Damn Mariestella! Answer my call!"

"Why are you running from me?

Omg si Thunder! Binasa ko halos lahat at hindi ko maiwasang umiyak.

"Damn Mariestella! I'm fucking worried!"

Nag-aalala siya? Pero bakit? Isa lang akong assistant for crying out loud! You're confusing me Thunder. Nagulat ako sa huling mensahe na kaka- receive ko lang.

"Wherever you are, I'll find you Mariestella... I'll get you kahit saang lumalop ng mundo ka pa magtago. Remember that "

Bigla akong kinabahan. Alam kong seryoso siya at may isang salita. Kahit nga number ko nalaman niya na kahit ni isa sa mansion ay hindi ko binigyan ng number ko. Pero hindi, safe ako dito. Bahala siyang maghanap, at bakit niya pa ba ako pababalikin? Sino ba ako sa kanya?

---------------------

Venice's POV

"Girls! Mag swimming tayo, hindi na masyadong mainit" yaya ko sa dalawa.

"Sige ba! Wait lang magpapalit lang ako ng swimsuit" sabi ni Mariestella na tumalikod na papanhik sa taas. I have already worn my swimsuit under my shirt kaya naiwan kami dito ni Farrah sa baba.

"Alam mo Fars, hindi talaga maalis sa isip ko na si Thunder ang fiance ni Mars"
Sabi kon hindi talaga ako mapakali eh.

"Until now yan parin ang conclusion mo? Malaki ang angkan ng mga Montreal diba"

"Kasi Fars, nag research ako sa net dahil hindi ako mapalagay. I learned that si Thunder lang pala ang naka base dito sa bansa. Kahit ang mommy niya nasa states na rin. His relatives are base in different countries sa iba't-ibang bahagi ng mundo kasi nga Thunder is building his own empire sa bansa at hindi na sila nakikipag kompetensya dito. Thunder is the richest amongst the Montreal's sa tingin mo kanino pang Montreal hihingi ng tulong si tito at tita?" Mahaba kong explanation kay Farrah.

"Hmmmmm... you have a point there Ven, but we don't have proof unless we ask tita Stella or tito Dominic "

"You know we can't do that Fars, pagdududahan tayo"

MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)Where stories live. Discover now