Marie's POV
What the heck! is that Tonyo?
Antonio Maasin is my classmate/stalker😑. Classmates na kami since elementary.
Nakita kong napatigil din si Thunder sa paglalakad. Grrrrr Tonyo humanda ka sakin sa susunod😤.
"Sir Thunder w-wait lang po. Kilala ko po yan taga probinsya namin" yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Kapani-paniwala naman diba?
"Tonyo pwede ba pakihinaan naman ng boses mo" bulong ko nang makalapit na ako sa kanya.
"Bakit hindi ka na bumabalik ng school ikaw pa naman ang leader ng music club" pagmamaktol nito.
I'm the President of Music Club at kasali din si Tonyo, at dahil nga stalker ko siya ay sumali sin ang mokong kahit wala namang talent sa music. Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya kahit nakakairita na, he's not doing things that can harm me naman eh.
"Nako tigilan mo nga ako Tonyo. I'm on vacation, nandoon naman si Venice at Farrah sila na muna bahal. Sige na" paalam ko sa kanya.
"Wait!" Bago paman ako makaalis ay hinawakan nito ang braso ko. Shet kainis talaga tong taong to.
Sinulayapan ko si Thunder at nakita kong madilim ang aura nito habang natingin samin ni Tonyo. Hala naiinip na siguro si boss!
"Ano ba, bakit ba ha? May gagawin pa ako Tonyo" masakit na ang braso kong mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"Bakit kayo magkasama ni Mr. Montreal?" Seryosong tanong nito.
Heto na bang sinasabi ko eh. Mag-isip ka na ng palusot Mariestella!
"What now if Mariestella's with me? Is there any problem Mister Maasin?"
Nagulat ako ng magsalita ang baritonong boses sa likod ko. Nakalapit na pala si Thunder samin. Nakita kong namutla si Tonyo. Hahaha buti nga sayo! Wait how did he know Tonyo's surname? Don't tell me sinaulo niya lahat nga names ng students dito🤔.
"W-wala po Mr. Montreal. S-sige po mauna na ako" nauutala na sabi ni Tonyo at dali-daling umalis. Hay salamat naman 😥.
"Sorry po sir T-Thunder kung pinaghintay ko kayo" nakayukong sabi ko.
"Let's go" sabi nito at umalis na sa harap ko. Yun lang? Hindi niya man lang pinansin ang pag sorry ko, suplado talaga. Hmmmp!
------------------------
"Just stay here and wait for me" sabi nito nang makapasok kami sa office niya. Wow ang ganda ha infairness.
"Hindi niyo ba ako kailangan sir-" napatigil ako nang ma realize ang sinabi ko, baka anong isipin niya.
"I- i mean hindi ko pa kailangang mag take down notes?""Do you want to?" Sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko. Nakipag dwelo ako sa mga matang hinihigop ang kaluluwa ko hanggang sa hindi ko na kinaya at ako na ang umiwas ng tingin.
"D-dito nalang ako sir Thunder" ano ka ba naman kasi Mariestella makikita ka ng mga prof mo dun tanga.
"I'll go ahead" sabi nito na tumalikod. Pero bago paman siya tumalikod ay nakita ko ang pag ngiti nito. Ang weird ng boss ko.
Sa 2 years na ko sa school nato ay ni minsan ay hindi ako nakapasok dito. Na excite ako nang makita ang piano sa sulok, I'll play you later, just wait😊. May nakita akong kwarto binuksan ko at tumambad ang isang mini kitchen. Kumulo ang tiyan ko konte lang pala ang almusal ko kanina sa sobrang pagmamadali. I checked what's inside the ref, aba ang daming fruits. Hindi naman siguro mahahalat ni Thunder kung kumuha ako ng isa😁.
![](https://img.wattpad.com/cover/152916786-288-k61453.jpg)
YOU ARE READING
MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)
Random"No dad, I won't marry that man. I don't even know him" mahinahon pero may diing sabi ko.