Marie's POVI hate this. I'm not a damsel in distress that needs saving everytime a problem occurs. Bakit ba kasi ang malas ko?
We just came from the hospital para malapatan ng first aid ang paa ko at pabalik na kami ngayon ng Manila.
Naiinis parin ako kay Thunder pero naawa rin ako sa kanya. Mukhang stress ang mukha niya (pero gwapo parin✌). May nangyari kaya?
Kung pwede lang ay agawin ko na ang manibela sa kanya and let him rest, ang haba pa ng byahe namin.
"S-sir ok lang ba kayo?" Hindi ko maiwasang itanong.
Hindi siya sumagot kaya tumahimik nalang ako. Bakit kasi napaka pakialamera mo Mariestella 😒.
Nagulat ako nang biglang ihinto niya ang sasakyan. Mabuti nalang talaga at nakapag seat belt ako!
"Ano bang problemo mo sir!. Pwede ba kung-" nahinto ako sa pagsasalita nang makita kong yumuyugyog ang balikat niya.... Is he crying?
"Sir Thunder anong nangyari?"
Imbes na sumagot ay humarap ito sa akin at nabigla ako nang ipinalibot nito ang mga kamay sa bewang ko at isinusob ang ulo sa mga balikat ko. Sinubukan kong kumalas pero mas humigpit ang yakap niya sa sakin.
"5 minutes... j-just give me 5 minutes" he said.
Hindi ko alam pero bigla ring tumulo ang luha ko. Kahit hindi niya sabihin I can still feel his pain. This is the first time I've seen him so vulnerable.
"Sir kung ano man po ang bigat na dinadala niyo ngayon, naniniwala po ako na malalampasan niyo din yan. Hindi naman po tayo binigyan ni Lord ng problema kung hindi lang din natin kaya diba. Kaya mo ya Sir" pag e-encourage ko sa kanya. The mighty Thunder Vince Motreal is now crying on my shoulder.
Pagkalipas ng ilang sandali ay kumalas na din sa akin at pinaandar ulit ang sasakyan na parang walang nangyari. Sana ay okay na siya, hindi ako sanay na makita siyang ganito.
It's almost 10 pm na, kaya pala mabigat na ang talukap ng mga mata ko. Ilang sandali lang ay hindi ko na napigilang pumikit.
-------------------------
"Wake up Mariestella. We're here"
Napamulat ako ng mata nang marinig ang boses ni Thunder at ang gwapo niyang mukha ang sumalubong sakin.
"We're here.. ang sarap ng tulog mo ah. May laway ka pa sa labi" naka smirk na sabi nito at lumabas na ng sasakyan.
Aaaaaaaaaahhh! May laway nga! Agad ko iyong pinahid bago paman niya mabuksan ang pinto sa side ko. Grrrr, hindi na ako matutulog sa kotse niya kahit kailan!
Pagkalabas ko ng kotse niya ay mag wa-walk out na sana ako pero nahawakan niya ang kamay ko.
"M-may kailangan pa kayo Sir?"
"No I just.... I just wanna say thank you"
Tama ba ang narinig ko? Bago paman ako maka sagot ay nawala na siya sa paningin ko. Napangiti ako, atleast marunong din palang mag thank you ang lalaking yun 😊.
--------------------
Nagising ako sa sikat na araw na tumatama sa mukha ko. Sinulyapan ko ang wall clock at napabalikwas ako ng bangon nang makitang 8 am na! 😱
Dali-dali akong pumasok sa cr at 10 minutes ko lang yata natapos ang morning routine ko sa sobrang pagmamadali. Bakit kasi nawala yung phone ko, yan tuloy wala na akong alarm 😭.
Agad akong lumabas ng kwarto at nasa hagdan na ako nang biglang parang gusto ko nalang umatras at bumalik sa kwarto ko. Pano ba naman kasi, makakasalubong ko si Thunder.
YOU ARE READING
MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)
Random"No dad, I won't marry that man. I don't even know him" mahinahon pero may diing sabi ko.