Chapter 21

209 9 5
                                    

Marie's POV

Shit! How? Why?
Gising na ako pero natatakot akong imulat ang mga mata ko. Bukod sa mabigat iyon ay natatakot ako sa pwede kong makita.

Masakit ang buong katawan ko lalo na sa ibabang bahagi. Naramdaman ko ring may nakapulupot na braso sa bewang ko... si Thunder. Gosh! Why did I surrendered my virginity to him?!

Alam kong OA but I can hear his heartbeat. Napaka banayad nun samantalang ako feeling nakikipag karera😧.

Pagakatapos ng ilang sandali ay naglakas ng loob na kong imulat ang mga mata ko. Ang gwapong mukha ni Thunder ang sumalubong sakin.

"Swerte ang mapapangasawa ng lalaking to. Kay gandang nilalang ang sasalubong sayo sa bawat umaga" bulong ko. Pero bakit may kirot sa puso ang isiping may ibang makakasama si Thunder sa araw-araw na pag gising niya?

"Tumigil ka nga Mariestella, you need to get out of here."
Sabi ko na dahan-dahang kumawala sa yakap niya. Mabuti naman at hindi siya nagising.

I scanned the room mabuti at nandito pa ang mga damit ko. Tiniis ko nalang ang sakit na nararamdaman ko "doon". I can't afford to stay here with him after what happened last night. Ayokong mas lalong masaktan lalo na at ikakasal na ako sa iba.

Paika-ika akong lumabas ng kwarto. I wish I have more time to appreciate this rest house pero wala na akong time.

Bye Thunder. Hindi na sana tayo magkita kahit kailan.

---------------------

Farrah's POV

"Where is she? Naku baka ano nang nangyari kay Mars Ven.😨" nag-aalalang sabi ko kay Venice.

"Tumawag na kaya tayo ng pulis?" Nagpapanic nang sabi ni Ven.

"Eh hindi pa umaabot ng 24 hours eh. Magsasayang lang tayo ng laway sa mga pulis" sagot ko.

Saan ba kasi ang babaeng yun? Kahapon pa siya nawawala at hanggang ngayon ay missing in action parin ang lola niyo!

"Naku Fars kinakabahan talaga ako baka na kidnapped na siya😱"

"Farrah, Venice..." laking gulat namin nang may tumawag sa amin mula sa likuran.

"Marie! Huhuhu akala namin napano ka na" si Venice na sinugod ng yakap si Marie at ganun na din ang ginawa ko.

"Bruha ka! Pinag-alala mo kami saan ka ba pumunta Mars?"

"I'll tell you the story later but for now pack your things we need to go girls" nagkatinginan kami ni Ven.

"Why?" Takang tanong ni Ven.

"I decided to go home girls. There's no point on escaping."

"Ha? I can't understand you Mariestella. Diba ang plano natin sa katapusan pa babalik? At baka sa time na yan ay nagbago na ang isip ng parents mo?" I said. Nakita kong ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata.

"I'm accepting my fate Ven, Fars... I can answer your questions later but for now we need to hurry" sabi nito na paika-ikang umakyat sa hagdan.

Nagkatinginan kami ni Ven. What happened to you Mariestella?

---------------------

Thunder's POV

"Fuck! Shit! Where are you Mariestella!" I yelled out of despair.

I didn't know what to do when I woke up without her by my side. She ran away, again.

Last night was magical. I know that she feels something for me... I can feel it. After what happened I thought it would be a good start for US.

I checked the GPS of her phone. Naikuyom ko ang kamao ko nang makitang pabalik na sila ng Manila.

"You can run but you can't hide from me Mariestella. You're mine and I'll make you realize that soon..."

----------------------

Marie's POV

Pabalik na kami ngayon ng Manila. Hindi makapaniwala ang dalawa nang ikwento ko sa kanila ang mga nangyari.

"That explains why you're walking in a funny way Mars😂. Kahit ako din naman ang sa sitwasyon mo nako isusuko ko din ang bataan!" OA na sabi ni Fars.

"Eh kung batukan kaya kita dyan?" Sabi ni Ven na siniko si Francisco.

"Joke lang! Pero Mars hindi talaga ako makapaniwala na bet ka rin pala ni Sir Thunder. Hindi kaya may gusto nga siya sayo?"

"I.... I don't know, but that's impossible and besides magpapakasal na ako kaya let's cut the idea" sabi ko na ipinikit na ang mga.

Ayoko nang pag-usapan pa ang nangyari. I'll just consider it as a beautiful dream.

---------------------

Stella's POV

It's been a month since our daughter left us. Two weeks nalang at debut na niya at masakit isipin na hindi namin siya kapiling sa mahalagang araw na yon.

Dominic is not here. Kailangan niyang asikasuhin ang negosyo namin kahit na hindi na yun ganon katatag ay kailangan parin naming isalba yun sa abot ng aming makakaya para hindi na namin kailangang ipakasal si Mariestella kay Mr. Montreal.

"Ma'am, ma'am!" Si yaya Minda na humahangos paunta dito sa garden.

"Bakit po yaya?" Nagtatakang tanong ko.

"Ma'am sumama kayo sakin siguradong matutuwa kayo kapag nalaman niyo kung sinong dumating"

Hindi kaya? Halos takbuhin ko na ang sala namin to confirm who's on my mind.

And there she is... my princess!

"A-anak..."

"M-mommy!..."

Umiiyak na tinakbo niya ang pagitan namin. Pumatak na rin ang masasaganang luha sa mga mata ko.

"I missed you so much my princess" umiiyak na sabi ko habang yakap parin ang anak ko.

"M-mom I'm s-sorry.  Promise po hinding-hindi na ako tatakas"

"You don't have to be sorry my princess. Kami dapat ni daddy mo ang dapat na mag sorry sayo. We're selfish.  Hindi ka namin dapat pinilit  na magpakasal sa taong hindi mo mahal" sabi ko habang pinapahiran ang mga luha nito.

"Mom... Kaya ako bumalik dahil p-payag na po ako sa kasal. I want to help you and daddy. Sorry po dahil ako tong naging selfish. You're happiness is my happiness Mommy."

"A-anak?" Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nito.

"Yes mommy... I'll marry Mr. Montreal"








---------------------

Hi guyz! thisbis a short UD lang muna and sorry din kung ngayon lang ako naka UD ulit.
I dedicate this chapter to @nonacabrera15mendoza did I wrote your username right? It's because of your kindness kaya naka UD ako ngayon😊. Thank you!

Kung may makita kayong typo error pagpasensyahan niyo na ha. Baka sa chapter 23 na yung debut 😁.

Thank you everyone! Godbless!

MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)Where stories live. Discover now